Human ferromagnetic


Nagsimula sa pangangailangan hanggang sa may taong pinagbigyan ako at iyon parang nakasanayan ko na.  Ito ay kahit sobra-sobra na sa aking pangangailangan. Aaminin ko, mahina ako, I’m ferromagnetic, tumatanggap ako ng magagagandang magnet made from kung saan-saan.

In fairness naman sa mga kaibigan ko ay kung hindi kit chain (na pinagpasyahan ko na rin i-collect) ay magagandang magnet ang kanilang ibinibigay. Wala na akong paki kung magkano nila nabili basta, makita ko lang gawang ganitong probinsya o bansa, napapa-magnetic smile ako.

Sino nga ba ang nakaisap nag awing souvenir item ang magnet? Nagsawa na ba sila calendar, pamaypay, kit chain at t-shirt? Hehehe!  Pero sa bagay maganda na rin ito dahil marami namang gamit ang magnet.

  1. Pang-ipit ng note sa refrigerator at gaya sa whiteboard ko.
  2. Pang-ipit sa document na ita-type sa typewriter este computer
  3. Pang-ipit sa picture of the moment (classic example kuha sa sarili sa mall)
  4. Pang-ipit sa bills sa ref ulit
  5. Pang mark sa mapa.
  6. At ang bilib na bilib ako dati, pang-correct ng kulay sa TV.

 

Ikaw baka may alam ka pang iba?



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

9 thoughts on “Human ferromagnetic