Masaya ako kapag nakakatanggap ako ng letters, as in snail mail. Pero hindi ko naman akalain na matutuwa rin akong makatanggap ng sulat mula sa mga kompanya na mukhang strangers. Siguro dahil ito sa hindi ko ini-expect na may sulat sa akin na magkakasunod pang dumating.
Alam naman natin na may mas madali at mas murang paraan para makapagpadala ng mensahe, gaya ng via MMS, SMS or email. Hindi nga ba’t isa sa nabawasan ng parokyano ngayon ay ang mga Post Office dahil sa makabagong teknolohiya.
Kaya naman, na-appreciate ko ang mga kompanyang nag-e-effort para magpadala ng welcome note, nag-i-introduce ng kanilang mga serbisyo at siyempre ‘yong nagbibigay ng perks at freebies. Thanks nga pala sa Greenpeace, BDO, at Adarna kayo ang tinutukoy ko.
Mainam kung interesado ako talaga sa laman ng sulat pero kung hindi man, napakatagal kong itapon ang mga sulat na ‘di ko trip. Hindi ko alam sa iba pero as a consumer at client, gusto ko ang ganitong klase ng PR strategy mas nagmamarka. Kung gaano naman kasi kadali mag-txt at email, ganoon din kadali na i-delete ang mga ito at mukha ng common na common. Parang ‘di ka special.
Teka mayroon pa bang mga P.O. box ngayon?
Aminado naman ako na mahilig ako mag-subscribe sa newsletter ng iba’t ibang website gaya ng Better Homes, Home Made Simple, Entrepreneur, Weightwatcher, Go Negosyo, About.com at iba pa.
Obviously may mga gusto akong matutuhan at malaman na nakukuha ko sa mga website na ito. As in karamihan sa mga kanila ay may taon nang masugid na nagpapadala sa akin ng mga info.
Ang gusto ko kasi lalo na sa Home Made Simple ay mga tips nila sa pag-o-organize ng mga gamit at magagandang do it your self materials. Sa kanila ko nakuha ‘yong idea ng Sparkbook na organizer na ginawa kong theme sa kauna-unahan kong scrapbook. Siyempre sa Entreprenuer.com nabibigyan ako ng advice sa pagnenegosyo, apart pa sa mga inspirational stories. Ang about.com naman ay nagsislbi kong online teacher.
Teka wala bang emailpal? Hehehe!
ang tawag sa ganyan ay spam mail
nyahaha
(biro lang)
ah ganun! sige tatawa na lang ako. hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahah!
Dati, noong HS pa ako, nakikipag-penpal ako sa mga nakikilala ko noon sa summer camp namin sa church. Galing kasi sa iba’t ibang mga probensya yung mga kasali kaya pag uwian na, sulatan na lang ang means of communication. Di pa kasi uso ang email at texting noon.
Baligtad naman tayo sa email. Hindi ako mahilig magsubscribe sa kung anu-anong mga website kasi feeling ko dumadami yung spam ko. Kahit marami sa mga iyon, napupunta lang sa spam section, nakakaasar pa rin na alam ko na alam ng mga spammers yung email address ko.
ako natutuwa kasi since elem till college uso sa mga friends/classmates ko yung sulatan so nakakaipon talaga ako ng letters. si syngkit na lang ang palasulat sa akin ngayon dito man siya or nasa abroad.
kaya nga nagulat ako na may sulat ako eh nasa bansa na sya ngayon.
alam mo bang pati-spam nitse-check ko pa. hahaha pero oo abala ang mga spams.
lolss.. gusto ko rin makareceive ng letter pero sana wag chain letter! takte lang hahaha
ako pwedeng emailpal hoshi hihi
ako rin ayaw ko rin nun. tama na ang nakalagay yung name ko at ang sincere na message.
wow talaga! ano email mo lambing?
email ko hitokirihoshi@gmail.com (super bigay talaga!)
eto hahaha bigay din eh cutie_penelope05@yahoo.com
thanks lambing! abangan mo na lang ang masigabo kong email. hahaha
malamang, may mag-e-email na rin sa iyong iba. hehehe
mabuhay!
After ko nag graduate ng College, maraming sulat galing sa kung san saan na companies ang dumating sa bahay. keribels lang sana kung ang position na inooffer nila eh kaya kong gawin at kung malapit ang opisina nila, pero MAKATI? Dalawang oras mahigit byahe ko papunta don!
Meron pang PO Box! Ata. Sabi ng mailing address ng ABS-CBN. Haha.
Teka, pang negosyo ba talaga tong dotcom mo? Haha.
wow buti ka pa, ako kasi tini-text lang e, hahaha
mabuti at mayroon pa. kasi yung nakita ko yung ganun box sa Ortigas post office parang abondonadong sementeryo ang itsura. hindi ko nga alam na yun na pala yun e.
mukha bang pang negosyo? hehehe hindi naman intentionally gusto ko lang magbabanggit ng mga nagugustuhan kong companies and products.