I would like to inform everyone that my restaurants (yes with S) will close down permanently on June 29. Hindi ko na mase-serve ang aking more than 100 recipes kasama na riyan ang mga mao-order sa aking lounge bar, pizzeria, smoothie station, at sushi bar. Goodbye Restaurant City!
In fact tiyak na mami-miss din ng aking mga regular customer especially dun sa nagtatrabaho sa mga hotel ang aking mga na-invest na forest run cycling machine, customer grooming booth, bowling alley, karaoke bar, Thai Tuktuk replica, Retro Futuristic dish display at ang aking basic red bed na madalas higaan ng aking crew. Hindi ko pa idagdag dyan ang aking mga one of a kind stoves, urinal, drink sets, glorious fountain, fridge, arcade machines, pinball at iba pa.
Tawa ka ng five times… Ha! Ha! Ha! Ha! ha!
Yes, ang sinasabi ko ay ang mga restaurant ko sa Restaurant City na laro sa Facebook. Imagine, nilalaro ko ito for three years na. Hindi ako ganun ka -addict pero masasabi kong loyal ako sa laro hindi gaya ng iba na pang craze lang. Musta naman ang sakahan di ba?
(Read the history of Café Hoshi here)
According to Playfish or EA ang pasimuno ng larong ito at ng The SIMS ay kailangan nilang pag-retiruhin ang Restaurant City para sa kanilang mga bagong nilulutong laro (for details click here). Sabi nila ‘yong gourmet points ko ay puwedeng magagamit kapag nag-join ako ng The SIMS. Patawad pero wala akong interes. Sa aking sariling psychological test and theory, naglalaro ako ng Restaurant City kasi:
-
Gusto ko magkaroon ng negosyo someday at isa na roon ang makapagpatayo ng restaurant.
- Marunong akong bumili sa market pero hindi ako marunong magluto. Sa mga restaurant ko, hindi lang ako nakakaluto, nakakapag-serve pa ng iba’t ibang recipe tas marami kumakain. Hehehe!
- Makakapagpatunay ito ang mga friends ko pero tawagin mo na akong cute ignorant but sa larong ito ko lang unang nasilayan ang wasabi, saffron, pomegranate at iba pa.
- Dito napu-fulfil ang pagiging inner shopaholic ko. Kung sa real life ay kuripot-kuriputan ako, dito basta maganda at mapapakinabangan pag-iipunan kong bilhin kahit 24 hours kong pagtatrabahuin ang crew ko. Hahaha!
- Dito ko rin napagtatanto ’yong kagustuhan kong maging architect and interior designer. Malabo mangyari ‘yon at wala akong balak i-pursue pero gusto ko ang mga pagkakaayos na wala sa ayos. Ayos di ba?!
- at mapapatunayan dito ang aking patience at loyalty. Kapag nilaro ko ang isang bagay hindi ako magku-quit hanggang sa makuha ko yong dapat. At least level 81 na ako di ba?! Hahaha
Oh well, maybe kaya nagsara ‘yong virtual restaurants ko ay dahil someday or soon mangyayari na sa totoong buhay ang Café Hoshi ko. Sana’y manawari at makakasiguro kayong once na bumisita kayo roon ang sasalubong na pagbati sa inyo ay isang masigabo at with choreography na MABUHAY!
aray ko
pinatamaan mo pa talaga ako, ha
hmp
ma-tsek nga kung buhay pa farmville ko
hehe
so kamusta naman ang sakahan ni raft3r? buhay pa ba ang mga alaga mo? hehehe
maryosep, tawa nga ako ng five times hoshi 😀 naaddict din ako dito before, yung tipong hinaharass ko si my man para makipag swap ng ingredients sakin LOL gusto ko rin magkapagtayo ng negosyo someday. hindi ko lang alam kung anong negosyo ba yun. good luck sa restaurant dream mo, sana matupad!
mabuti naman at may isa nang naka-relate na sa akin at napatawa ko pa ha.
ako may sekreto para magkaroon ng mga ingredients na kailangan ko. hahahaa. pinagre-resto ko rin kasi ang mga kapatid ko. hohoho
maraming salamat sa iyong pagbati at kahilingan sana matupad ng bongga!
LOL mga kapatid ko din meron dati pero ngayon hindi na kami naglalaro. ewan ko ng bakit nahinto na eh. pero i remember naglaro din kami ng similar game, hotel city naman 😀
hoshi i got your email just today. it went to my spam folder. pero maraming salamat sa inyong lahat ng bongga 🙂 🙂 🙂 i will ask my sister to check tomorrow. i’d report back on saturday. salamat po in behalf of all the kids!
ps. the sweldo move is awesome. *wink*
yun ang hindi ko nagawang nalaro pero don’t worry baka naging costumer ko na rin kayo sa mga restaurants ko hahahaha!
yeah nabasa ko itong comment mo, na-post mo na yong acknowledgment mo para sa amin. mabuhay!
Hindi daw adik oh. LOL. Kinarir mo lang naman ng 3 years. Hindi ka nga adik sa Resto City. LOL.
oo hindi ako addict yan talaga ang statement ko dyan.
akala ko nung una, tunay na restaurants yun. kelan po ang totoong restaurant? 😀
hehehe. nadale ka ba?
oo nga sana malaman ko na rin at sana soon. sana makasama ka sa ribbon cutting. hehehe