Since sa February 9 na ang Second Anniversary ng aking Hoshilandia jr aka. Hitokirihoshi jr o hoshi Jr., gusto ko i-try ang podcast at audio blog. Dumating na kasi yung panahon yung sinabi ko sa aking kauna-unahang blogpost sa aking unang-unang blog na kwentotpaniniwalanihitokirihoshi Sr. na puwede na ring magsalita sa blog. So sabihin na natin na audioblog post ito na parang ewan. podcast.
Nabanggit ko na rin sa isang hiwalay na post na nahilig ako sa panggagaya ng tao. Hindi naman sa mapagpansin pero mapag-observe lang lalo na kapag colourful ang personality.
(Note: paki-click na lang ‘yong naka-bold na mga lines at puwede rin namang hayaan na mag-play ng mag-play. May mga mali–mali lines din siempre.)
Queen of Soul Jaya
Hindi ko masasabi na gustong-gusto ko si Jaya basta trip ko lang yung mga nauna niyang kanta. Noong una niyang dating sa music scene, iba ang kanyang boses sa karamihan lalo na sa mga singers na kilala na sa biritan. Isa siya sa tipong kaya mong abutin high notes kahit hindi talaga.
Ito subok – Laging Naroon Ka
Parang trying hard… ito kaya Wala na Bang Pag-ibig
Iba ata lumabas ang boses so ito na lang Bakit Pa
Superstar Nora Aunor
Sa dami ng impersonator ni Ate Guy parang mapapagaya ka na rin ata. Kilala sa natural niyang arte pero kapansin-pansing mannerism at may kasamang pagdidiin sa kanyang linya.
Paano kung binabati n’ya ako para sa aking second anniversary?
Annabelle Rama
Isa rin siya sa madalas gayahin, hindi ba? Maraming sikat na Cebuana sa showbiz pero nag-iisa lang si Annabelle Rama kahit maganda o pangit pa ang pagtingin mo sa kanya.
hindi ko malaman kung sya ito o si Mommy Dionisia
Many Pacquiao
Siyempre hindi ko kaya yung boses nya, kasi lalaki ito no. pero gusto kong kantahin lagi yung pamatay nyang kanta. Natutuwa kasi ako minsan na kapag naglalakad siya sa ring, kanta nya mismo ang pinapatugtog. Tapos yung shorts nya may mga ads pa. Isipin mo na rin kung kasama sa intro sa kanya sa ring ang pagiging host, actor, producer, endorser, at congressman nya. Ikaw na Manny!
ito sinabayan ko lang s’ya ha Para sa Iyo ang Laban na Ito
Vicky Morales
Sa totoo lang maliban sa facial expression n’ya, kung papakinggan mo lang talaga boses ni Vicky hindi bagay sa kanya ang pagbasa ng bad news. Hehehe! Ang bait-bait kasi ng boses n’ya.
gaya lang newscast ala Wish Ko Lang
And for my foreign fans este visitors here’s my rendition of…
Pingback: How to know if your Gadget is a Good Investment - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: How to know if your Gadget is a Good Investment | aspectos de hitokiriHOSHI
unang-una, happy birthday muna ke junior
mabuhay!
pangalawa, congrats sa podcast
as usual, pioneer ka na naman
mabuhay!
pangatlo, ang talento mo ay pwendeng-pwede sa AM radio
hehe
cheers!
am radio talaga. wahahaah!
salamat!
tawa ako ng tawa dito!! ahahahahaha! panalo sa mga impersonations!
salamat potsquared!
welcome din dito sa hoshilandia jr!
aliw..hahaha
paborito ko day yong roffa day.
hahaha
salamat bagotilyo! mabuhay!
hohoho!
Mabuhay at binabati kita sa tagumpay na iyong nakamtan, magpatuloy ka sa mga magagandang bagay na iyo ng nasimulan. Congrats and God bless!
maraminmg salamat po kuya Elpidio! Sana ay hindi magsasawa sa pagbisita rito sa hoshilandia.
Madami akong tawa at kung mabibigyan kita ng korona, ikaw na ang Reyna ng Bedroom Voice! Sana in-invite mo din yung mga Korean friends and pupu friends mo para bumati s’yo. Naaliw ako. 😉 Habersaryo!
at least naiibang title yan! I like it! wahhhh
oo ii-invite ko sila… ng bongga ng magkalaman na ng talent. wahaha!
mabuhay!
ahahaha! ang galing mo, hoshi. di kaya papunta na sa pagiging total entertainer ang career mo?
salamt Duking!
naku baka manginig na nyan ang mga half entertainer. hehehe.
mabuhay!
hi bkit di ko mpkinggan yung audio
nyek bakit kaya? baka mabagal lang ‘yong loading time.
Pingback: Audio blog: 5 Celebrities I Impersonate « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI
natawa ako sa vicky morales version. galing! panalo! 😀
salamat Kapusong Apollo!
heh. someone beat me to the podcast!
siempre nothing beats the original, tas panda pa.