Finally, after several days of thorough evaluation. Napagtanto na rin ang mga winners sa Blog Life Contest na aking ipinaskil noong Enero at tumakbo hanggang February 28. Gusto ko pa sana humirit ng another adjustment sa date ng announcement pero dahil ang pangako ay pangako. Gorah na!
Hep-hep s’yempre may konting palabok parang Opening remark ng isang Presidente, CEO, o leader sa isang ceremony. hohoho!
Bakit ako nagpa-contest?
(puwede nang i-skip kong nagmamadali) For your information po ay limang taon na akong nagba-blog sa kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com ( noong October 3) at three years sa hoshilandia.com (noong February 9) . Ano ‘yon ganoon na lang? Syempre hindi! October 3 pa dapat ito maganap pero dahil sa maraming kadahilanan, sawi ako. huhuhu! So bilang bonggang pasabog sa aking 2013, isinama ko rin ang pasiklab na ito sa puntong ito ng aking buhay (hohoho!). Ang tanong na “bakit ako nagba-blog” o “bakit ako magba-blog ?”ay ang kauna-unahan kong post sa wordpress na matagal ko na rin pinakikinabangan. Paano?
Minsan sa buhay ng isang blogger na gaya ko, darating ‘yong point na parang napapariwara ka. Iyong tipong ano bang iba-blog ko? Para lang dapat maka-hits or kumita? Tinatamad na akong mag-blog? Ano bang silbi sa pagba-blog ko parang wala naman kwenta sa iba? Dumating na ako sa ganyang point na parang sa isang tuktok ng isang bundok na may malakas na hangin, may mga maduduming dahon sumalampak sa mukha ko, at nadapa-dapa pa ako kaya gusto ko nang i-give up ito at tumalon sa bangin. Eh kaso binalikan ko ‘yong kauna-unahan kong post “Bakit ako magba-blog?” Parang muling sumilay ang araw, ‘yong dapit-hapon (sunset) naging bukang-liwayway (dawn) ang drama. Ayon!
Another remarkable experience
Noong una ay inakala kong lalangawin ang aking contest. Ang matindi pa noon hindi ko gaanong ma-promote dahil busy ako sa love life – work. Totoo na masaya na ako kung may 5 taong sasali sa contest ko at pipilitin ko sanang ma-achieve ‘yon ng sapilitan pero thank you sa mga contestants na sumagot sa aking panawagan.
This contest is not about popularity, more hits, or link building. I’m hypocrite kung ‘di ko naisip ‘yon but my real goal is to remind everyone. Teka once and for all bakit ka nga ba nagba-blog? May sense ba ito sa iyo? Nakikita mo bang gagawin mo ito nang pang matagalan? O ito ay isa lamang extension ng iyong online presence. Kasi kung ako ang tatanungin mo ngayon.
I blog because I like to share my interests, inspirations and aspirations to serve people. Since bata pa ako naniniwala ako na ang isang way to serve people is through communication. Kung hindi mo sila mapayaman, bigyan mo sila ng suggestion kung paano mag-invest. Baka wala pang nakakaalam ng kainan na ito, ng art na ito, ng event na ito- go blog about it. It’s free and wide ang scope- walang limited airtime, walang square meter or per inch sa paper. Ang saya ng feeling kung may matulungan ka, que mag-comment s’ya (pero sana naman ‘di ba). Que simpleng tao o promosyon sa kanyang negosyo.
Nangangati talaga ko gumawa ng audio-video presentation sa Youtube para sa lahat ng sumali pero mukhang hindi ko na matatapos ngayon at kagalitan n’yo na ako at hindi ako sumusunod sa deadline. hehehe
Criteria for Judging
__ may sincerity
__ Inspirational or motivational sa ibang blogger
__ Unique
__ na-touch ka (natawa, naluha, napangiti puwera nagalit o nainis)
Please rate the blogger from 1-10 ( 10 being highest)
10 – very na super duper muy bien pa (excellent)
9 – konti na lang very na super excellent pa ( superior)
8 – may potensyal itong blogger na ito (very satisfactory)
7- puwedeng-puwede (satisfactory)
6 – ayos lang di na masama (fairly satisfactory)
5- mabuti na lang okay (barely satisfactory)
4- okay na sana kaso sumablay ( unsatisfactory)
3- daming kulang ( failed)
2 – ano bang gusto nito? (poor)
1 – wala lang (poorer hehehe)
Winners
Top 1 :
To Blog or Not To Blog by Jerome Papa Lucas
Prizes:
- 2 first session Candela Laser (hair removal that eliminates unwanted hair permanently) sa Shinagawa Lasik & Aesthetics,
- Annebisyosa record album courtesy of VerJube Photographics,
- 1 LoadXtreme retailer card courtesy of Ah Jane Bussan,
- at
accessoryHoshi’s T-shirt.
