Sa pagpapatuloy ng aming pagpasok sa animalandia, pinuntuhan na rin namin ni photographer Syngkit ang Malabon Zoo. First time ko makapunta sa Zoo na ito na hindi naman mahirap hanapin at ang entrance fee ay P120.
(Invitation! please SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more travel tips and stories. Salamat and Mabuhay 🙂
Siksik sa mga hayop at pamatay na mga words of wisdom at panawagan ang zoo na ito. Mas nabigyan ko pa nga ng pansin na kunan ng litrato ang mga nababasa ko kaysa nakikitang mga nakakulong na animals.
Eh bakit naman? Mas maganda pa kasi ang labas sa digicam ko yung mga nakapaskil kaysa doon sa mga nasa likod ng hawla. Lalo na iyong mga fish sa aquarium na ang hirap angguluhan, nakakaduling lang sa right eye. Iyong iba naman animals ay hindi mapakali o kaya ay puro mga tulog. Takot naman akong gisingin kasi di ba biruin mo na ang lasing wag lang ang tigers na humihilik.
Obserbasyon – may dalawang akong binanggit na uulitin –siksik at hindi mapakali. Kung nag-e-expect ka na malawak ang lalakaran mo nagkakamali ka. Pero tama rin yun kasi ang mga animals naman talaga ang dapat na may malawak na pwesto kasi place nila ito. Kaso nga lang may iba akong napansin sa animals na hindi mapakali lalo na iyong mga bears at yung oranggutan.
Intimate ang dating ng Malabon zoo, hindi ka mai-intimidate sa gara at parang alaga mo rin lang yung mga hayop. Iyon nga lang dahil sa mga fences parang malapit man ay malayo pa rin sila. Napapaisip ako kung masaya ba ang mga animals na ito sa kanilang kinalalagyan pero nang makita kong maayos naman silang pinapakain ay okay naman na. Sa bagay kung iisipin, mabuti na rin at may nag-aalaga sa kanila. Sana lang ay mas mapalawak pa ang kanilang tahanan.
Mabuhay ang mga nag-aalaga ng mga animals!
[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]
Pingback: Ate Jevs: Kapag nagseselos, may love na ba? – kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI
alam mo ba kung anung kabuuang sukat ng malabon zoo?di ko kc masearch eh.. kailangan lang sa research nmin.. slamat n_n
hi joyce vinluan and welcome sa hoshilandia.com!
naku hindi ko nakuha ang info na yan pero wala ba sa wikipedia at ibang blogs?
ang sure lang ako ay mas maliit ito sa manila zoo, avilon zoo, at ninoy aquino parks and wild life.
Kolehiyo pa ako n’ung una’t huli kong natunton ang animal sanctuary na ito. Maliit at mabaho pa noon. Hindi ko makalimutan yung madaldal na ibon dito noon dahil sa kanya lang ako naaliw.
Paminsan masarap sa zoo, pero mas enjoy kung may bata kang kasama, pero kung wala, pwede na din ang isip-bata. Kaysa mall, dito na lang pumasyal, dahil ‘di lang educational (matututo ka), emotional (maiiyak ka kung bakit sila nakakulong) at spiritual (nawa’y dumami pa sila) pa. LOL!
mukhang wala na iyong madaldal na ibon na tinutukoy mo, hindi ko napansin hehehehe. medyo disturbing lang talaga yung mga galaw ng mga hayop parang iritado sila. hindi gaya nung sa avilon at manila zoo.
Mainit kase siguro. Iba na tlg ang panahon ngayon, paminsan pakiramdam ko magi-evolve na lang lahat, umpisa uli sa umpisa.
aray ko katakot, naman yang evolution na yan. ano kaya itsura ko pag nag-evolve na ako. hahaha!
Thanks for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur fave blogs! d top 5 highest rated will be displayed n d Hall of Fame 😉
For site news and updates, check facebook.com/blogsngpinoy
Thank you for accepting me!
