4 Favorite TV Filipino Shows in 2010

Sa Hoshilandia Sr. sinabi ko kung bakit ayaw o nawawalan ako ng ganang manood ng TV. Pero nanood  pa naman ako ng piling piling local programs. Siempre dapat ay may in-intake ka rin na something para lumawak ang iyong awareness.

ANG PINAKA – 6pm every Sunday sa QTV 11

Nag-start na akong manood nito kahit noong si Pia Guanio pa ang host. For me amusing your format at saka may mga trivia pa silang sinasabi. Wala naman akong particular na gustong episode basta kung ano yung ma-feature nila na interesante.  Nai-post ko pa nga sa SR. yung Pinaka-Pinoy Friendly Countries at top movies nina Nora Aunor at Vilma Santos.

Noong una naasiwa ako sa pagpapalit nila ng host, lalo na’t isang kalbong matiponong lalake ang ipinalit nila. Pero kwela naman pala si Rovilson Fernandez at ayos naman siyang mag-host.

LANDMARKS- every Sunday 5:30 pm sa Net 25

Nung mapanood ko ito noon medyo naiirita ako sa mga side comments ni Ka Totoy Talastas para kasi siyang galit sa pagsasabi ng mga nalalaman niya at paulit-ulit pa minsan ang mga sinasabi. Pero eventually binabalewala ko na, siguro nga ay ganun lang talaga siya magsalita.

Ang maganda sa show na ito ay hindi ka iingitin na makita ang malalayong lugar. Madi-discover mo ‘yong mga places na kaya mong puntahan, lalo na’t kadalasan (sa mga napanood) ko ay within sa Metro Manila o sa mga kalapit na lugar dito. Dito ko nakuha ang info sa Pan de Amerikana at mga museums sa Marikina. Nalaman ko rin mula sa kanila ang Nena’s Special Bibingka sa Cubao, Quezon City na nabisita na namin.

Patalastas

Minsan parang sablay ang spiels ng host na si Faye Castro pero all in all okay naman siya. Iwasan lang yung may pagkaulit-ulit na pagbabanggit ng mga simpleng bagay na puwedeng masakyan gaya ng tricycle, bus, jeep, taxi, tren lalo na nga’t mayroon naman talaga niyan sa Metro Manila.

SPOON- every Sunday 6:30 pm sa Net 25

Kapag sinabi ng kanilang mga guests na at home sila sa pagluluto rito. Parang naniniwala talaga ako at hindi sila nagpi-pretend. Ito ang cooking show na puno ng palaman. Malalaman mo ang personality ng artista, ano ang mayroong espesyal sa kanila at ang kanilang mga kuning-kuning sa pagluluto. Madalas hindi ako naeengganyo na magluto kasi talaga namang nanatiling pangarap sa akin ang magluto pero nandoon na ang enthusiasm.

At malamang sa kapapanood nito ay baka mauwi rin ako sa pag-aaral ng culinary arts then hosting. Okay din ang Art. 21 at Convergence sa Net25 hindi ko pa lang masyado napagpapanood.

BFGF –every Sunday 4 – 5:30 sa TV 5

Sad ako na nawala na ang Shall We Dance ni Lucy Torres dahil iyon talaga yung pinakapinapanood ko lately. Pero aaminin ko na medyo nahahalina ata ako sa kapapanood ng BFGF. Tinatanong ko nga sarili ko kung bakit? Hindi ko naman trip si Kean Cipriano of Calla Lily (although nagagandahan ako sa mata niya), hindi rin ako maka-relate kay Alex Gonzaga, at halos lahat ng mga kabataang artista dito ay bago sa acting. Siguro ito ay dahil sa takbo ng istorya na naiba sa karaniwang tinatakbo ng isang youth oriented show.

Teka parang Sunday lang ata ako nanood ah. Ikaw may maire-recommend ka ba?

About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

21 thoughts on “4 Favorite TV Filipino Shows in 2010

    • Hoshi Post author

      alam mo buti na lang endless 1 ang gagawan nila ng adaptation. dahil kung winter sonata yun, humanda sila sa akin. hehehe

      hmmm baka this june na yan pagkatapos ng Panday kids or The Last Prince. oha-oha updated daw ako!

    • Hoshi Post author

      hmmm hindi kaya si Pia Guanio ang pinapanood mo dun tito? ayeeee

      pero sa bagay kasi iba kasi yung dating kapag may reputasyon or magaling ang host ng isang show. magaling din naman si rovilson, naiiba yung atake niya. di nga lang siguro appealing para sa iba.