Top 2
Talking to Myself Again by Bagotilyo
Prizes:
Paris Amour/ Bath ad Body works courtesy of Scentsational Shop
Kiko Machine book Vol. 6 – courtesy of IamStorm.com)
2 Wacoal vouchers (worth 300 php each) – courtesy of Fil-Jap Magazine and Filipino-Japanese Journal
Hoshi’s T-shirt
1 LoadXtreme retailer card
Top 3
The Unique Form of Art by June
Prizes:
1 Wacoal voucher – courtesy of Fil-Jap Magazine and Filipino-Japanese Journal
1 metal magnetic bookmark – courtesy of IamStorm.com
1 Hoshi’s T-shirt
Note: Ang mga prize ay hindi convertible sa cash. Puwedeng i-share sa ibang co-blogger ang prize. May matutuwang nasa Japan lalo. hehehe!
may 2 akong bibigyan ng special prize to follow po ‘yon at kung bakit .
Winners! Please give me your email winners or contact me –
email: hitokirhoshi@gmail.com
twitter: @hitokirihoshi
facebook: hitokirihoshi laurence
Pingback: 4 Things You Must Know about Owning a website | aspectos de hitokiriHOSHI
Ang gagaling ng mga sumali. Kaaliw basahin. Congrats sa lahat ng kalahok at mga nagwagi.
Sya nga! Maraming salamat sa iyong pagbati at pagdalaw diwangtanglaw!
Welcome sa Hoshilandia Jr!
Ngayon ko lang naisip na parang mali na may lalaking nanalo ng Wacoal vouchers. Unless ganun ang trip nila. Sa pagkakaalam ko, wala naman silang tindang brip. LOL.
Anyway, a very belated congratulations to all the winners!
Medyo awakward nga rin pero yun ang prize e. at least may something silang nai-share sa mga babae sa buhay nila di ba. Yun mismo ang sinabi ni Bagotilyo. hehehe
Pingback: Dear Diary | aspectos de hitokiriHOSHI
Congrats winners! \m/
yeah! Mabuhay din sa iyo Joyo. Tandaan mong maraming nagkagusto sa iyog sinseridad at paraan ng pagpapahayag ng sarili hindi lamang sa judges kundi sa amin ding mga mambabasa.
Naway hindi ka magsasawang mag-blog and mabuhay!
congrats sa mga nanalo… yang si jero at bagotilyo, mahuhusay talaga yang mga yan… congrats din kay june..(though di ko pa napupuntahan yung blog niya).. at congrats din sa yo, hoshi.. 5 taong pagkakalat ng kasiyahan sa blogosphere..
Salamat lipadlaya! wahhh sobrang like na like ko ang comment mo!
congrats sa mga winners!!! alam na share the blessing hahaha!!!
korek! bahaginan ang nagpanalo sa inyo. hohoho! si axl naman daw ang magpapa-contest. heheh
congrats sa mga nanalo. congrats din sau hoshi sa patimpalak na to. 🙂
Maraming salamat Apollo! Kung sumali ka at o naging judge siguro dapat magpapasa na ako ng true picture tas naka-jump shot. hahaha
Congrats winners 😀 Sayang! Di ako nanalo haha.
Okay lang yan Reyn sila lang yung may prize, pero ikaw rin isa sa winners.
Mabuhay sa lahat ng bloggers na kagaya mo.
Pingback: Talking to myself again…. | Bagotilyo
congrats sa mga winner!
yeah Congrats sa kanila at sa iyo rin Cheesecake. Kung may top 5 or top 10 dito pasok na pasok ka.
Hey cheesecake thanks sa pagdala sakin sa contest through your entry. Sayang yung aim natin na pa-laser sa kilikili tsk. 😀 pero panalo yung entry mo, alam mo yan. 😉
ah si cheesecake pala ang recruiter mo sa contest. Nakakatuwang malaman yan. Uso talaga ang instant networking sa blogging. I love it!
Binasa ko talaga word per word at unti-unti akong nagscroll to add thrill to my already suspenseful feeling and it paid off kasi it ended with a wonderful surprise. (at least for me 🙂 )
Tumindig balahibo ko dun sa rason bakit ka nagpacontest at sa remarkable experience kasi nakarelate ako ng sobra at nagulat din ako sa success ng pa contest when it comes sa participation. Dinagdagan pa ng mga bigating judges.
Maraming Salamat sayo Hoshi sa opportunity na ibinigay mo…. dami kong gustong sabihin pero dun ko na lang sasabihin sa blog ko para mas lubos kong maipahayag. Congrats sa mga deserving na winners, karangalan kong mapasali sa inyo. Humbled ako sa dami ng magagaling na entry na sa tingin ko rin ay panalo in their own rights.
Congrats Hoshi sa success ng iyong pa-contest. Di ko inakalang ganito ito ka engrande dahil sa dami ng sumali at sa dami ng distinguished judges. Dun pa lang successful na ito. 😉
nakakahaba ng hair, nakakabatak ng pisngi at nakakaganda naman ng araw ang iyong comment.
Una sa lahat maraming salamat sa iyong pagsali sa pa-contest na ito. ikinagagalak kong makilala ka dahil dito at malaman kung gaano ang kagustuhan mo sa bagay na ito.
