Purple Bamboo Spa: Luxury at affordable price


Ang mga paa ni Bacharo

Ang mga paa ni Bacharo

Isang dagdag sa maganda kong experience sa Puerto Princesa, Palawan ay ang pagpunta namin nina Shaira at Alexi sa Purple Bamboo Spa sa Goodwill Ramada Building, Rizal Avenue City  na kung saan first time kong naranasang magpa-Fish Spa.

Mayroon na ring fish spa sa Manila (una ko itong nalaman sa Manila Ocean Park) pero sa pagbisita namin doon ay na-experience ko na nga at marami rin akong natutuhan dahil nakausap ko ang isa sa investor nito na si May Lacao.  Bukod sa spa, na-inspire ako sa kanila ng kanyang mga kaibigan ( her co-investors) at mommy (Ms. Tess Lacao ng Aniceto’s Pension House) dahil naging business-minded sila sa pag-boom ng tourism sa Palawan.

Bakit Purple Bamboo?

Bukod sa pare-parehong trip ng mga investor ng Purple Bamboo Spa ang purple, sabi ni Ms. May ay nakaka-relax at royal kasi ang dating ng purple (agree!). Kung bakit naman may bamboo ay dahil gusto nila mayroon itong Asian touch. Sa bagay, iniisip ko rin kung may kawayan ba sa New York at Athens.

Fish Spa

Dahil first time ko na intentionally magpakagat sa mga isda- tawa ako ng tawa sa pang-i-spa ng mga Cichlid fishes sa aking ma-vein  na feet.  Kasama ko si Alexi  na nagpakagat ng dead skin sa paa  pero napansin ko na mas marami ang kumakagat sa mga naka-pedicure niyang mga paa.  Hindi kaya talagang makalyo lang siya? hohoho! Anyway, sabi ni Ma’am Tess ay sensitive ang mga isda kaya natatakot silang lumapit. Pero after mga ilang minuto rin naman ay nasanay na ang makilitiin kong mga paa.

Para sa kaalaman ng lahat, ang mga parloristang Cichlid fishes ay karaniwang matatagpuan sa Africa at North America.  Kapatiran daw sila ng ating pinakabibiling  tilapia.  Samantala, ang Fish Spa ay non-medical treatment na safe at painless.

Benefits of Fish Spa (according sa nakapaskil sa Purple Bamboo Spa)

  • Natural way of exfoliating
  • Improves blood circulation
  • Lightens scar marks
  • Hydrates skin
  • Promotes opportunity for bonding
  • Relaxing

By the way ang fish spa at foot massage ay Php 199 lamang sa kanila.

Patalastas

Appeasing facilities

Bago kami nagpamasahe ay nagkuhaan muna kami nina Shaira at Alexi ng photos sa pinakaloob ng Purple Bamboo Spa. Bukod sa malinis at relaxing (gusto ko na nga mahiga e) ay napansin ko rin ang  magagandang dekorasyon at painting sa loob.  Isang interesanteng room dito ay ang kanilang Vichy Shower room na may naka-paint na Egyptians.

Alexi Bacharo and Shaira Antipala

Maayos naman ang lighting sa loob at partition ng mga kwarto. Sabi nga ni Ms. Mae, isa sa naobserbahan at maio-offer nila ay security sa mga clients. Hindi sila mag-aalala na baka manakaw ang kanilang mga bags o konting galaw lang sa kurtina ay makikita na agad ang mga nagpapamasahe.  Sinadya rin din nila daw na mas malaki ang space ng kanilang reception area at mayroong ding café na nag-o-offer ng healthy food para chill -chill lang ang mga clients.

Other Spa Treatments

Ang iba pang spa treatments na interesanteng masubukan  sa kanila ay ang kanilang Purple Bamboo Signature Massage. Combination daw ito ng three kinds of massage-Swedish, Shiatsu and Thai and a bit of Hawaiian massage at ang concentration ay more on back and buttocks. Nabanggit niya na mayroon talaga silang trainer na bumuo at nagturo ng konseptong ito (Olver Galiache) sa lahat ng kanilang staff.  (Ayon sa kanilang brochure ay mayroon din silang island massage, bentosa with back or whole body massage, at Palawan herbal press).

Mr. Olver Galiache (spa supervisor),_?_, Eugene Fernandez (chef), Shaira, Alexi and Ms. May Lacao (part owner)

Ipinagmamalaki rin niya ang iba’t ibang scrubs na ginagamitan nila ng mga natural ingredients  gaya ng cucumber, café latte, niyog, salt at natibo(?). Ito ay maliban sa iba pa nilang services gaya ng Organic Facial Care, Kahuna, Palawan/ Purple Bamboo Rituals.

ang number sa kanila ay 0917 5843123.

[hana-code-insert name=’Palawan Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

10 thoughts on “Purple Bamboo Spa: Luxury at affordable price