5 Online Buying Tips


Sa tindi ng power ng social media and digital marketing, marami ang nadadale to try and buy online. Good news ito sa point na at least Pinoys know how to maximize yung potential ng Internet- yong convenient  na nagagawa nito nito para makatulong sa lifestyle. But wait, of course hindi magiging smooth ang lahat kung hindi mag-iingat dahil ang totoo marami ang mukhang maganda sa digital marketing pero lagpak sa customer service.

1. Janette Toral E-commerce class 2Check the reputation of the site.  big name doesn’t mean reputable especially sa online. Kung sa personal pa nga lang na pagkuha ng gamit ay sumasabit na what more sa basta lang ipapadala sa iyo. I actually avoid yung mga blogs na  ang laman ay puro rant pero if nakikita ko masyado nang maraming rant laban sa isang product o company,may something na yun.

and for me maraming online sellers na small time pero mapagkakatiwalaan at magaling sa customer service, kinapos nga lang talaga sa promotion.

2. Check the actual price of the item you want to buy. don’t settle sa iisang site na sinasabi na you get discount kapag bumili ka sa kanila. Kasi ang totoo, mataas pa rin ang benta nila kaysa brand new price na makikita mo sa mall at lalo na sa mga underground market. Pero mayroon din  naman na talagang nagbibigay ng discount kaya I recommend na pagkatiwalaan  yung site or online seller na willing kang i-welcome sa office nila  at hindi ka lang puro tumawag o mag-email sa customer service.

3. Don’t start by buying an item that has big amount or bulk purchasing. Huwag atat mamili lalo na kapag hindi mo pa subok ang company. Pero kung kating-kati ka na i-try, maganda ay simulan mong bumili ng item na maliit ang halaga na pasok doon sa free delivery nila. Minsan din okay sa simula pero ‘pag nagtagal papangit na yung service, so kung bibili ka ng malakihan or maramihan medyo tantyahin mo rin ng matagalan.

4. starbucks paper bags 2 Secure every details or keep all the evidences. Importante sa importante ang resibo at  messanges na natatanggap from the sellers. This way hindi ka dehado, hindi ka mawawala at  may papel kang isasalampak sa pagmumukha nila ‘pag reklamong -reklamo ka na hehehe. Saka ultimately, ‘yan din naman ang hahanapin sa Baranggay outpost, presinto ni Hepe, mesa ni attorney o hapag ni Judge.

5. Check online but go out and buy in the usual way. Maganda ang nagka-canvass online to check yung specs, saan magandang bumili at magkano yung ideal na presyo. Pero wala na sigurong mas secured doon sa ikaw mismo ang titingin sa physical store. Nahahawakan mo ang item kahit ikut-ikutin mo pa. Mas nakakapamil ka rin ng kung anong color o kung ano pa ang magandang brand pa. The advantage of online shopping is  convenient na makakabili ka sa pag-click lang pero sa offline buying  ay mas safe ka naman. Gumastos ka man sa pamasahe, mas ayos naman ang makukuha mong item at tatagal.

Patalastas

Aba kahit may mga refund and return something ang mga online shopping site, abala pa rin yun at gastos sa bandang huli sa customer. May experience na ako dyan.

(Visited 332 times, 1 visits today)


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

5 thoughts on “5 Online Buying Tips