salamat Saranggola Blog Awards!


Hindi ko inaasahan na sa dalawang kategoryang sinalihan ko sa Saranggola Blog Awards ay ‘yong mga tula ko pa ang nakapasok. Mas seryoso kasi ako dun sa maikling  kwento pero mas matagal ang iginugol kong oras sa tula kasi 3 in 1 yun.

Nung malaman ko na nakapasok yung entry ko, siempre natuwa naman ako pero hindi pa bongga.  Ni-campaign ko ‘yon pero after three days ata na pangungulit, hinayaan ko na lang kung sino ang makakapansin. Well bukod sa busy rin para tutukan, naisip ko na sige kung trip talaga ng iba na i-like yung entry ko salamat kung hindi okay fine. Saka yung ibang nakasama ko sa category ay mga kakilala ko rin at nabasa ko na yung entry. Deserving naman silang manalo.

Inarte naman ako kung ‘di ko inasam na manalo pero iniisip ko ‘wag na rin gaaanong mag-expect kasi magagaling nga yung iba at matataas ang votes. Masaya na muna ako na makasama bilang finalist sa first attempt ko sa Saranggola Blog Awards. Kaya naman hindi ko na sinagot yung invitation sa Face book ni Sir Bernard (sorry po isa talaga akong mahirap mag-decide na tao) kung dadalo ako (sobrang 60-40). Alam kong hindi ako mananalo at may naka-set na akong date that day. Pero nakakahiya naman sa kanya na tumawag pa talaga sa bahay at bibigyan pala ako ng commemorative award. Oo nga naman, kunin ko na yung patunay na sumali ako at naging finalist sa patimpalak na ito. Sulit na sulit na yun sa gastos at lakas ng loob na iipunin ko.

Pero iba yung naramdaman ko nung malaman ko yung mga judges, mga bigatin talaga! Na-realize ko na ang makapasa sa kanila kahit hindi pa ako manalo ay okay na sa alright! At least may potential pala ako, mas may sinuwerte at mas maganda nga lang sa nagawa ko. Congratz kay Kat, deserving ka girl at natutuwa ako na sa’yo na napunta ‘yong award.

Then, finally na-meet ko na sila Salbehe, Vajarl, Jasonhamster, Shea, at Kat. Yung iba kilala ko rin kaso nahihiya akong i-approach ng bongga. Eh mahiyain din yung kasama ko parang wala akong support sakaling i-reject ako. Hehehe!

Sa mga nagtataka na hindi ako ngumingiti masyado, hindi talaga ako palangiti kasi palatawa at ngisi lang ako. Pero hindi po ako mataray, isnab o maere. Kung alam n’yo lang kung gaano yung pagtibok ng puso ko na lapitan kayo lahat.

Gusto ko pong magpasalamat sa Itaas, kasi binigyan niya ako ng time at chance na makasali sa patimpalak na ito. Salamat sa mentor ko at sa mga sumuporta sa pagba-blog ko. Kung hindi ako blogger malamang hindi ako sasali at magiging finalist sa Saranggola. Salamat sa mga bomoto sa akin, online or dun sa mga judges(Mila Aguilar, Joi Barrios, Maggie May B. Baybay, Libay L. Cantor, Wennielyn F. Fajilan, Luis P. Gatmaitan (gusto ko siyang writer), Phillip Y. Kimpo Jr., Nonita C. Marte, Beverly W. Siy at Pat V. Villafuerte. Hindi po talaga ako sanay  na namimilit pero kinapalan ko na. hehehe!

Patalastas

Mabuhay po sa mga tao sa liko ng Saranggola Blog Awards sa pangunguna ni Sir Bernard Umali!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

8 thoughts on “salamat Saranggola Blog Awards!