Hoshilandia in 2011


Majority nang ipinagpapasalamat ko sa 2011 ay may kinalaman sa blogging lalo na sa aspectos de hitokiriHOSHI.  Ito ang taon na kung kailan ipinagkaloob na makapagbahagi  ako ng mas maraming impormasyon at kuwento, matututo ng iba’t ibang aral, ang makakilala ng iba’t ibang indibidwal  (personal/ virtual) ,  magkaroon ng chance na sumali sa mga contest at ma-appreciate ang aking mga sinusulat.

Rich in infotainment

Honestly, Laguna (Liliw, Sta.Cruz, Pagsanjan, Luisiana, Majayjay) lang ata yung pinakamalayo kong napuntahan nitong 2011. Pero marami-rami akong gala dahil na rin sa sulsol este yayaan namin ni Syngkit, na -recruit ko na rin na mag-blog. Within Metro Manila lang ang Manila Zoo, Malabon Zoo, Ninoy Aquino Parks and Wild Life, Quezon Memorial Shrine, Fort Santiago ( Intramuros), Manila Chinese Cemetery, Metropolitan Theatre, National Museum, at ang mga Churches na pinuntahan namin sa aming Visita Iglesia pero cool pa rin kasi common denominator namin ay travel pero siya into photography ako naman ay alam n’yo na . Take note pareho kaming Kuripot.

Siyempre,  ikinakatuwa ko rin ibahagi yung mga moment  at nalaman ko sa Star Awards for Music, Black Eyed Peas Concert in Manila ( isa ko ring achievement), Stamp Collecting at mooncake festival game thru Postal Heritage Tour,  Arts and Craft Fair (Alabama St, New Manila, Q.C.), photography business through Verjube Photographics, handicrafts thru GawaniFemi, independent films thru Cinemalaya,  Japanese films sa Eiga Sai, at ang  dinadayong sisig at papaitan sa Ay See’s Restaurant.

Received Awards and prizes

 

I am thankful kay Lord dahil binigyan n’ya ako nang magagandang pagkakataon at resources para makasali sa iba’t ibang contests. Salamat din dahil lumakas ang loob ko na  magsasali kasi hindi ba kahit may chance at mga kagamitan ka, kung ‘di ka gagalaw wala ring saysay.

I’m so happy naman dahil sinuwerte ako sa blog contest ni Florenda Corpuz, photo contest ng Gawa ni Femi, maging isa sa finalist sa Philippine Blog Awards at maging top 4 sa 2011 Top 10 Home Based Bloggers of the year sa Pinoy Expats/ OFW Blog Awards. Thank you-thank you po!

Sumali rin ako sa Saranggola Blog Awards (sa dalawang category actually) at sa blog contest ni diarynigracia. Hindi man ako pinalad, hindi rin ako natalo kasi yung pagsali ko sa contest ay hindi lamang tungkol sa awards o prizes kundi way ko na rin ng pakikipagsosyalan, pagsuporta at pag-discover ng mga bagay-bagay.

Achievement and Appreciation

Ang isang bagay na talagang nagpangiti sa aking puso, kumiliti sa aking isipan at nagpabanat sa aking face ay yung mga comment ng mga tao sa aking pagsusulat.  Iba klaseng achievement yun sa akin bilang blogger. Na-appreciate ka bilang ikaw (style sa pagsusulat) at yung mga kuwento na naipi-feature ko rito sa Hoshilandia.com.  Salamat po sa inyo!  May isa maiyak-iyak ako sa tuwa nung nalaman ko.

Patalastas

Siempre, lahat naman ng ka-Hoshilandia ko ay pinasasalamatan ko lalo na ‘yong mga regular kong bisita, sa mga panaka-nakang nagpaparamdam at nagko-comment, sa mga nagla-like, nagsi-share at nagre-rate.  Dahil na rin sa inyo tumaas ang ranking ko sa Alexa at Google.

 

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

12 thoughts on “Hoshilandia in 2011