5 Unique Selling Points You Need To Know


Not all folks can do selling  nor  be expert in people skills…like me. “But by faith and not by sight”, I have  personal selling experiences because of  connections-slash – friendship. Pero as we all know, may businessmen na rich and famous not only because they know kung paano makibeso-beso,  makapag-shake hands or mag-spark ng hot topic? They know their Unique Selling Points!

People/ Social Skills

Malawak na paksa ang socialization kung ito ang foundation ng iyong business or career. Pero napag-aaralan naman ito at maaring gawin, now na! Because you can’t sell (small time or big time) without socializing. Kung sa pagko-convert ng negative to positive, dapat sa mga chismosa ay sa halip na mangalkal ng istorya ng iba ay maging reviewer na lang ng mga products sa merkado.  Magagamit doon ang kanilang pagiging critic and reporter.

Natural Talent

Kung hindi man entrepreneur ay ilang celebrities ang maaaring mapabilang sa  list of rich people dahil sa kanililang skills or talent. Hi Pacman!  For me that’s a very lucky thing in life. Alam mo yung nasa iyo na ang gift, gusto mo ang ginagawa mo at pinagkakakitaan mo pa to the highest  level. Kaya naman, I encourage yung mga parents na suportahan ang talent ng kanilang mga anak. Hindi man ito ikayaman nila sa salapi, ikakayaman ito ng kanilang pagkatao.

Pero dapat magkaroon din ng right mindset para sa aspeto na ito. Kasi hindi lahat nakukuha sa talento lamang.  Kailangan naroon ang pagma-match sa sitwasyon at tamang pagpo-promote sa sarili. ” hello I’m a blogger, cutie-cutie ako in person- mga ganung level. hohoho!

Reliable Service

There are people who don’t have amazing skills and talents, but famous naman sa pagiging madiskarte at professional.  Marami akong kakilala na ganyan na talagang successful sa buhay at champion ng masa. Sila ang lalapitan mo ‘pag may kailangan ka at kahit siguro mas mataas ang singil nila sa iyo, hindi mo sila bibitawan kasi pinagkakatiwalaan mo sila pagdating sa quality service.

 Knowledgeable

Ito mas marami naman akong kakilala na parang masungit in person pero you can’t help but to respect them. Ito ay dahil napatunayan na nila ang kanilang pagbibigay nang mahusay na payo, patas na opinyon at malalim na pag-aaral ng mga bagay-bagay.  Siempre I wish hindi ka maging suplado at antipatiko pero usually ang pagiging maalam ay nagmumula sa -Reading of different relevant materials, being updated sa current events, and knowing  alin ang fact at myth.

Mind Museum’s Life Gallery – The Brain

 Visionary/ Creative

First and foremost, dapat alam ng isang tao kung ano ang pagkakaba ng ambisyon  sa ilusyon, ng goals sa wishes, at ng like sa love. Well  napakadaling madala kasi sa busgo ng passion na  sukat na mawala ka sa alignment ng reality at sa malalang side ay nilalamon na ng pagiging greedy.

Patalastas

Pero with  right actions and positive mindset napakaigi na maging resourceful, creative and visionary. You know what you want to do sa future that’s why you can set short and long term goals at kahit with matching storyboard pa. Isa pa, maraming pioneer na pinagpapalang maging mayaman dahil sila ang nauna at kahit may mga dumating pang new competitors.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “5 Unique Selling Points You Need To Know

  • Rogie

    I hope I can master at least one of them. And yes, importante ang selling. Kahit saan may selling na nangyayari. Akala ng iba sa mga nasa sales lang meron yun. Kahit tayong mga karaniwang empleyado, meron dapat nun. Binebenta natin ang skills natin sa employers para makakuha tayo ng gusto nating trabaho. Kahit pa gano tayo kagaling kung di natin kayang ibenta ang alam natin,wala rin. 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      tumpak ka ng bonggang-bongga sir rogie. minsan kahit sa street lang o sa mall. if you don;t know to sell/ market your personality. olats mamaliitin ka.

      mabuhay!