That Thing Called Kuwaderno


Hindi naman sa sobrang mahilig, but I always bring or keep  notebook o kuwaderno. With the real notebook, walang problema sa electricity, anti-virus, apps or whatever. Kahit hindi maganda o ni-recycle, ang mahalaga ay masusulatan at may ipangsusulat. Why nga ba I Always Need Kuwaderno? 1-notebook

for reminders and organizing. isa ako sa mga taong mas nakakalimutan ‘yong recent memory at maraming gusto o inaabalang gawin. Apart sa “napakamasalimuot na kuwarto” ay “kung anu-ano na lang ginagawa mo,” ang linya sa akin ng nanay ko ngayon.

To take down notes – mahilig kasi ako magbasa ng kung anu-ano so laman lagi n’yan ay mga quotes na nagustuhan ko, lessons that I want to learn and achuchu. Sa dami nga wala na akong natutuhang matino at ang gulo pa ng notebook.5 one bookmark

To have an instant outlet. Yes my dear friends, this blogger is still diarying…pangit..doing journal/diary writing. Lahat ng sama ng puso, isip pati ng tyan nandyan. Pati sigaw ng subconscious mind ko dale na rin.

To achieve something… yes dapat hindi lamang dreams dapat may goals din-short or long. Then may concrete plans din na binubuo ng kahit simpleng “to do list.”goal-oriented page

At kung importante sa atin ang kuwaderno para sa mga ganitong kabagayan lalong-lalo naman na siguro roon sa mga talagang kailangan nito ang mga mag-aaral, estudyante, student or (may favorite term) PUPIL.  Mag-donate kung kaya di ba?

Samantala, bukod  sa gamit na gamit ko  ang  notebook, may point din sa buhay ko at ng aking mga kapatid na miski notebook isang malaking bagay. Iyong kailangan mong tipirin kahit ang pagsusulat mo dahil ‘pag naubos kaagad yun mahihirapan kang mapalitan, na iyong mga tira-tirang pages samsamin mo at gawin panibagong set ng notebook . Iyan ay bukod pa sa kahit ayaw mo ang artistang nasa cover at kahit hindi math ang subject ay may graph ‘yong pang Hekasi mo. hohoho!

Patalastas

 

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

12 thoughts on “That Thing Called Kuwaderno