Hindi ko sure kung paano pero nagtaka rin ako kung bakit napasama ako na kumain sa Ay See’s Restaurant na nasa gilid ng Ultra (University of Life Training and Recreational Arena) na ngayon ay tinatawag ng Philsports Arena.
Pagdating namin dito ay punong-puno na ng mga tao at yung ambiance ng place parang tipikal na malaking kainan. Hindi magarbo pero may karakter. Dinadayo daw ito at napatunayan ko naman dahil panay ang hinto ng mga sasakyan sa harap nito. May magbabarkada, pamilya at magkakasama sa trabaho gaya namin.
Ang una kong kina-amaze ay ang lalagyan at presentation nila ng papaitan. Alam mong hindi kaagad lalamig ang pagkain. Pero ang pinakanakakabilib ay ang lasa ng sabaw ng Papaitan, SARAP! Partida sabaw pa lang solve na ako. Ayoko pa nga nung una kasi hindi ako kumakain ng ulam na ‘yan. Alam ko lang mapait kasi hehehe.
Sarap din ng pagkakaluto nila ng Sisig iba ang character sa mga natikman kong sisig sa ibang restaurant. Hindi naman siguro sobrang sarap nito compare sa iba, kung baga may sariling timpla ang Ay See’s na patok talaga.
Bagay na bagay ang kainan na ito para sa mga naghahanap lang ng masarap na makakainan, food trip baga!
Pingback: 10 Favorite Foods: 7 of 31 Days Blog Challenge – kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: Food Court Delight: Sulit Lunch Meal | aspectos de hitokiriHOSHI
tambayan namin ito dati… almost 10 yrs ago na.
simpleng lugar pero affordable at masarap tsibug at drinks syempre.
favorite ko pla-pla 😉
at lalo kapag sa itaas nakapwesto. sarap ng inuman ng barkada!
sikat parin pala sya hangang ngayon ! 🙂
korek sikat na sikat pa rin. sa 5 beses na nagpunta ako dyan -apat na beses pa kaming naghihintay para lang makaupo.
Pingback: Ultra jogging or running | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI
ang layo naman nyan samin
teka, cute ba ang mga waitress?
oo nga malayo sa inyo. pero kung trip mo puwede mo naman puntahan. may jun-jun ka naman e.
doon mo na rin malalaman kung magaganda ang mga waitress. hehehe
hahahahaha sorry naman di ako nakain ng Sisig kahit kapampangan ako at yung Papaitan, high blood kasi ako kaya iwas ako diyan at di ko talaga type kainin.
At ngayon ko lang nalaman ang ibig sabihin ng Ultra akala ko dati Ultra lang siya.
mabuhay!
hahaha ako rin e, nagulat ako na may ibig sabihin pa pala yan. eh puwede namang ultra lang. period hehehe.
talaga, high blood ka na. bata-bata mo pa a. di bale, okay na rin yung do mo hilig wala rin naman mawawala. marami pa naman mas masarap na pagkain pero healthy.
Uy! Interesting! San banda sa may Ultra yan?
hindi ko alam san sakto eh basta gilid talaga s’ya.
wow sisig, favorite hehe. more power
naman Sisig kong Sisig ako nung araw na yan. hehehe
Mahilig ka pala sa kainan, siguro malusog ka ano? curious lang po.
hindi naman po masyado pag napapasama lang sa labas… kaya instant feature dito kasi minsan lang din.
sa pagging malusog hmmm ito po ang sagot ko pabasa na lang… hehehe
http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com/2011/08/24/ang-monologue-ng-sick/#comment-5026
waah! naunahan mo ako magpost ng tungkol sa Ay See’s! haha! madalas akong kumain jan kahit nasa liblib na lugar sya.
Ang sisig nila any nafeature dati sa Inquirer bilang isa sa top ten best sisig. May mga copies yun na nakapaskil sa Ay See. De best din ang pinapaitan nila. Okay din ang gambas. Ngayon pa lang, naglalaway na ako. Gusto ko ng umuwi jan sa Pinas! haha!
di ko alam yung lutung gambas. pero baka subukan ko yan pag sakaling mapadpad ako ulit doon.
panalo naman talaga kasi yung papaitan at sisig nila. sabi nung isang kasama ko yun lang dalawang yan ang lagi niyang kinakain. hehehe