Food Trip: favorite Pagkain na pang-himagas at merienda


Apart sa shopping list, to do list at listahan ng mga ipapaligpit…kong mga kalat at tambak sa aking kuwarto sa aking sarili.  Iniisip ko na ngayon kung ano yung mga  food that I want  to eat once na  matanggal na ‘yong bagay na pumipigil sa masigabo kung pagkain.

  1. kamote qDolor’s Sapin-Sapin…  at talagang dapat sa tindahan na ‘yan.
  2. Chicken feet… nakakain ako nyan pero hindi yung kasing takam ng pagsubo at paglabas sa bibig mo ay buti na lang. tas itatambak mo sa plato mo.
  3. Santol… hindi ko  nasubukan e, pero kasi nagkaroon ng point na parang takot o tinamad na akong kumain ng kahit ano.
  4. Pizza…gaya ng chicken feet, nakakakain naman ako kaso sobrang hirap. Kailangang himay-himayan ko pa talaga.
  5. Vegetable Salad ng Tropical Hut – makakain ako nito ngayon pero effort sa pagtanggal ng sabi-sabit na dahon.
  6. Bacon Cheese burger or Baconator Mushroom Melt  ng Wendy’s Hamburgers – oh well, minsan lang ako kumain nito kakatipid pero lalamon ako nito pagdating ng takdang panahon
  7. Big Guava – buwiset na buwiset lang ako na habang naghahatian yung mga tao sa bahay. hindi ko makain yung inaabot sa akin.
  8. Indian Green Manggo – gusto ko naman makakain ulit , hindi na lang puro sipsip ng green mango shake ng Frutas.
  9. Fried Galungong na may sawsawan na toyo-kalamansi at side dish na salted egg & tomato – simple lang naman ‘di ba?
  10. Kamote Q – mas parang kinakain ko na rin yong stick, mas cool!

Pero higit sa lahat kumain ng malaya at hindi na matakot mag-travel dahil baka magutom ako at hindi ako makakain ng mahusay. Teka baka naman biglang lobo naman kaya ako noon?  Gusto ko pa naman na ang katawan ko ngayon although sakitin na nga. Di bale Hoshi, kaya mo ‘yan.  pinagpapala ng bongga ang mapagtiis sa sakit, mapaghintay ng panahon at tinitimpi ang takam. mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Food Trip: favorite Pagkain na pang-himagas at merienda