Part time job, freelance, sideline, o side hustle ay isang good source of extra income especially if you think your salary is not enough for your needs.
Una kong na-experience ang freelancing na natagalan ko nang 9 months.Then after 2 years pagpa-part time habang may full time job naman ang ginawa ko. Honestly, hindi ko alam nang hardcore ang pinagkakaiba ng mga ‘yan pero ang alam ko malayong-malayo sa full time job. hehehe! Pero puwede ka kasing maging regular sa isang company kahit part time (oras ang usapan) mong ginagawa. Sa freelance job, per work ang bayad at sa sideline job parang combo lang nung dalawang nauna.
Why I’m doing sideline /part time job?
-
for Extra income – Yung totoo, may mas imi-major reason pa ba rito? Kung gusto mo pang umangat ang personal finance mo, isa na pagpa-part time job sa makakatulong sa iyo na matupad ‘yon.
- to Use my talent(s). Kadalasan sa regular job may isa o ilang passion mo lang ang nagagamit o kung minsan pa ay talagang pumapasok ka lang for the sake of money. If you think may chance to use your other talent(s) sa ibang pagkakataon, go for the gold! Ang talent hindi binabaon, pinagyayabong (Mathew 25:15-28)
- to spend my free time wisely. Sayang ang oras na ginugugol mo sa mga walang kwentang bagay. Hindi ka palaging bata, hindi ka palaging may pera, at hindi ka palaging may chance to prove your self.
- to Learn more. Hindi ka binabayaran ng isang company or isang big boss para ma-train ka kanila. Pero the more kasi napa-practice mo ang isang bagay at nakaka-meet ka ng iba’t ibang tao ay mas yumayaman ang knowledge mo.
Tama rin ‘yong binanggit ni Ms. Elizabeth P. Ong sa kanyang librong So You Want to Be a Freelance Writer , nakaka-humble and the same time nakaka-boost din ng confidence ang pagkakaroon ng freelance job. Nagpapakumbaba ka kasi alam mong ganito muna ang kaya mo at marami kang dapat matutuhan and nakakalakas naman ng loob dahil may nagagawa ka pang iba.
3 issues to face about part time jobs
So far naman, ilan pa lang naman yung bad experiences ko. Ang focus ko na lang ay sa maganda part at makapag-move na lang kaaagad sa pangit na karanasan. Iyong mga challenges at bad experiences ay motivation naman para mapabuti ang mga susunod kong trabaho o pakikipagtrabaho. Pero asahan na sa sideline job may chance na…
Poor coordination. Usually may point person ang mga freelancer at part timer sa isang company. Magulo na kapag ang point person mismo ang magulo at labo-labo na kung pati kumpanya ay ‘di rin maayos. Kapag ganito kasi naku-compromise din ang workflow and pati ‘yong talent fee. May horror experience ako na nalagyan ng maling info ang work ko, nagalit sa akin yung subject ko, at nung time na bayaran, ‘yong fee ko napunta sa ibang tao dahil lang sa magkaapelyido kami. Kahit magkasundo kami noong supervisor (hindi noong coordinator), hindi na ako umulit sa kanila. Horror eh! Rom-Com at Pang-action lang drama ko. char!
Too demanding sa Time / Pressure. Usually motivation ko ang deadline. Isa ‘yan sa tinatanong at kinaklaro ko agad para alam ko kung paano ko i-squeeze yung time ko (sa blogging, lakwatsa, social media, pagni-nail cutter, pagpapakain sa mga alagang aso etc). Pero may time talaga, sabay-sabay na may ganitong demand sa full time job mo at kailangan mo naman matapos kaagad ‘yong sa sideline mo. at Mas demanding pa yung sa sideline minsan.
Payment problems. Risky rin ang pagpa-part time. Ako, pinagbibigyan ko sa una ‘pag late lang ang bayad pero ‘pag palagi na at hindi ako binayaran sa una kong work hindi na ako uulit. Kung ano man ‘yong nakuha nila sa akin, eddie sa kanila na. Para silang nagnakaw ng isang basong gatas, puwede naman silang mag-alaga ng cute and healthy cow para mas maraming source ng gatas. Sa experience ko naman, digital na ang karma at dumudoble ang blessings.
