Before PC, ’twas Personal Typewriter


typewriter_smoke effectNaalala ko na nasa grade 5 ako nang naisip kong  gumawa ng project na naka-type. Mas mababa ang grade ko kaysa dun sa mga project ko na nakasulat lang. Hindi ko alam kung hindi ba kapani-paniwala na gawa ko iyon o mas maganda ang sulat kamay ko.

Ngayon ay gumagawa ulit ako ng scrapbook, naisip ko na imbes na handwritten ay gawin ko na lang na typewritten not in computer but in typewriter. Buhay pa kasi ang lumang typewriter namin na malamang ay mas matanda pa sa dalawang nakakatanda kong kapatid. Sa tanda at tagal ng hindi nagagamit kaya marahil nagkaroon ito ng konting depekto. Lagi itong naka-align sa kanan, in short ‘di na ma-justify.

The Black Ribbon

Sa huling check ko, ang presyo ng ribbon (‘yong pinaka-ink ng typewriter) ay nagkakahalaga ito ng 30 pesos point something. Ang hindi madaling part ay ang paglalagay nito dahil dadanak talaga ang itim na tinta.  Hindi ko alam kung hindi lang talaga ako marunong o hindi lang ako sanay.

Ang nakakainis na sa pagta-type ay nawawalan na ng tinta at hindi pumipihit ang ribbon. Tapos sa kakapihit mo manually ay nahihila na pala  ng todo ang ribbon. Iyong kumalas na at kailangan mong ikabit ulit.  isipin mo na lang na ganun din ang ginagawa ng kabataan nung henerasyon na wala pa laptop, kaka-frustrate.

typewriter_calling cardThe Power type

Since college hanggang ngayon mayroon akong repustasyon sa pagta-type. Hindi ko alam kung bakit pero mas maingay ang pagtipa ko mas mabilis ako at mas nakakapag-isip. Minsan ay may isang manunulat na nagsabing mas gusto pa rin ang typewriter dahil parang may sarili raw itong espiritu. Siguro yung ingay dun ang ispiritu.  Bawat isang pagdampi sa isang key ng letter ay dapat mabigat para madiin ang pagkakahampas noon sa papel. Sa bagay no, ‘pag suwabe ay mas matipid sa ink. Hohohoh!

Nakaka-challenge din ang pagta-type sa typewriter dahil kailangan perfect. Dapat walang wrong grammar, wrong spelling at lalong-lalo na ng wrong indention (sakit ko bakit ba?!) dahil dagdag ‘yon sa maling pagta-type mo. Hindi naman lahat nadadala sa correction fluid lalo na kung makulay na papel ang gamit .  Ano yun, duming puti na nakapahid sa papel? Hihipan pa ‘yan, hihipan pa!

Mechanical savvy

Maliban sa hindi paggamit ng kuryente ay mahihirapan ang typewriter na kalabanin ang tikas ng computers/laptops na maraming magagawa. Pero iyon nga, para itong kababata na nakilala mo nung nagsisimula ka pa lamang at puwede mong kuhanin sa kanyang case kung kailangan mo ng backup. Hindi ka mamoroblema sa pag-upgrade, sa virus, sa connection at iba pa. Kailangan lang ay i-appreciate ang kanyang kasimplehan. Tas siguro konting oil na rin.

Patalastas

Isa sa mga eksenang tumatak sa akin na may kinalaman sa excitement ay ‘yong pumasok si Neil (Perry ) sa kuwarto at excited na excited na nagsimulang magtipa sa kanyang reliable typewriter ng pekeng letter of permission ng kanyang magulang  para makasali s’ya sa isang play. Lost? Manood ka ng Dead Poets Society starring Robin Williams, Robert Sean Leonard, and Ethan Hawke.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

18 thoughts on “Before PC, ’twas Personal Typewriter

  • Tim

    Noon pa ako naeenganyo sa mga typewriter, parang feeling ko writer na writer ako kapag gagamit ako. Kaso alam na alam ko rin na hindi pwede sa akin ito kasi hindi ako malakas pumundot ng mga keys saka madalas akong magkamali sa pag-type kaya sawi rin ako kung gagamit ako.

    • Hitokirihoshi Post author

      tama ka dyan, gusto ko nga magpa-picture na nas harap ng typewriter tas with matching smoking effects and spotlight na nakatutok sa akin at sa typewriter lang. hohohoh

      • Tim

        Hahaha, parang old-school na peryodista! Ako talaga, parang may something lang talaga sa typewriter na siguro mga writers lang ang naastigan kaya parang gusto natin lahat gamitin pero sa panahon ngayon hindi lang talaga praktikal.

