Digital Marketing expert o digital marketer, social media specialist, at UX experts ay ilan lang sa mga in-demand jobs ngayon na makikita sa mga job search sites.
Totoo nga na sa bawat henerasyon ay may kanya-kanyang in demand jobs. May time na usong-uso ang engineering, nursing, computer courses, at caregiver. Ngayon naman ay patok ang mga trabaho na may kinalaman sa digital marketing na malawak pa rin pala ang scope. Ito ang nasagap kong information sa pag-attend ko sa Digital Career Talk sa AIM.
Paano nga ba ako napunta dito? Bago nito ay natakam ako na hindi ako nakapunta sa Digital Influencers Marketing Summit Rizal sa Binangonan, free pa naman sana ako courtesy of Jovy. Saka I’m curious din to know digital marketing, which I think will help me to become better blogger and soon kung kapag naging certified entrepreneur na ako. Buti na lang naka-early bird rate kami.
Ang mga speakers sa talk na ito ay sina Carlo Ople (managing director and partner Digit 8), Rosario Juan (Social Media Director – Movent), Frederic Levy (CEO – CashCash Pinoy), Peach Natividad (head of digital planning and analytics – Tribal DDB), Aileen Dalisay (Google Industry Manager for CPG, Tech and Telco), Jonat Joson (Executive Director Havas Media Ortega), and Leah Besa-Jiminez (Group head Digital Media – Smart Communications, Inc).
Though usapang technology ay hindi naman ako nag-nosebleed at nakakagana ang mga video clips na kasama sa kanilang mga talk. Gustong-gusto ko ‘yong
Home Plus Subway Virtual Store
and Coca Cola Open Happiness
Hindi lamang example ang mga ito ng marketing pero creativity and sending positive messages din.
Gusto mong maging digital marketer?
Sabi nga ni Ople maraming puwedeng mag-claim na sila ay digital marketer pero mayroon talagang specific designation or expertise ang bawat isa. Kasi may magaling sa analytics, social media, at planning. Sabi naman ni Juan ay hindi naman porke’t social media specialist super share ka lang sa mga social media sites (na kaya naman gawin ‘yon ng isang teenager). Pinag-aaralan nang bongga ang mga karera na ito. Okay aminado akong windang ako noong pinag-usapan ang analytics tulad ng mga ipinaliwanag nina Joson at Natividad. Sa numbers, graph, data o may conversion of elements pa ba yun? ay kung klase ito baka hindi lang ako mangamote, pupulutin pa ako sa kangkungan kung hindi mag-aaral.
Pero may ilan naman akong nakuhang best tips na ibinigay nila:
- Read a lot – especially about digital marketing and dapat you are always willing to learn
- Experience it – oo nga naman paano mo papasukin ang bagay na ito na kung pati pagse-set up ng Facebook mo ay hindi mo alam. Dagdag pa nila na mabuti rin na magkaroon ka ng mentor.
- Realign what you know and evolve but don’t forget the basics – ito talaga yung nakapukaw sa kokote ko e. Kasi mostly nung career na sinabi nila like digital account manager, e-business , digital media planners etc. nilagyan lang naman ng “e-“ or “digital” meaning may touch ng makabagong technology.
Social in real life / go out and network – actually tingin ko sa karamihan sa kanila geek pero kung totoo man yun, hindi naman sila ‘yong parating nasa likod ng monitor at hindi mo makausap. Nakakalula ang kanilang ginagawa sa maghapon na malapit nang mag-24/7.
So far may kilala akong 2 institutions na puwedeng magturo sa atin ng Digital Marketing ito na nga e-learning edge na nagko-conduct ng Certified Digital Marketer program at ang e-commerce bootcamp ng Digital Filipino. Pero I’m sure mayroon pang iba d’yan especially mula sa mga top universities natin.
Salamat sa pag-akag mo sa akin. Lezgow for the next level! 😉 Mabuhay!
Yeah Mabuhay, after online publisher dapat digital marketer na rin. hohoho!
Naks, Hoshi, talagang seryoso ka sa pag-iimpok ng knowledge para sa iyong desired future business ha. Maganda yan. I wish you all the best. Go lang nang go habang bata pa….at wag mo kaming kalilimutan kapag nasa tugatog ka na ng tagumpay 🙂
salamat Nortehanon sa iyong pagbati and encouragement. Yun lang din kasi so far alam kong step and long term investment, knowledge.
oo naman hindi dapat ako makalimot lalo na ng mga nakaka-inspire na blogger na kagaya mo.
Mabuhay!