Okay naman ang freelance job at pagpa-part time lang pero be ready rin at alam mo dapat ang pinapasok mo kasi ika nga mayroon din dry spell at solo flight lang ang drama mo. Masaya lang ‘yong hawak mo ang oras mo at marami kang nagagawang mga bagay-bagay.
HAHAHAHHAHA MJ masyado kang da best
“. Isa ‘yan sa tinatanong at kinaklaro ko agad para alam ko kung paano ko i-squeeze yung time ko (sa blogging, lakwatsa, social media, pagni-nail cutter, pagpapakain sa mga alagang aso etc).”
Pingback: business and money concepts - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: 7 Truths about Working in the Philippines | aspectos de hitokiriHOSHI
For me, blogging is one of my part time job. Actually, am a full time blogger. Haha. || Love Quotes Tagalog.
Hmm masarap damhin yan. gusto ko rin dumating ang point na pagba-blog na talaga ang main na ginagawa ko. hehehe
and i agree part time job na rin ang pagba-blog depende sa aim mo.
mabuhay!
Thanks for this informative post, madam hoshi. May ilan na din akong free-lance jobs na nagawa and tama ka, isa sa mahirap na harapin ay ang deadlines. 😛
Ok naman yung naging freelance job ko, ok ang simula pero sa dulo, nahirapan na rin ako sa pressure and deadline. Pero ok din kasi natuto ako and nagkaexperience. Plus nagkaroon din ng konting dagdag kita. Akala ng iba rin kasi, madali ang free lance job. Tipong mas libre ka sa oras. Yep, libre ka, libre ka na piliin ang oras ng tulog pero still, you’re expected to work full time pa rin to complete the job. 🙂
You welcome Sir Rogie!
oo kahit may preparation ka may time na halos isuko mo na kasi sa deadline. saka alam mo dapat ang ipa-priority mo sa iba. siempre yung full time mo di ba? pero pipilitin mo pa rin magawa sa abot ng iyong makakaya ang sideline mo kasi ayaw mong mapahiya. nung sabay-sabay lahat sukong-suko na ang katawan ko pero nung wala naman hinanap ng katawan ko. eheheh
tama. pero ang astig mo nga madam hoshi. Nakaka-curious din yang part time mo ah. isa ka palang voice over sa mga ad. at japanese pa? wow! anlupet. hehehehe. Ako naman, ang kakaiba sa mga nagawa ko nang part time ay ang magtranslate ng script ng movie from english/chinese to tagalog. Syempre di ako marunong mag chinese, may english subs pa rin pero sinasabay ko yung buka ng bibig nila para ma-dub sa tagalog. hehehe
parang mas astig sa iyo. gusto ko rin nyan! hehehe
tagalog nama yung ginagamit namin doon so hindi naman ganoon kahirap. hrap lang ako sa pagbigkas pag gamot at japanese terms. hehehe
bilib ako sau kasi nakakapag part-time work ka pa. if I may ask, ano po ang work mo na to? 🙂
salamat apollo! nung pinagsabay ko yung part time job ko at humintoako dahil lang sa personal reason, sobrang hinanap ng katawan ko na. Mas gusto ko ata ang busy ako kaysa wala akong ginagawa. tamad kung tamad kasi ako masipag kung masipag. hehehe
ang part time ko ay iba-iba. na-try ko na mag-voice over at magsulat for NGO / religious website.
voice over? sa drama sa radyo? haha! saan ko po maririnig ang voice over mo? 🙂
yung bayad na voice over, commercial yun sa TVC sa Japan. at pangarap kong mag-radyo. hahaha
malay mo, baka matuto sana! hehehe
di ba narinig mo na ang voice ko? ka-chat pa lang kita kahapon e. chuz! hehehee