Photowalk in Chinese New Year


Chinese New Year in Binondo Manila ang setting at Temple Run  naman ang tema ng aming photowalk ng Powerhouse G5 o PhG5  (first ever noong 2013).  Lucky din kaya ang pagsama ko rito lalo na sa  hoshilandia.com? 🙂

 lucky-charms-by-hitokirihoshi

Kung Hei Fat Choi

itong Temple Run photowalk ay ang first time kong makasama sa travel and photography activity ng PhG5. At okay na okay naman ang experience dahil first time ko rin na mag-ikot-ikot sa Binondo or China Town with camera.  Ang pinaka-special siempre dito ay ang mapasok namin ang Phil. Chinese Buddhist Temple and Seng Guan Temple.

Philippine Chinese Buddhist Temple

Nakakaiyak sa loob ng mga temple na ito lalo na sa una. Bukod kasi sa nadadama mo iyong faith ng ating mga kapatid na Filipino- Chinese ay nakaka-apekto rin yung insenso at red candles nila. Libre pa ang kanilang tea na masarap ang lasa at hindi mapakla.  Actually, medyo nag-aalangan ako nung una na magkukuha sa loob ng temple pero sabi naman ni Axl  okay lang naman daw at hindi lang iyon ang unang pagkakataon na makapasok siya sa isang temple.

red candles in Phil. Chinese Buddhist Temple

Sagana sa loob ng temple sa mga offerings at mayroon din naman na mga pagkain pero ang worth it na makuhanan ng picture at isang realization na rin ay strong faith talaga nila. Ano man ang pagkakaiba natin kasi ng paniniwala as long as you believe in God parang may something powerful na sa iyong identity and perception in life.

Seng Guan temple

May area rin kami na napuntahan sa Seng Guan Temple na kung saan naipagdadasal din ang mga patay, kung hindi ako nagkakamali. Isa rin yun sa magandang realization, parang dapat indi mo lang binabati ‘yong buhay, kundi pati ang mga patay. Hindi ka lang naka-look forward sa  future kundi sa mga taong nakasama mo sa pag-abot ng iyong tagumpay kahit wala na sila sa earth.

Seng Guan Ttemple

Kung Hei Fat Choi / Gong Xi Fa Cai sa lahat ng Filipino Chinese. Hindi man ako nakahingi ng ampao, sapat na po ang patuluyin ninyo kami sa temple at kunan kayo para maramdaman kong hey I’m Lucky Hoshi.

an area in Seng Guan temple

By the way, napuntahin din namin ang Residence of Higino Francisco na kung saan naitago ang orihinal na manuscript ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal.

Patalastas

Blogging entails photography and travel

Sa  ilang kong pagba-blog sa Hoshilandia.com, hindi ko inakala na ito rin ang maglalapit sa akin sa ibang interes – photography and travel.  Siyempre marami pa akong interes na naipapakita ko naman dito sa aspectos de hitokiriHOSHI pero dahil nga may effort and money portion ang mga passion na ito madalas ay naisasantabi. Pero ganun nga talaga ang passion e, nanganganak and nagagawan mo ng paraan para ma-explore pa.

Hoshilandia is different from my other blogs kasi nga I called it Personal Blog magazine. I want to bring interesting feature stories na personal kong na-experience  or interes ko rin.  Siempre sa magazine, hindi lang ‘yan puro text kailangan may kasama ring  clear and enticing photos. Hindi ka naman basta makakahanap ng maganda-gandang tanawin at interesante istorya kung nasa bahay at opisina ka, kailangan mo rin talagang mag-travel.

Hindi pa man ako believe sa galing ko sa photography kahit ang galing-galing ko na  at marami pa akong  dapat i-tour na lugar sa Pilipinas  at kahit sa ibang bansa (dapat magkaroon na ako ng travel fund) para naman masundan ko kahit isang step lang ng sikat na travel blogger na si Pinoy Adventutista. hehehe!

Kahit ito pa lang ang sense and purpose ng photography ko , I travel to learn muna, at kahit maraming nangyayari sa offline life ko, masaya ako sa tuloy-tuloy na buhay at pagbisita ng mga tao sa Hoshilandia.com.

Mabuhay sa ating lahat and

cute wall paint in a school in Binondo

周年快乐 (Zhōunián kuàilè)

or Happy  Anniversary 

Hoshilandian!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

5 thoughts on “Photowalk in Chinese New Year