Yes i will vote and join in your facebook account.
mabuhay!
yes, ingles
dinugo ako dito
oh really, here’s my napkin. wahahaha!
Ikaw na ang endorser ng mga Zoos sa atin.xD
Pero saludo ako sa iyo. Ang cute naman nung wild boar natin, pinoy na pinoy. xD
Natawa ako sa instead na yung mga live animals ang kuhanin ni Syngkit e yung mga pics na lang. XD
dapat may pics din kayo. =)
pero tama ka, dapat talaga basahin ang mga info na nakapaskil sa mga hawla o kulungan about sa animals. Ganyan din pinapagawa ng Lakbay Kalikasan – Outbound Education sila yung kinukuha namin nung nagtuturo pa ako para sa educational trip at hindi lang pleasure trip.
Mabuhay!
endorser? hahaha, abangan mo pa yong isa na napuntahan namin. salamat sa iyong pagsaludo akala ko ako yong cute pero ok na rin kaysa naman sabihin mong kasing cute ako ng wild boar. buhehehe
and correction kuya ako, ako yung kumukuha ng mga nakapaskil na lang. kasi yung gamit na cam ni syngkit e bigatin. yong sa akin saktong average digicam.
oo maganda kasi ma-explain din sa mga namamasyal yung background ng animals kasama ng kanilang magagandang katangian. kasi once kasi na sinabing hayop, wild na sa iba. hehehe
mabuhay!
lumayo ng konti. nagpunta ng malabon zoo. buong akala ko, itu-tour mo naman kami sa loob ng QC Hall. hahaha!
natutuwa ako kase lagi kang namamasyal. kakainggit ka,hoshi.
hahaha napatawa mo talaga ako ng bongga.
oo nilayuan ko na, nahahalata mo na kasi e.hahahaha! hindi naman sa cityhall, dapat lung center, kidney at heart na. hehehe puwede ring sa coconut authority.
mabuhay! ikaw kainggit nakaupo ka lang ang lawak na nararating ng imaginationmo. may gumagalaw pang drawing ha.
kung pwede lang tayong magpalit ng shoes kahit isang araw, hoshi.
para naman maranasan kong mamasyal ng totoo. mukha lang masaya ang ganito pero ang totoo, katamtaman lang hanggang sa banayad na may pulo pulo at kalat kalat na lungkot. hahaha!
next time, dun ka naman sa bandang manila mag tour. check mo yung paa ni senior nazareno sa quiapo kung magkaiba pa rin ng skin tone.
nanggaling na kaya ako ng maynila. remember my post na national art museum?
pero bukod dun talagang may pupuntahan ako bandang maynila. eh lalo ko pang pupuntahan kasi ni-suggest mo e. so from magdyi-jeep eh may ksama ng tricycle. buhahah
talagang ulat panahon talaga ang kalungkutan mo ha. wag ka ng malungkot di bagay. joke. by the way, malabo akong makipagpalit shoes sa iyo. hahaha
mabuhay!
siguro dapat sa susunod para walang harang na fence ang mga kuha mo sa loob ka dapat ng kumuha ng pix
para up close and personal talaga
at may pagka-action oriented pa
whatyathink?
sige basta kasama kita sa loob or mauna ka. hehehe
ano game? papasok ako dun sa mga orangutan at ikaw dun sa mga tigers! hehehe
kelan ba ito?
medyo hectic ang schedule ko dahil sa amaya, eh
alam mo na
ako ang bagong leading man
at medyo malayo ang location namin
text, text na lang?
naks naman pag-Star talaga ang alibi mo.
sige iba na lang ang iimbitahan ko hmp. hehehe
simula na kasi ng taping, eh
sa may na kasi ang airing
bext time, ok lang?
btw, maitanong ko lang
bakit di ka nag-comment sa unano post ko, ha?
hehe
hindi na, tampo na me. hahaha!
may isinama na akong iba. hmp ulit!
hindi ako nag-comment kasi…no comment talaga ako. you know, action speaks louder than words. :))
Pingback: Malabon Zoo, the backyard haven for animals « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI