Blogging for Public Service


Due to work schedule, unfortunately ay hindi ako nakasama sa iBlog 9 summit  di tulad nung last sa iBlog 8 (ano pa nga ba e ano?!) And since hindi ako nakasama ay naisip ko noon na what if kunin akong speaker, siguro I’ll talk about Blogging as a Public Service. Isa itong paraan para makatulong sa mga tao kahit gaano kababaw o kalalim ang impormasyon na maiko-contribute mo.

Online Publishing is Informing the Public

Even sa rant against bad customers service ay nakakapagbigay ka ng idea sa iba kung ano ang maaasahan nila sa isang company. Karamihan ngayon ng Netizen ay nagtse-check muna online before they decide lalo na kung maituturing na venture o investment ang kanilang concern.  Isa nga sa ikinasisiya ko na minsan sa halip na ako magbigay ng info ay ako pa ang natutulungan sa pagba-blog.

Isang halimbawa na rito ang paghingi ko ng opinion lalo na kung may kinalaman sa gizmo like what I did when I bought my laptop aka Hugh and before I purchase my tablet.

Blogging, an outlet  to inspire people

Hindi lahat ng nag-o-online ay masaya, may clear/ positive intention kung ano ang kanilang ibig at puwede ring naghahanap sila ng parang wala naman talaga.  I have experiences sa pagtanggap ng  “thank you” comments pero sa iilan na ‘yon ay sobrang nakakataba ng puso.  Yung may magsabi sa iyo na naliwanagan ako,  na parang gusto ko rin mag- invest sa stock market o magnegosyo, at masubukan nga  yang idea na ‘yan. Most of the time sa isang simpleng linya nag-i-spark ang imagination, realization, and action.  At personally,  marami akong hindi  na imagine na puwede palang gawin courtesy ng mga nababasa ko sa kapwa ko mga bloggers.

Laughter is the medicine… in Blogging

Kilala mo ba si Professional Heckler? Alam mo bang may blog si DJ Chico Garcia of RX? Pupu Series ni Hitokirihoshi?

Masarap  magbasa ng libro, ang ma-try ang mag-comedy bar, at puwede ring manood ng sitcom pero dahil marami ang may hectic na sked,  online na lang lahat  ata kahit pagkukunan ng tawa.  And kahit na iyong talagang hindi komedyante sa  personal ay malakas pala ang sense ang humor.  Ikaw puwede mo ring i-try para naman kahit man lang may isa kang tao na mapangiti o mapahagikgik.

 Bridge for Filipinos around the world

Ilang bang blogger na active na nasa ibang bansa pala. They share their experiences sa kanilang kinalalagyan, ng kanilang mga hinaing, pangarap at kung gaano kasaya na may kausap na kapwa Pinoy. Ikinasisiya ko rin ito, mas lumalawak ay pagtanggap mo sa iyong sarili at sa iyong lahi. Siguro napag-uusapan madalas kung ano yung pangit pero ang reality gusto lang natin mabago ang nakasanayan na hindi maganda. Balikan ang mga nakaraan  para mapaghusay ang hinaharap at  maki-update sa kasalukuyan.

Patalastas

Kaya nga rin gusto ko ang nagba-blog sa Tagalog at magkwento tungkol sa ligid-ligid ng Philippines, parang ka-kwentuhan ko lang ang mga kapwa ko Filipino. Mabuhay!

Promote  Filipino arts, business, travel sites and personalities

I think ano man lengguwahe ang  mabasa rito,balbal or formal, lalabas pa rin kung ano ang pinapaboran ko because  mas feature writing ang blogging kaysa documentary (ibigay na natin sa mga batikang news sites yun).  At  masarap makatulong sa mga establisyemento na gusto mo naman ang service, ang mga sining na maaaring sikat o hindi pero naipapakilala mo sa madla, mga lugar na dapat puntahan ng ating mga kababayan at mga personalidad na hindi man artista ay nagbibigay ng naiibang karakter.

naku makayanan ko kaya mag-present shy type pa naman ako. hahaha! Mabuhay sa mga Filipino Bloggers around the World!

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Blogging for Public Service

  • William Rodriguez II

    Wow, magandang adbokasiya nga na ang pagba-blog ay isang anyo ng public service. And tama ka marami ka ring matutunan sa mga kapwa mo blogger. Talagang ang mga tao ngayon ay puro online at nagbabasa-basa kapag may time.

  • Janette Toral

    We missed you Hoshi at #iblog9 🙂 I suggest submitting a topic proposal when we open our call for speakers for #iblog10.

    • Hitokirihoshi Post author

      masyado pala po ako na-overjoy sa inyong comment sa blog ko at ngayon ko lang nakuhang mag-comment hehehe.

      Salamat-salamat po sa inyo, sige po pag-iisipan ko yan at sana buong-buo ang loob ko.

      mabuhay po sa inyo at iBlog