We have four dogs now and they are Bruno, Boomer, Bossy at Bal. Hindi ko alam ang tawag sa breed nina Bruno, Boomer at Bossing pero si Bal ay sertipikadong Pomeranian. Pero to be honest, mas gusto ko ang mag-alaga ng aspin kesa may lahi. Ang aspin (asong Pinoy or askal) kasi hindi maarte.
Isa sa aso naming matalino ay si Bishop. Pero nung nabubuhay pa siya , mas paborito ko sa kanya si Rookie. Ganda kasi ng kulay at malambing. Nung masagasaan nga si Bishop dinadamayan n’ya ‘yon. At ang nakakatuwa doon, nagkataon na ako ang parehong kumuha sa kanila kung saan man at gusto ko manatili silang magkapatid. Kaya ayoko silang magkastahan (colloquial term for sexual intercourse of dogs). Pero ewan ko kung nagnanakaw sila ng mga sandali. Hehehe!
Bisanghot, Bangaw at si Spot
Pinahagul-gol na rin ako ng aso na ‘yong with matching palu-palo ng unan sa kama. Pinatay kasi si Spot na isa sa pinakamatagal na asong inalagaan namin noong bata pa ako. Mayroon namang iba na kinakaasaran ko gaya kay Boomer. Kasi pinagtatabi mo na ng pagkain, pinapakain mo na at ipinagtatanggol mo pa sa ibang aso eh ayaw pang i-grab ‘yong opportunity. Tapos kapag ubos na ‘yong food saka naman lalapit sa’yo.
si Chunkie na isa na rin sa mga namayapa naming aso ay isa namang half Labrador and half Shar pie. Siya ‘yong first time kong nag-adjust sa isang asong may breed dahil maarte sa pagkain pero sulit naman kasi malambing at mabait. Iyon din siguro ang dahilan nang paghina niya. Dapat daw sa Labrador ay hinihiwalay sa anak ‘yong ina after magpadede kasi sige lang sila sa pagpapasuso kahit nanghihina na.
Teka pansin n’yo ba na puro B ang start ng name ng aso naming ngayon? Kuya ko ang may kagagawan n’yan at ayoko na magpangalan sa aso. Kasi ‘pag ako laging nagiging anime character tapos namamatay. Noong namatay ‘yong aso kong si Zenki napaisip ako na kung gaano katagal umere sa TV yung anime ganun din ang buhay nung aso.
Douglas my first ever Pet
Tip: Alam n’yo ba kung paano makipaglambingan sa aso gaya ng parang kiss? Ilabas n’yo ang dila ninyo ng gaya ng ginagawa nila. Makikita n’yo ilalabas din nila ang dila nila hehehe! Pero siempre walang papantay sa pag-yakap at paghipo sa kanilang ulo. Kawaii!
Ingat din sa pag-aalaga ng aso na iba ang lahi, may iba kasi na hindi dapat inaalagaan sa bahay lalo na ‘pag may mga bata. Iyong isa kong pamangkin sinakmal noon ng aso namin na hindi naman inaano nung pamangkin ko.
Pingback: Every dog has its day « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI
ako rin, dog person na gaya mo. isa lang ang kaya kong alagaan sa ngayon. isang shihtzu na pagkakulit-kulit ngunit pagka-lambing-lambing. siya yung avatar ko at mananatiling avatar ko hanggat nabubuhay siya hehehe. Pero kung bibigyan ako ng pagkakataon, gusto ko ring dumami ang mga alaga ko, tulad mo. At yes, agree ako na mas madaling alagaan ang asong Pinoy 😉
Hi Nortehanon!
wow! ako naman kung bibigyan ng chance gusto ko dalawa lang muna. kung yung ako lang talaga ha. taray shitzu, lambing nga nyan.
yes mabuhay ang mga asong Pinoy!
i love dogs
yes, english yan
hehe
boomer din pangalan ng uanng doggie ko
yes. buti naman magkasundo tayo sa bagay na ‘yan.
hehehe!
nakagat na ako ng aso at 1 week akong pabalik-balik sa ospital para sa anti-rabies shots
takot ako sa aso,
basta may phobia ako sa aso
sorry naman hoshi
pero isang patunay lang na you love dogs
buti pa ang mga dogs
nye bat ka naman magso-sorry. okay lang yan. ako nasakmal na rin e.actually, medyo nabawasan pa nga hilig ko sa kanila kasi naasar ako sa kapt-bahay namin na kumukuha ng aso ng iba tas you know baka ibalik sa’yo na naka-azucena na.
ingat ka talaga sa mga aso. ako mabait lang sa so pag-alaga namin.
wow…mahilig ka pala sa aso.
ang totoo, after nung mapanood ko yung I-witness episode nang ‘rabies’ , may kung anung damdamin ang naglayo sa akin sa aso. pero may aso kami sa bahay. buti nga at may mga anti-rabies vaccination program yung munisipyo namin para sa mga alagang aso. wala lang. nag-aalala kasi ako na dahil sa tendency nilang ilabas ang animal instinc nila baka bigla silang mangagat kung magugulat o anu mang dahilan.
actually pareho tayo, medyo ang cute na cute lang ako ngayon sa mga aso namin pwera kay boomer. oo nakakatakot talaga sila, pag tinamaan ng topak at dapat talaga may vaccination.
noong bata ako, nakagat o nasakmal na rin ata ako ng aso. yung kapit bahay namin binigyan lang ako ng bato na kumapit doon sa sugat. naninipsip daw ng rabies.