Pasta, Pizza, Italian Restaurants in Manila


Sa pelikulang Eat, Pray and Love na kung saan bida si Julia Roberts pumunta siya ng Italy at doon kumain ng masasarap pagkain doon gaya ng pasta at pizza. Sarap siguro na mangyari yung ganung eksena sa totoong buhay, ano?  Kain ka ma-sauce, ma-cheese and ma-meet na pagkain na nakakataba man ay hindi mo mapigilang kumain ng kumain.

Hindi pa ako nakakarating Italy (sana someday) pero tingin ko napakaraming restaurant sa ‘Pinas na naghahain ng masasarap na Italian foods.  May ilan naman na mura naman lalo na kung isang barkada kayong maghati-hati  hindi lang sa kainan kundi sa bayaran din.  May ilan din naman kasi na malalaki ang servings.  Sa ngayon, pinagusto ko ang pagkain ng pesto pasta, tuna pasta at four cheese pizza..

Narito naman ang mga restaurants na nakainan namin na may kuha(as in pictures ko)  ako…

Bellinis (Cubao Expo, Quezon City)

Hindi ko na maalala ang detalye ng nakain naman dito pero sa pagkakaalala ko ay masarap naman. Medyo may kamahalan yung mga foods pero malalaki naman ang servings at puwedeng paghati-hatian.  Pero ang dagdag na feature sa Bellinis ay ang interior ng kanilang resto. May mga paintings sa walls at celings. Dagdag pa ang performers nila na iba sa karaniwang makikita sa mga bars kasi dapat may pagka-Italian or Spanish.

 

Gotti’s Ristorante (Atrium, Megamall)

Madalas kami ng mga katrabho/ kaibigan ko dito pero kung ako ang tatanungin gusto ko ang kanilang four cheese pizza (sorry). Nung una napapaklaan ako doon pero ganun lang pala sa umpisa. Mas kinakain mo ng matagal mas sumasarap. Iyong mga friends ko trip yung pasta na may seafoods kaso kasi may allergy ako dun kaya hindi ko makakain masyado. Major breakthrough? Dito ako unang naka-try ng parmesan hehehe!

Gumbo (Atrium, Megamall)

Aside sa pagkain gusto ko ang displays sa Gumbo lalo na yung sa bandang inupuan namin sa unahan.  Dagdag pa dyan yung  trivia cards nila na ginawa naming nakakatuwang pampalipas oras habang nag-hihintay.

Patalastas

Sayang pero hindi ko pa nakukunan yung mga nagustuhan kong kainan na may gustong-gusto akong pasta.

 

Goodles (fourth floor, Robinson Galleria) and World Chicken (food court, megamall) for pesto pasta

Amici(Atrium, Megamall) for delicious carbonara.

Pero sa lahat ang pinakagusto ko ay ang tuna pasta na luto ni ate Tet Villarba.

Saan pa ba ang may masarap na kainan ng pasta at pizza? Kailan kaya ako makakapunta ng Italia?

3/F SM Megamall, Ortigas Ave.

Mandaluyong City, Metro Manila

Philippines

(02) 747-1111



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

16 thoughts on “Pasta, Pizza, Italian Restaurants in Manila

  • Tim

    Meron akong kaibigan na nagpunta sa Europe kamakailan, sabi nya ayaw daw muna nya kumain ng kahit anong may tinapay. Hehehe. Inupakan nya ang mga lechon at inihaw dito, at syempre, kanin. Kahit pandesal, ayaw nya muna. Hehehe.

    Saka try mo yung Avenetto sa Megamall saka yung Bigoli sa Trinoma.

    • Hitokirihoshi Post author

      sige ita-try ko yang ipinagmamalaki mong avenetto lalo’t naisa-isa ko na ata ang mga resto sa megamall. yang bigoli medyo malabo, bilang na bilang ko ang lakad ko sa trinoma.

      ako rin e may time na ayaw ko ng tinapay, especially pag lagi ako pinapunta ng nanay ko tuwing umaga sa panaderia.buhehehe!

    • Hitokirihoshi Post author

      ah ganun ba, cute ka naman kahit mataba eh!

      oi cute daw oh, libre ka na!

      bale gusto ko ng carbonara sa amici, pesto pasta sa goodles, saka pizza sa sbarro. hehehe saka yung drinks nga pala yung iced tea sa cibo. heheheeh

  • salbehe

    Hindi ko pa din napapanood ang Eat, Pray, Love. Bakit? Kasi yung movie buddy ko pumunta sa US! Syet lang. Lungkot me much.

    Natakam ako, as in major major takam sa mga picture. Ang hirap umorder sa Italian resto ano? Hindi ko mabigkas ang menu nila. Pambihira!

    • Hitokirihoshi Post author

      hmmm kung hindi ka naman maka-Julia, mukhang okay lang kung di mo panoorin. hehehe para siyang movie na for niche marketing.

      ay tama ka dyan, di turo na nga lang ako pag umo-order oh kaya
      sasabihin ko , “me too!”
      hehehe

    • Hitokirihoshi Post author

      ah yung harry potter ba? hmmm yun naman ang kulang s aakin, indi ko binasa yung book. nasimulan ko na kasi sa sine e.

      naman! sarap ng mga foods na yan lalo na pag nalilibre.

  • tetvillarba

    Sarap ng lahat ng pagkain, kahit ang lokasyon panalo din..Ngunit, sapagkat, marahil , datapwat,mabagamat… wala ng sasarap ang mabangit at malaman na tunay kang naliligaya at sarapan sa akin luto..

    Kakataba ng puso.. MARAMING SALAMAT

    Ps..kahiya naman maihanay sa mga dalubhasa at mamahalin luto ng restoran.. hehehehe

    • Hitokirihoshi Post author

      eh masarap talaga e. dati i never try to eat yung ibang klase ng luto ng pasta other than spaghetti pero nung natikman ko ng tuna pasta mo. masarap talaga!

      at malay mo magkaroon na ng tet ristorante! mabuhay!