Para sa suporta sa panibagong hobby (and soon ay sideline business?) ni Syngkit ay sumama ako sa kanyang trip sa isang store for scrapbooking, ang Memory Lane Store na matatagpuan sa 99 Lake St . San Juan City or 3545 Lakandili St., Morning Side Terrace, Sta. Mesa, Manila, at pagmamay-ari ni Mrs. Helen Chua.
Memory Lane
First time ko sa ganitong klaseng store dahil madalas at bumibili ako ng materials sa leading bookstore, Papemelroti or sa Simple Joys ng Regalong Pambahay kapag may extra money. Magandang makapunta sa kagaya nitong store lalo na ang mga kagaya na ang isang hobby ay ang mag-scrapbook. Apart sa marami talagang mapagpipilian pagdating sa mga simple materials gaya ng background papers, stamps, stickers and other accessories ay kumpleto rin sila ng mga machines sa pagde-design. Iyong nabili ni Syngkit ay for her key chain project pero I think sa capacity nang nabili n’ya marami pa siyang puwedeng magawa doon na handicrafts.
Inspiring din na malaman na from simple hobby din nag-start Mrs. Chua sa kanyang business na binuksan niya noong 2005. She’s very passionate sa pag-e-explain ng kanyang nalalaman sa kanyang products. Makikinig ka naman kasi alam mong hindi lamang ito for the sake of selling pero dahil ito rin ang hilig niya. In fact ilan sa naka-display sa store room n’ya ay mga pictures niya kasama ang mga artista gaya nila Janice de Belen, hosts of Umagang Kay Ganda, Gladys Reyes na host ng Moments, at hosts of Unang Hirit. In short, istariray si Madam at napi-feature sa mga magazine shows.
Okay pagdating sa prices, may mahal at mayroong mura siempre depende sa bibilhan mo. sa mga nabili ni Syngkit talagang bibihira o wala noon sa ibang office and school supply stores. Ang cool sa mga nabili kong papers ay bukod sa pakiwari ko ay naiiba at magaganda ang designs ay napamura (hindi yung bad ‘yong practical) ako dahil na rin sa ang ibang items ay may discount na may 30- 50% off.
The Yellow Violet House
Dahil na-excite pa kami pinuntahan na rin namin ang Yellow Violet House sa Sta. Lucia Mall pero ang pinaka-main nila ay sa Vista Verde Village, Cainta. Marami rin silang naiibang materials and supplies for scrapbook. Dagdag pa ang thought na maganda ang kanilang location sa mall na mas accessible. Pero ‘yong mga nabili kong materials sa kanila ay gusto ko ring gawing pang- bookmark or frame . Kung may opportunity, gusto ko ring mabisita ang kanilang main store. I expect na mas marami pa akong makikita doon na materials and at the same time inspirations.
So far ito pa lang ang nadi-discover namin at napupuntahan bukod pa siempre sa mga makikita sa paligid ng famous Divisoria. Gusto ko ang mga ganitong klaseng stores in general, nakaka-push ng creativity at nakaka-inspire talaga. Mabuhay!
Pingback: How to be wise in Scrapbooking | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Sparkbook: my upbeat journal/ planner | aspectos de hitokiriHOSHI
hello! ate Hoshi, dalhin mo naman ako sa Memory Lane 🙂
sige tingnan natin kung kailan kami balik, sasabihan kita.
Naku, naku, naku mahahalikan kita sa tuwa, Hoshi! Salamat sa pag-feature mo nitong store na ito. Alam mo bang ako ay isang nagpupumilit na scrapbooker?hehehe. Dami ko noon nabiling supply kapag nasa Maynila at nagagawi ako sa Ortigas, sa Robinson’s. May puwesto doon na ang name ay MemoryBox at talaga namang katakam-takam para sa mga scrapbookers ang mga tinda nila. Kaya hayun, butas bulsa ko lagi pag nagawi ako doon. Sadly, nagsara yata yung store.
Dadalawin ko itong store na ito, pramis! 🙂
isasama ko sana sa listahan ko itong store na sinabi, nagsara na pala. hhehehe. oo girl punta ka lang sa mga ‘yan at siguradong mabubusog ang mata mo sa magagandang materials. handa ka na rin ng pera. hehehe. pero yung sa memory lane naman ay mga sale naman sila so makakamura ka rin kahit papaano.
sige pag may nahanap pa ako,post ko rin dito siempre at especially dedicated para sa iyo.
syempre
alam na ito ni chief len
tama ba
hehe
koreke ka dyan, ka -raft3r!
wow… special mention talaga ako hehe. nakakaaliw gusto ko nga bumalik sa memory lane kaso pinipigilan ko ung sarili ko sa pag gastos hehe. more power sa scrapbooking. =)
oo ikaw na ang nagsama sa akin doon. hohoho
oo hinay-hinay lang… maiging magamit mo una yung mga una mong napamili bago ka bumili ulit. para sulit at mas alam mo kung ano talaga ang iyong kailangan.
yeah more powder sa iyo! ahehehehe!
goodluck ulit sa bagong hobby at business plans, hoshi. siguro nga crafting and arts ang business na bagay sa gaya mong artistic at imaginative.
hahaha, naalala ko tuloy yung usapan namin ni syngkit. siguro kung sa arts din lang naman lalo na sa visual level 1 lang ako dyan. kung ito ay business mas gusto ko pa maghanap ng murang suppliers and business plans. pero malay natin di ba?
thank you kuya and more power!
hopefully..gusto ko din talagang gumawa 😉 nagkakasya na lang ako sa page-edit ng pictures LOL!
more power Hoshi!
yun naman ang gusto kong pag-aralan sa future. manu-mano lang muna kasi sayang yong mga na-print ko na. hehehe
salamat and more power din!
post –> LIKE!
wish ko makapunta din pero sana magkaroon din ako ng oras sa ganito! 😉
oo sana makapunta ka rin, my one of my scrapbook mentors.
at sana pareho din tayo magkaroon ng oras at mood para makagawa ulit.
promise… yung tatlong scrapbook na gagawin ko halos gagawin ko na lang siguro kasi may mga materials na.
Naks naman! Lume-level up na ang scrapbooking!
hahaha, actually patong-patong na ang mga plano kong gawin… pero yes kapag ganitong napapasama at napapadako ang sa mga passion sa arts.feeling ko kailangan ko na rin mag-inarte ulit. hohoho!
Wow! sa dami siguro ng napuntahan nyong lugar eh, napagod na kayo. Mahilig ka pala sa mga collections.
opo medyo. nagiging collection na sa akin ang isang bagay lalo na kapag ito ay mga naipong regalo. hehehe. sentimental value na rin bukod pa sa libre. hohoho!
pano po pag pnta jan mangagaling ako sa recto…. thanks (sa sta. mesa sana ako ppnta)