  • len

    Sa list mo, ang Pinaka ang napanood ko. Nagustuhan ko rin iyong format nito pero ngayon hindi ko na madalas napapanood. Last Sunday, naabutan ko lang ang number 1 sa topic nila na hottest mama in showbiz at iyon ay ibinigay kay Lucy Torres- Gomez.

    • Hoshi Post author

      talaga? depende ata sa lugar yung dating ng network. sa amin studio 23 naman ang mahina. eh di ba marami silang ipinapalabas na magagandang foreign shows.

  • duking

    dati pinupuyat ko ang sarili ko every monday sa I-witness.gustong gusto ko rin yung kay ariel and maverick sa channel 5.paminsan minsan akong nanonood ng TEN the evening news.bilang manonood,kailangan tayo na lang mismo ang mag filter ng mga palabas na gusto nating panoorin.boring na kasi talaga yung karamihan.

    magandang araw hoshi!

    • Hoshi Post author

      magandang madaling araw duking! (1am ko daw sinagot ang comment mo)

      tama ka na bilang mga mabusising manonood (mabusisi daw oh) ay tayo na ang gumawa ng paraan na mabigyan ang kokote natin ng maganda at may quality na panoorin.
      dati rin ang hilig-hilig ko sa i-witness at correspondents depende sa topic. at same tayo bumitaw na lang ako dahil nakakapuyat, bumabagsak ako sa umaga. hehehe

      may ten pa ba? parang wala na ata. ganda ng news program na yun magaan ang dating. paborito ng mga kasama ko si Lourd de veyra

  • eloiski

    hmmm. gusto ko yung pinaka. kaso wala nga kasi kaming qtv eh. i’m sad. wala din kaming net25 na yan.

    ano mairerecommen ko sayo? mag-anime na lang tayo poreber. wala na talaga eh. hindi na ako nanonood ng tibi. dibidi na lang. alam mo yung glee ate. bongga yun. alam mo yung gossip girl. maaarte mga tao dun. alam mo yung anime. alam mo yun syempre.’

    wala ako masuggest talaga. gusto ko batibot eh. hakhak!

    • Hoshi Post author

      okay lang yun eloiski sa anime solve na tayo. hehehe kaya gusto ko tv5 nagmama-marathon sila ng anime lalo na dati. kaso ngayon naglalagay na sila ng mga bagong programa.

      balita ko ibabalik daw ang batibot sa tv5. sina pong pagong at kikong matsing may mga tungkod at salamin na. hehehe. joke! pero ibabalik daw nga daw.

      kaya

  • Tim

    Maidagdag ko rin pala na gusto ng nanay ko yung Spoon. Ang akin lang, parang pilit minsan si Janice saka minsang parang di ko alam san nya hinuhugot yung mga tanong nya sa guests. Parang minsan ka-level lang nung tanong ni Boy Abunda dun sa kanyang magic mirror.

    Si Rovilson naman, medyo nakakailang din nung una pero kwela din kasi yung pagho-host nya kaya nasanay na rin ako. Madalas wala lang ako sa bahay para mapanood ito.

    As a whole, wala yata ako talagang pinapanood na sa TV. Mas gusto ko pa manood na lang ng mga series na nasa DVD. Ang talagang inuupuan ko na palabas ay Eat Bulaga, at sa Pinoy Henyo segment LANG.

    • Hoshi Post author

      hmmm as a host okay naman sa akin janice,tama lang pero hindi gustong-gusto. saka okay yung format… minsan kasi nasa guest din kung paano tatakbo yung usapan kasi mahirap manimbang then naglulutuan pa kayo.

      yeah okay naman si rovilson! ako rin nakakalimutan ko ito dahil kay rica na walang ginawa kundi kulitin ako sa mga shows na pinapanood niya tuwig linggo. yung mga programa niya ang naalala ko tuloy. hahaha

      ako rin naman, like i said pero siempre parang may feeling ako na kailangan maging mapagmasid din ako sa ibang kabagayan. hindi ka naman makakaalam ng bago kung hindi ka magmamasid eh
      oha-oha!

  • Tim

    Sablay yung Convergence. Puro wala lang yung mga sagot nila sa nagtatanong. Hindi sa pagmamayabang, pero mas kaya ko pang sagutin yung mga tinatanong ng mga viewers kaysa kanila. Parang basic na basic lang parati ang sagot nila.

    • Hoshi Post author

      ah ganun ba? siguro kaya naman ako na-amaze sa kanila kasi ako naman pam-basic yung alam ko. and i think naniniwala naman ako sa kayabangan mo este sa sinasabi mong masasagot mo yung mga viewers.

      dalawa sa mga rason ay dahil isa kang tech savvy at isa kang resident writer ng isang high tech na magazine. oha-oha!