Manila Zoological and Botanical Garden (Manila Zoo)


Kung hindi ako nagkakamali, unang pagkakataon ko lang mapadpad sa Manila Zoo noong nagpunta kami roon ni Syngkit noong Abril 2011. Hindi ko alam sa buong tanan na pag-iikot ko sa  puwedeng visitahin sa lungsod na ito ay nahuhuli kong isipin ang Manila Zoo. Siguro kasi feeling ko si kuya Kim ang sasalubong sa akin at tatanungin niya ako kung anong alam ko sa bayawak. Joke!

Pero bukod kay Kuya Kim (na talagang representasyon sa akin ng Manila Zoo na counterpart noong taga Malabon Zoo) ay naiisip ko na ibalato ko na sa mga bata ang pamamasyado dito. Nai-imagine ko kasing masikip sa loob at nakakawala ang mga ahas. Nandidiri pa naman ako sa  uod.

Wishing Rabbits

Aliw din ako sa Zebra at horse, parang magbarkada lang then sa mga long-tailed monkey na namataan namin na nagkukutuhan. Naalala ko lang yung past time nung mga kapit-bahay namin.

Isa lang napansin ko sa mga turista que foreigner or native, haggis ng haggis ng pagkain. Eh hindi naman nakakain ng maayos. Nagmumukha tuloy kalat lang. Nakapaskil naman na huwag bigyan ngpagkain ang mga hayop dahil may partikular na pagkain para sa kanila. Isa pa, ang wishing-wishing na ‘yan, bat mo naman babatuhin ng coins o ng pera ang mga hayop?

Red-eared Slider turtle

 

Note: Photos to follow

Patalastas



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

9 thoughts on “Manila Zoological and Botanical Garden (Manila Zoo)