  • Crazyfrog

    Ang typewriter =)), pagnagkamali ka at di madala sa correction fluid na nagkaroon pa ng correction pen, tapos ung correction na strip ( kung anu-ano pa hehe) huhugutin mo sa typewriter ang papel deretso sa basurahan. Ayon… Uulit ka uli sa simula. Walang edit. 🙁 kung gusto mo gumawa ng madaming kopya ng documents,kailangan Mo naman ng carbon paper. Iyon na ang pinaka malala pag nagkamali ka. Lahat ng page lalagyan mo ng pangcorrect at “hihipan” ng todo nang matuyo agad. Kung ayaw ng may bura, waaaaaa magsimula muli sa umpisa. Magastos sa bondpaper hehehehe.

    Ang malupit ‘yong positions ng finger. Para daw mas mabilis.. Ganda pang tingnan. Tapos bibilisan mo pagtipa, ang yabang ng dating hehehe… Ang tinitipa naman pala eh kabisadong “the quick brown fox jumps over the lazy dog near the bank of the river”.

    =))

    • Hitokirihoshi Post author

      naku mukhang master na master mo ang paggamit ng typewriter. pag-aaralan ko yang paraan ng pagta-type na sinasabi mo. hehehe

      welcome sa hoshilandia jr crazyfrog!

  • sasaliwngawit

    ahaha, okey yon, ah… 🙂

    bilib ako sa ‘yo, ang hirap kaya noong dapat walang mali? 🙂 anyway, ako, mas marunong ng konti sa ‘yo na magpalit ng ribbon, haha. peace!

    may collection rin ako dati ng magagandang movies. ayon, na-Ondoy. pwede pa naman ang iba pero medyo I lost interest na baga… nakatambak na lang sila, hihi. maganda ang DPS. may isa pang magandang parang ganyan din, e… 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      naku konsepto ko lang yung dapat walang mali, kasi kung titingnan mo ang basurahan ko ang daming mali. hahahah!

      naku sayang naman ang mga movies na yon. ano kaya yung magandang film na yun. lately, medyo hinto rin ako sa panonood. into scrapbooking mode naman.

  • sasaliwngawit

    hello, Hoshi,

    like ko ‘to, like! shaks lang, ba’t walang like button dine…^^

    ang typewriter ang isang bagay na matagal kong pinangarap mula nang maliit pa ako. sa awa ng langit, ayon, hindi natupad, ahaha. hanggang ngayon, pag nakakita ako ng typewriters na nakatinda, pinag-iisipan ko kung bibili ako, haha.

    isa ang typewriter sa mga object na nag-loom large talaga sa isip ko mula bata hanggang early 20s siguro. balak ko ring gumawa ng post about it, isang araw. sana matuloy, hihi.

    medyo weird ka rin nga, kapatid, ano? biruin mo’y may PC naman ay talagang pinagtityagaan ang revival ng typewriter, haha. sabagay, it has a period feel to it. inggit lang siguro ako kasi wala akong typewriter, haha.^^

    ay, maganda at moving ‘yang DPS na movie. like uli. saka, Papa ang bida, hihi. isa sya sa nakakilig noon… 😉 regards and cheers!

    • Hitokirihoshi Post author

      hahaha ako rin medyo nahihirapan na minsan sa pagka-weird ko, nyahahaha!

      nakakapanghinayang din lang for me, kung simpleng mga type-type lang at pang-ayos sa magulo kong sulat. ang mga na-type ko rito ang highlight sa aking pinakabagong scrapbook. no need for print at kuryente kung may maisip. type lang ng type, at bawal magkamali.

      bago ko mapanood ang DPS marami na akong kakilala ang nagsabi na maganda ang pelikula. dekada ata bago ko talagang ginawan ng aksyon, so far kahit drama ay nagustuhan ko siya talagang nakaka-inspire. yun pa pala, mas hilig ko i-collect ang magagandang lumang pelikula. Yung iba hindi pa talaga ako pinapanganak.

  • apollo

    ang typewriter ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay letter “i” ang napipindot ko pag numerong “1” ang dapat kong pindutin. iisa lang kasi ang i at 1 sa luma naming typewriter. 😀

  • McRICH

    very much old school ang typewriter pero it’s a pity na marami sa mga estudyante sa ngayon ang hindi naka-experience gumamit nito.

    naalala ko pa nung binilhan ako ng typewriter ni Ma, sobrang saya ko, kasi nakikihiram lang ako sa kapitbahay. pakiramdam ko ay tumaas ang estado ko sa lipunan dahil goodbye na ko sa mga handritten submissions 🙂

    korek ka, anhirap mag-ayos ng ribbon, parusa yan, minsan pati yung tina-type mo nadadamay. nalimot ko na yung correction paper kung anong tawag pero mas mahusay yon kesa sa liquid paper.

    • Hitokirihoshi Post author

      bilis mo kuya a. hehehe

      actually nag-search din ako sa mga pang-correct dyan sa typewriter. hindi ko na alam yung iba. ang naabutan ko na lang yung sa electric typewriter na parang plastic cover.

      nung bata ako laruan ang tingin ko dito. masuwerte na kasi kung mahawakan ko kasi busy yung mga kapatid ko. pero wag ka nung nauso na yung computer nasa ilalim na lang ito ng kama. kinuha ko nga.