Salamat din sa iyong pagbati at dito ko na masasabi na oo nga matagumpay na nga siya. wahhh! Ganito pala ang feeling ng nagpapa-contest. Masaya na pero parang hindi pa natatapos hangga’t di ko napapadala sa inyo ang inyong pa-premyo.
Mabuhay!
(binasa ko ulit yong post. wahha dami errors, naalala ko yong post mo. nahiya naman ako. hehehe)
wow! nanalo me?? I cant believe it. hahaha
salamat (magandang hoshi) , salamat sa lahat ng hurado , salamat sa blog , salamat sa mga bloggers at salamat kay Lord sa lahat lahat. 🙂
naku kahit 5 pa lang ata yung na-tally ko na score from the judges namumuro ka na e. akala ko nga ikaw na e.
walang ano man and more power sa iyong pagba-blog. wag ka sanang magsasawang kilitiin ang aming diwa.
ang pogi mo! masaya ako at ikaw ang nagwagi! 😀 great blog contest, hoshi!
hahaha yan talaga ang laman ng comment mo PM. mabuhay sa poging-poging si Bagotilyo.
Parang dalawang beses ako nanalo. ba nman tinawag akong pogi ni PM .. wahhaha 🙂
Cheers!
wala na lokohan na ito. hahah. joke!
‘indi lang pogi si bagotilyo, baka ibigay nya rin sa ‘kin ang bath and body cologne (gusto ko ‘yong cucumber and melon, may specs pa talaga)at wacoal vouchers, di ba, brother john? yihee! dyok lang, alam ko, may sister and madir ka, tyak na matutuwa sila sa mga papremyo ni ate hoshi (naki-ate, haha). hi, hoshi, nakikulit lang… 😉
wahhh ate!! hehehe. oo nga matuuwa ang mga BABAE sa BUHAY ni BAGOTILYO
natuwa na sila ermats at dalawa kong kapatid….
hhahaha XD
hello, hoshi… congrats sa mga nanalo. 🙂 nakow, di nanalo ng laser si potski kapatid, sayang. pero sana, mabigyan mo sya ng cd ni anne curtis. di ko alam ang rhyme or reason ba’t gusto nyang marinig ang boses ng nasabing recording artist.;) pero, knowing Potpot, may dahilan sya, pramis… 😉
ahaha, winner ang entry ni june. matutuloy ang pa-ice cream nya, pag nagkataon, hihi. at, may libre na naman ako kay bagotilyo, hakhak. 😉 di ko kilala si jerome, pero i guess, magaling ang entry nya (parang nanalo na rin yata sya dati sa ibang patimpalak). 🙂 congrats sa kanila, ampopogi… 😉
at talagang nag-midnight madness ang may patimpalak, whehehe. 🙂
korek midnight madness ako kagabi kasi gabi na lang talaga ako nkakapag-online ng bongga saka ni-secure ko yung mga pa-paremyo.
Maraming salamat ulit sa iyong pagsali apart from kay kuya potpot, ikaw ang impluwensiya ng iba para sumali. hohoho!
Mabuhay
hello, hoshi… medyo naawa naman me sa ‘yo, di ka pala gaanong nakapag-promote dahil nga busy sa lovelife. 😉 whatda… ang importante, naka photo-finish ka, kapatid…
sobra akong naaliw sa criteria for judging – ang smart na, sobrang mapanlait pa, whehe. malamang, mga 6 ang score ng entry ko, hihi. yon ata ang pinakagusto ko – antaray lang, hihi…
you are welcome. naimpluwensyahan din lang ako ni potpot at ng iba pa. btw, bet ko rin ang write up ni joyo. i grant na pogi sina bagotilyo pero maganda ring magsulat si joyo girl. naaliw ako na sumali sya, isa pang tamaritis mag-blog lately, hehe. 🙂
saka si tsinelas (finally, nabuhay ang blog nya, haha). o, sumali rin pala si eirene. nakng, andami mo palang napasali, hoshi. for that alone, winner ka na… ^^
congrats on your 5th year, more writings! 🙂
Salamat sa iyo at mabuhay sa resulta ng patimpalak. i wish sana mapaabot ko sa lahat kung gaano ako ka-thankful.
Yan si joyo bet din yan ng ilang judges. kung ang contest na ito ay may top 10 or top 5 pasok siya.
hahaha naaaliw ka ba. pero alam mo kahit ganyan ang scoring nahirapan din ako sa math. ha. hehehe
Yey! Congrats sa mga nanalo. At binabasa ko na ngayon ang kanilang mga entries. Salamat din sa patimpalak na ito Madam Hoshi. Napakamakabuluhan. Congrats din sa yo sa isang matagumpay na blog contest. 🙂
Salamat Sir Rogie siempre tats ako sa word na “napakamakabuluhan.”
Yes basahin mo ang kanilang mga post at kahit iyong ibang sumali sobrang ang gagaling nila lahat.