My 5 Filipino Top Music Artists


Naimpluwensyahan ako ng aking mga kapatid pagdating sa music. Siyempre kanya-kanya sila ng trip gaya na lang ng mga awitin nila Rey Valera, Freddie Aguilar, Basil Valdes, Beatles, Sharon Cuneta, The Carpenters etc. Ako ang hindi nila masundan kasi ako lang ata ang nagkainteres sa Hip-hop o RnB.

this post is  about Pinoy artists na proud akong kilalanin. Hindi naman necessarily na alam ko ang bawat kanta nila o talagang gustong –gusto ko ang personality nila. Basta may something about them na exceptional for me.

Aiza Seguerra

Aiza Seguerra Concert by hoshilandia.comAs a child star, siya na talaga ang naabutan ko. Hindi ko naman siya talagang gusto pero aminado akong vivo siya. Iyon nga lang lumamlam ang kanyang kinang nang ma-reach na niya ang sinasabing awkward stage. I thought that was the end of Aiza’s stardom.

However, when she evolved sa pagiging acoustic artist, iba talaga.  For me, she’s the pioneer of the renaissance of acoustic music in the Philippines. Pagdating ng Panahon was a huge hit at tinalo niya ang uso noon na mga double meaning novelty songs like Aray o Gaano Kalaki.

I like her version of If (of Bread), Everything I Own (of Bread), Pakisabi na Lang (of The Company), Journey (of Angela Zhang) and my favorite now, I’ll Be there (of Martin Nievera). Siempre gusto ko rin ang Huwag Ka Lang Mawawala (a duet with Ogie Alcasid) very inspiring song na I See You Lord. Sana makagawa siya ulit ng original song na kasing hit ng Pagdating ng Panahon. Balita ko sikat na siya ngayon sa Singapore.

Apl de Ap

Patalastas

Apl de ApOf all Pinoy International Stars na bumabandera ngayon sa kanya ako pinaka-proud. Hindi niya ikinahiya at gumagawa siya ng paraan para i-promote ang Tagalog music sa abot ng kanyang makakaya. Hindi niya lang pinasisikat ang kanyang sarili kundi ang musika din natin.  Ang nakaka-elib pa nito gusto ko talaga ang tugtugan ng grupo niyang Black Eyed Peas.

Actually, ang nagpapaindak sa akin ngayon ay ang single niyang Mare. Hindi rin dapat isantabi ang Bebot at apl’s song. Kung may magko-concert sa ‘Pinas na foreign act, sa Black Eyed Peas lang ang paghahandaan ko.

Sana ay mag-prosper ang kanyang Jeepney Records at magkaroon na ng development ang kanyang ginagawang album (oh hindi ko lang alam?). Gusto ko ang duet nila ni Billy Crawford na You Can Dream. Yes pino-promote ko ito.

Carol Banawa

Kung gandang pisikal ay baka nga maraming mauuna sa kanya sa pila pero pagdating sa malamyos na boses at nakaka-touch na mga awitin, okay na okay for me si Carol. Hindi man siya active sa Pilipinas (may family na siya sa ibang bansa at nagni-nurse na ata) ay patuloy pa rin napapakinggan ang kanyang mga kanta at boses.

Ang gusto kong kanta niya ay Bakit Di Totohanin at Hanggang May Kailan Pa Man (na ilang beses nang ginagamit na theme song). Pero trip ko rin ang Iingatan ka, Tanging Yaman, Panunumpa, Muntik na Kitang Minahal at version niya ng Maalaala Mo Kaya. By the way, ang teleserye niyang Bituin kasama sina Nora Aunor at Desiree del Valle ang isa sa iilang soap opera na sinubaybayan ko noon. Ganda rin kaya ng theme song noon.

Rico Blanco

rico blanco BIsa ako sa may reaction noong nag-bye-bye na siya sa Rivermaya, the only band that I truly like so far. Marami akong gustong kanta nila, especially noong nasa kanila pa si Bamboo Mañalac. Alam naman natin na karamihan sa kanilang hit songs ay komposisyon niya. Few of my favorite Rivermaya’s songs are 214, Kisapmata, Himala, Liwanag sa Dilim, Posible, and You’ll be Safe Here. Okay naman ang mga latest songs niya as a solo artist, iyon nga lang parang sobrang bigat at puno ng angst. Pero gusto ko yung Ayuz. Lively na e saka happy, sumayaw pa nga si Rico.

Sana ay makipag-collaborate siya sa other artist at makagawa ng love songs like 214.

Lea Salonga

Lea Salonga (Inspired)1 low res B

album cover of Inspired

Bata pa lang ako mula’t na ako sa kanyang kasikatan at pagiging magaling na performer sa Broadway. Hindi ako ma-musical o ma- stage play pero proud na proud ako sa kanya bilang Filipina.  Siguro nasa High School na ako  nang talagang napamilyar ako sa kanyang mga songs at voice. Gusto ko  ang total package niya from her voice, performance sa stage, ayos ng buhok, and confidence niya. Hindi mayabang at hindi rin sobrang humble. Tamang timpla ika nga.

