Side B: Joey Generoso, former Side A Vocalist


Hold On, Tell Me, Ang Aking Awitin, So Many Questions  and Forevermore  ito ang mga  palagi kong pinapakinggan kanta ng Side A band.  Classic, soothing at nakakadala sa ibang dimension kahit nasa traffic ka o nabubuwisit na sa haba ang pila.  Isa pa’y maganda talaga ang boses ng kanilang former vocalist na si Joey Generoso.

Joey G meets Hoshi

Pagdating sa local band pinaka-favorite ko noon ang Rivermaya lalo na nung nandoon pa si Bamboo Manalac at Rico Blanco. Pero isa sa trip kong grupo rin ay ang Side A. Na-amplify pa yun nung magkaroon ako ng chance to talk with Mr. Joey Generoso sa isang biglaang pagkakataon. Ang totoo n’yan ay iniisip ko na baka suplado siya sa personal pero hindi naman. Sa kakatsika nga n’ya ay nalaman ko pa na gusto niyang magnegosyo  that time ng isang pet shop.joey-generoso-by-hitokirihoshi

Few years ago na nang mangyari iyon at hanggang ngayon ay naalala ko ang mahaba naming conversation. I’m honored na makausap siya exclusively at hindi mangiming humingi ng 2 wacky este kalog shots. Hohoho! Matanggakd s’ya at casual kong manamit, malayo sa impression ko dati. Pero one thing na totoo sa ideya ko sa kanya ay ang lalim ng passion niya sa music at OPM.

Bago iyong moment na iyon ay napansin ko na halos parati s’yang solo kung  mag-show. Kaya natanong ko siya kung kumusta na ang Side A. Sabi niya at that time ay intact pa rin naman sila, marami na rin ang pagkakataon na nagkaroon siya ng solo gig at kung may nag-retire man like Joey B (Benin) ay in good terms naman sila.  In fact, isa yun sa nagustuhan kong part ng pag-uusap namin.

Why Joey B left the group?

 

Noong nag-i-start pa lang daw ang Side A ay nag-set na ng goal si Joey B na 20 years lang s’ya sa pagbabanda na ginawa naman niya to take care of their farm somewhere in Bacolod and his family. Such a noble man indeed, ipina-reflect niya sa akin na sa buong buhay mo at ano man ang career ang pini-pursue mo uuwi ka rin sa pinakamahalaga sa iyo at lahat ay may takdang oras. By the way, Joey Benin was the prolific songwriter of the group, siya ang sumulat ng Forevermore.

Hold on

Kino-contest din ni Joey G ang ideya ng iba na ang mga nagbabanda ay mabisyo at maloko. Sabi pa nga niya ay mas naging matino siya pagpasok niya sa Side A lalo’t mayroon pa silang mga bible study at sa guidance na rin ng namayapa nilang manager na si Wyngard Tracy.  Dagdag pa niya yun din daw ang tingin niya na secret ng isang matagumpay na banda, dapat may matino kang manager.

Tinanong ko siya kung ano ang pinaka-special or at least memorable na kanta ng kanyang band. Sabi niya ay Hold on. Yun din daw kasi ang first time na kanta nai-record n’ya at napakinggan sa radio. Then one time daw na namalengke sila ng wife niya, napakinggan niya ang isang batang tricycle driver na kinakanta ang Hold On.  Kaya nasabi niya sa sarili niya daw na “Ito na nga ata yon, I think I made it.”

Patalastas

Next na doon syempre ang all-time favorite original song nila na Forevermore na nagdala sa kanila ng iba’t ibang karangalan at yes, maaaring saving grace nila ito after ng Hold on. Take note 2 hours lang daw na-compose ‘yon.

Joey G and his music

Hindi raw s’ya mahilig sa gimik at ayaw niyang abusihin ang kantang katawan kaya nagwo-work out din daw siya at nagpapa- check-up para maaalagaan ang kantang boses. Second year high school daw siya nang mag-start na tumugtog at kumanta. Nag-start sa P40 ang kanyang talent fee at sa kanyang  work/passion na iyon nanggagaling ang pang-tuition niya sa kanyang pag-aaral sa University of Sto. Tomas (UST) noon. Sagot n’ya sa mga bad impression about musicians like hindi makakabuhay ng pamilya at adik? Nasa kanila iyon, kung ano ang path na gusto nilang i-pursue. Kailangang maging strict ka rin sa sarili mo.

Mabuhay kay Joey G at sa OPM!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Side B: Joey Generoso, former Side A Vocalist

  • sasaliwngawit

    hello, hoshi… musta? ang ganda ng post mo, girl. ay, ganto, may wento rin ako sa yo re: Joey G (ako na ang maraming wento at engkwentro). eniwey, hiwey, i also met him in several instances, o di ba? sa cubao… nag-board ako dati sa isang medyo luma (post-American) na house doon. the owner happens to have a niece from abroad na singer, came back to sing at hotels here. kasama at kabigan ng niece si Joey G. so, ayon, medyo madalas si Joey na pumunta roon sa house nila at nagpa-practice sila sa piano after lunch. noon at doon ko nakikita ang famous na noon – si Joey G. hindi sya maimik, pero okey naman… minsan, sya pa ang nagbubukas ng gate for me, hakhak. ayon. i guess, di sya ma-ere – magbukas ba naman ng gate para sa isang morose at payat (noon) at nobody na gaya ng lola mo? magaling sila pareho (noong niece). minsan, nakikinig ako sa kanilang dalawa, ako lang, haha. sila na ang musically-inclined at artistic. the niece is your typical cono but simple pero raised in America na. close silang dalawa… i had to leave the place after a year so di na ako updated. basta, natatandaan ko, matagal-tagal na madalas kong makita at marinig ng malapitan si Joey G na kumanta ng Forever More. yesyo, matangkad sya at may tindig… ayan ang wento ko, hehe. regards! ;):)

  • Rogie

    Ang Side A ay isa sa mga banda na kahit ano pang genre ang trip ng isang tao e hindi puedeng hindi niya kilala, napapakinggan at nagugustuhan. Suerte mo naman madam hoshi. nakarubbing elbows mo ang isang Joey G. 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      salamat Sir Rogie! Oo nga nasuwertehan lang na makadaupang palad ko sya. masarap talaga silang pakinggan pangkalma at pang umay sa mahabang byahe hehehe

      mabuhay!