When you are jobless, automatic, you need to regulate your expenses. You may get support from your parents but not all the time right? Dyahe! So let’s talk about, frugal ways to to save money while you’re in job hunting mode.
Job Hunting tipid tip 1: remember Resume is your personal ad
Kung may maituturing na ad campaign material para sa sarili, isa na rito ang resume. Goodbye na talaga sa biodata era. Ang resume ay ang ticket ng isang job hunter para mapansin siya ng isang company at makuha ang matamis na oo para mapasok na niya ang pangarap niyang trabaho. Mas malinis, maayos at malaman ang content nito ay mas maganda. Pero paano nga ba makakatipid pagdating sa resume.
- Always double check your resume’s content –
que simpleng comma, heading, bullets, indention at grammar tingnan mo lahat. Napaupo ka na rin lang naman sa harap ng PC at gumamit ng electricity ay i-maximize mo na. Kung mas madalas kang nagpi-print dahil mali ay mas hassle at magastos.
- Save soft copy
Bukod sa soft copy na nasa iyong computer at USB flash drive, mabuti ring mag-save ka ng copy ng iyong resume sa iyong email. Makalimutan mo man ang hard copy at flash drive, may email ka pang puwedeng pagkunan.
- Photocopy not reprint
Puwede namang print lang lalo na kung mura ( gaya sa Recto at U-Belt) pero usually 5 pesos to 10 pesos per page ang singil sa mga computer shop para sa printing. Puwedeng alternative sa reprint ay Xerox photocopy. Make sure lang na malinaw ang ink at maayos ang pagkaka-photocopy sa paper mo. Puwedeng maging option din ang image repeat ng ilang photocopy shop, particularly ‘yong nasa U.P. Philcoa, Morayta at Mendiola para sa photo.
- Choose simple and affordable paper
Marami pa namang company na conservative at traditional. Mas gusto nila ang clean and simple kaya ‘di na kailangan ang colorful and scented paper. May nabibili naman na mga papel na above naman sa quality ng bond paper.
Job hunting tip 2: check different job portals/ job ads
Dapat ngayon kilalanin mo si Lina ( Jobstreet.com), si Maria ( Best Jobs Philippines), Indeed.com.ph, Kalibrr, Job Openings.ph, jobmarketonline.com, www.careerjet.ph at iba pa. Para sa akin mas effective na ang mga online application para sa karamihan ng field ngayon pero may iba na walk-in talaga gaya sa mga seamen.
Masuwerte ang henerasyon natin dahil uupo ka na lang sa harap ng PC o hahawak ng smartphone ay, presto nakapag-apply-apply ka na. In fact, bukod sa pagpapasa ng resume, online na rin ang application para sa pagkuha ng passport at NBI clearance.
Tip 3: Scanned all your documents
Isa pang magandang job hunting tip ito. Dalawang bagay kung bakit mainam na naka-scan at save ang documents and identification cards gaya ng SSS, Philhealth, Pag-Ibig, passport at iba pa.
a. Para may kopya ka ‘pag nawala
b. Para madaling maipasa online kung kailangan.
In Interview: know the exact address of the company and arrive early
Sunod sa pagpapasa ng resume, ang isa pang malaking part ng job hunting quest ay paghahanda sa iyong interview. Ang mahirap sa hindi nag-search sa google map, wikimapia at iba pang mapa o hindi man lang nagtanong kung saan ang pupuntahan n’yang company ay kung hindi mawala, male-late, at mapapagastos pa. Wala pa d’yan ang tagatak ng pawis at kaba sa dibdib. Bakit mapapagastos? Dahil hindi mo alam ang lugar, sakay ka ng sakay at lakad ka ng lakad. Dahil gahol ka na sa oras, option mo na ang mag-taxi o mag-grab. Siyempre dahil napagod ka at na-stress, mapapa-upgrade ka pa ng kain. Aminin!
Bring your “yuppy kit”
Naks may yuppy kit na nalalaman. Ito lang naman ang tawag ko sa purse na nandoon ang glue, maliit na stapler, black ballpen, Liquid paper correction fluid, flash drive, pictures ( naka-small box) at candy. Aba, simple lang ang mga ito pero kung wala ka, not so posh!
Nakarelate ako dito sa checklist mo lalo na yong pagtataxi. Haha
Hi Marco! Welcome sa Hoshilandia!
Appear, buti na lang may smartphone na ano?
Sakto. On the verge of job-hunting again when I saw these tips.
good to know na makatulong ito sa iyo SlickMaster, mabuhay and good luck sa iyong next quest.
Pingback: 5 Money Mistakes of Filipino Yuppies - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: 5 Simple Job Interview Advises | aspectos de hitokiriHOSHI
hi po .
hi din and welcome sa Hoshilandia john arnie!
when you’re jobless and penniless, who you gonna call?!?
hoshilandia!
consultation lang ang drama ko, ikaw talaga ang lapitan ng mga nangangailangan. dpat maging part ka na ng PCSO e!
I agree with clear copy of our resume sometimes the copy is much better than the original or you can’t just tell the difference so why reprint clear copy it with a cheap price
yeah it’s true. a little effort means savings!
thanks ChrisAir!
Pro na pro ah. Teka, saan ka ba nagsa-submit ng mga resume? sama iyong akin. haha
ayoko ipaalam pag ikaw ang kalaban kung applicant, purnada na ang application ko. hehehe!
di na nga raw masyado uso ngayon ang walk in application pero naranasan ko to dati nung sa OJT pa lang. minsan sa guard pa lang, di na ko pumapasa sa interview. hahahaha.
salamat sa tips Madam Hoshi. tatandaan ko to para sa susunod kong application, hehehe.
Madam talaga!
ang post na ito ay paalala lang ng mga pinagdaanan ko na. kaya kong lilipat ako gagawin ko ulit ang mga ito. hahaha
mabuhay!
iginanti niya ako kasi tinawag mo akong kuya. bleh!
at ginamit mo pa pala ang genius ha para makaganti. o sige ikaw naman si Apollo the Great…Kuya! yahohohoho!
I think I will need these tips soon! Thanks for sharing!
your welcome at sana makatulong nga ng bongga!
malaking tulong ang iyong checklist lalo na sa mga fresh graduate. good job hoshi! 🙂
salamat kuya apollo! napagdaanan ko rin kasi. hohohoh