Where to listen, go for OPM (Filipino Music)?


Nakakahanga ang sigasig ng mga nagsusulong ng Original Pilipino Music (OPM) ngayon. Kung hindi ka aware, sunod-sunod ang mga aktibidad at programa ngayon lalong-lalo na ni Ogie Alcasid na bukod sa pagiging pangulo ng OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit) ay naglunsad din siya ng online store  na OPM2Go na pawang Filipino music lamang ang mabibili.

Jong Cuenco, Mel Villena, NCCA chairman Felipe De Leon, Noel Cabangon, Dingdong Avanzado, Bactidol official, and other OPM artsist at Pinoy Music Festival media confrence b

Jong Cuenco, Mel Villena, NCCA chairman Felipe De Leon, Noel Cabangon, Dingdong Avanzado, other OPM advocates at Pinoy Music Festival media conference

OPM2Go

Ang masaya pa rito ay abot-kaya na ang pagbili ng bawat kanta. Para sa awiting mula sa mainstream ay 25 pesos habang 10-15 pesos naman sa underground. Sa halagang ito magipagmamalaki mo na ang laman ng MP3 player, smartphones, tablet at laptop mo ay na-download… ng Legal.

Marami sa atin ay tumatangkilik ng pirata dahil mas mura. Isang gawain ito na laganap pero hindi mo dapat ipinagmamalaki. Hindi porke’t ginagawa na ng lahat at nagawa mo na ay mag-iiba na ang katotohanang mali ito.

By the way, ang isa pang online music store from the Philippines ay ang mymusicstore.com.ph . 

RadioRepublic.ph

Miss mo na ba ang NU Rock 107? Mapi-feel mo ang spirit nito sa online media station o online radio station na radiorepublic.ph. Ang ilan sa mga dating taga-NU ay narito like DJ Dylan Vizcarra na host ng program na Java Jam  at si Ron Titular (NU’s Station manager) na siya namang chief operating manager ng media station na ito.

raimund marasigan, ebe dancel, gabby alipe and ryan cayabyab. 2

Raimund Marasigan, Ebe Dancel, Gabby Alipe and Ryan Cayabyab @Elements’ Conference

Dagdag pa sa kanila ang pagbisita palagi ng mga kilalang personalidad din sa local music scene  gaya noon nina Basti Artadi (Wolfgang) na nagin host ng Rock Bato, Jay Durias (South Border) at Maestro Ryan Cayabyab na mga naging host naman ng Muchikahan .  Ang iba pang shows ay ang Live 2299 (Thursdays at 9:00Pm) at SWAG ni Joy  Hendrickson.

Sa ngayon ay in- accommodate nila ang mga musicians na gustong ma-discover so just “Send your soundcloud or youtube links to music.radiorepublicph@gmail.com .”

Patalastas

Of course, advocacy na nila ang ma-discover nila ang musikang Pinoy.

7107 Music Nation

Kung may kakarampot lang sana akong galing sa pag-compose ng kanta, gusto ko sana maging part ng  music camp (Elements) ng 7107 Music nation. Masarap ang feeling siguro na ginagawa mo yung passion mo kasama ng iyong mga tinitangala sa larangan na ito at habang parang nagbabakasyon.raimund marasigan, ebe dancel, gabby alipe and ryan cayabyab. 2

Naalala ko yung sinabi ni Jim Paredes na iilan na lang talaga yung nakakagawa ng maayos na kanta. Iyong iba na may potential sana kaso hindi ma-sustain. Naniniwala naman ako na maraming magaling sa atin ang hindi nga lang nabibigyan ng pagkakataon  na makapasok sa mainstream. So isang venue para songwriter and composer ay Philpop

Mabuhay sa patuloy na nagsusulong ng Filipino music!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

9 thoughts on “Where to listen, go for OPM (Filipino Music)?