My Christmas Wishes This Year, a Reflection of believing in the impossible


My Christmas Wishes This Year? Noong mabasa ko ito nablangko ako ah. Hindi katulad dati na automatic kaya kong maglista siguro ng 50-77 items per minute. Result na ba ito ng adulting, pagiging career-oriented, business-minded, alam na lahat ng gusto ay pinaghihirapan, puyat, stress, o stoic? Pero naniniwala at may pananampalataya naman ako. Napaisip lang din ako kung bakit blangko ang utak at puso ko, bakit wala? Pero kailangan ba dapat mayroon?

Habang bina-blog ko ang post na ito ay wala talaga akong maisip pa. Pero gusto kong pigain, alalahanin, at pagbulayan. Sa dulo kasi ng kokote ko ay parang sinasabi na kailangan, ganun din sa tsika ng heart ko. Baka it’s an issue sa aking spiritual health o something like I have to believe in the impossible. Because I do believe in the power of faith. (daming kuda di ba?)

one of the memorable Christmas Gifts

Bakit ang hirap mag-isip ng My Christmas Wishes?

Ang naiisip kong mga rason kung bakit hirap akong makaisip ng eksaktong My Christmas Wishes This Year ay dahil

  • alam ko na ang hirap ng buhay ( hehehehe)- tipong lahat dapat pinaghihirapan
  • ang mindset ko ay ang Pasko ay para [lang] sa mga bata – tipong isa sa mas pinaghahandaan mo bukod sa Noche Buena ay aginaldo
  • mas sanay ako magsulat ng New Year Resolutions o kaya Yearly Goals
  • dahil iba na ang pananaw ko sa buhay- hindi na simpleng materyal na bagay gusto ko.
  • o ang idea ko sa wish ay impossible to have

Siyempre gusto kong rason ay iyong pangalawa sa huli. Hindi sa hindi ko kailangan ng mga materyal na bagay. Ang dami kong gustong pag-ipunan na bilhin at ipagawa at sa totoo lang rebuilding of finances ang drama namin [ kasama na ang pag-ahon sa utang].

Ang napagtatanto ko lang kasi sa buhay ay ang right behavior sa money, positive life mindset, at smart choices para magkaroon ng at least kaliwanagan ang pinapangarap ng tao. In fact, isa sa tema o battle cry ko this year ay Grit. Tipong don’t stop till I get something and till I go somewhere. At hindi madali na pangatawanan ‘yan dahil sa totoo lang ang dami ko munang naranasan na paasa at rejections bago ko naramdaman iyong unting ginhawa. Nasubok talaga ang katatagan ng kumpiyansa, pananamplataya, at bulsa. Parang…

” You’ll never know how strong you are untill being strong is your only choice.”

Bob Marley

Kaya possible na ang pananaw ko sa ibig sabihin ng word na “wish” ay kahilingan o kagustuhan na impossible o higit pa sa makakayanan mo. Iyong kahit pagtrabahuan mo nang husto ay hindi mo pa rin makukuha. Halimbawa ay pag-ibig at pakikipagrelasyon. I don’t believe na ang pag-ibig ay ipinipilit o basta tinatrabaho, baka pakikipagrelasyon ay oo. Love is a magical connection between two people. Kaya nga siguro na-compose ang got to believe in magic, ano?

Possible din na mas naniniwala ako sa power ng prayer. So baka ‘pag sinabing My Christmas Prayers This Year kaysa My Christmas Wishes This Year madali rin akong makaisip. Kasi automatic pag prayer, iyong hiling mo idinidirekta mong idulog sa Kanya.

Patalastas

Sana Ngayong Pasko

Sabihin na natin na magkasingkahulugan ang prayers at wishes at ang mga ito ay iyong mga bagay na hindi ko basta makukuha. Iyong puwede naman pagtrabahuan pero baka matagal-tagal na journey o totally beyond my control.

Personal Growth. this is not as easy as ABC pero sana mangyari

Healing. I am glad na yung 2 sa tatlong tao na alam kong may cancer ay gumanda na ang kalusugan. Sana tuloy-tuloy ang kanilang paggaling kasama na yong isa pa, isang 10-year old boy na may leukemia

Love. Honestly, hindi ko alam kung mapagmahal akong tao o gaano akong mapagmahal na tao, lalo na para sa isang lalaking makakarelasyon. Malapit ba yan sa pagiging thoughtful, loyal, o caring? So sana ngayong Pasko ay malaman ko ang meaning n’yan sa puso ko.

Be a Help. One of the things na natuwa akong nagawa ko ngayong taon ( kahit medyo kapos) ay ang makatulong. Kahit sa kakarampot na paraan ay nagawa ko. Hopefully makatulong pa ako sa sa pamamagitan ng through blogs, social media accounts, my jobs, business, and especially sa education program na sinusuportahan ko.

Sa materyal na bagay, most of my Christmas Wishes already granted. Thank you sa ipinagkaloob ng Panginoon na maging tulay at paraan, kung mayroon akong ihahabol pa siguro may kinalaman na sa bahay namin.

I hope and pray na magandang meaningful din ang Pasko sa iyo. Ikaw what are your Christmas Wishes?



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

19 thoughts on “My Christmas Wishes This Year, a Reflection of believing in the impossible