Honestly, ang On My Own (from Les miserables) lang ang saulo kong kanta. At kinakanta ko siya kapag may audition ako or something. Mahirap naman siya ibirit palagi sa videoke di ba?! Gusto ko rin ang Journey at Reflection a at ang version niya ng Bakit Labis Kitang Mahal, Friend of Mine, Reaching Out at Even If.

Sa ngayon enjoy akong pakinggan ang Kahit Maputi na ang buhok ni Noel Cabangon.

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

24 thoughts on “My 5 Filipino Top Music Artists

  • Pingback: Top 10 Awesome Women | aspectos de hitokiriHOSHI

  • Hoshi Post author

    Naks naman ate Emie, salamat at napadalaw ka sa Hoshilandia Jr. ko. Thanks din at naaliw kita hehehe

    Hindi ko pa masyado natutukan si Richard Poon pero sa panahin na napapakinggan ko ang boses niya at gawing standar or jazz ang mga Pop songs ay natutuwa ako. galing eh at puwede pala iyon?!

    mabuhay and visita ka lagi ha

  • emie

    wala akong masabi sa iyong isinulat! Ang alam ko lang nag enjoy ako sa kakabasa at hindi man maitanong eh talagang napangiti ako sa nilalaman ng iyong blog.

    Gusto kong version ng kanta ni Richard Poon, in na in sa panahon ng mga lolo at lola at pwede mo ring ilinya sa panahon ngayon yung “Kahit Maputi na ang Buhok ko” di ko alam if that’s the title ha.

    Siguro it’s more on the lyrics of the song noh not really on the music or the tune itself.

    Nakaka aliw ka kc tanda mo yung mga kanta and who made that songs magaling or masipag ka nga sa research pagdating sa musika, ako naman listening lang ang gift ko hehehe.

    again i enjoy reading your blogs. Go for gold!

  • Hoshi Post author

    oo naman kahit ano pa siya, maganda ang music niya.

    yeah okay na okay so Ogie, astig talaga ang mga nagagawa niyang musika.

    and siempre, high five tayo sa Eheads! Yeahhhh!

  • Hoshi Post author

    yeah gusto ko rin lahat yan duking, galing!

    mayroon akong cassete tape ni Gary na nabili ko pa sa Philippine Christian Bookstore. ang bigat ng mensahe ng kanyang mga awitin pero ang gaan niyang tinutugtog.

    siempre okay din ang eraserheads – all time favorite ko na talaga ang tindahan ni aling nena, magazine at huling el bimbo. Yang asin na yan ang isa pang favorite ng mga kuya ko.

    sino naman ang dagtang -lason? hindi ako familiar sa kanila. basta ayoko lang yung mga mga nagre-revive ng kanta na binaboy o nira-rap basta. hmp sa kanila.

  • duking

    ang gusto ko sa kanta ni aiza is yung unplugged version nung ‘muntik na kitang minahal/pakisabi na lang medley’.

    gary granada,francis m..eraserheads,asin etc.those who show cases the filipino culture in their music as well as those music who wakes up the soul.

    dagtang lason-crap!

  • eloiski

    natutuwa ako kay aiza kahit lesbian siya. may sapak mga kanta niya eh. siali mo na rin si ogie. ang astig niya kahit maliit siya pero isa siyang dakilang composer. pero gusto ko din si ano si carol banawa. maganda din music niya eh.

    pero pinakadebest talaga sa akin eraserheads! yun lang!

  • Hoshi Post author

    oo naman. akala ko sawa na ako sa kantang yan. pero noong kinanta nya nagkaroon ng bagong dating. hehehe gusto ko nga makipag-duet e. wahahaha

    maganda rin naman yang kantang yan ni ogie. galing talagang songwriter nyan. elib ako.

  • Hoshi Post author

    mabuti naman at agree ka sa listahan ko leng-leng.
    ang pinakagusto ko kay aiza ay yung boses niya. siguro may mas magaling at mas sikat na acoustic artist. pero yung boses nya sya lang meron noon at kapag nag-revive siya ng kanta. hindi nakakapika. hehehe

    gusto ko rin siempre si Billy Crawford. Mabait at alam nya ang gusto niya. basta syawan he’s one of the best for me. favorite ko ang trackin at le’t groove niya.

    pero sorry, hindi kita masusuportahan kay Jay-R. kahit ano pang pilit mo. wahahaha

  • len

    Agree ako sa mga listahan mo, mas aagree ako kung sinama mo na si Billy at Jay-R ko. nyahahahhaaha

    Noong una kong naakinggan ung I See You Lord nangilid ang luha. Isa si Aiza sa magaling na OPM singers ngayon. Gusto ko iyong Panunumpa ni Carol Banawa, sobrang ganda ng kanta na iyan.

    Bow ako kay Apl.de.ap at Billy Crawford dahil proud to be Pinoys sila, hindi nakakalimot sa bansa nila.