There were nights when the wind was so cold, then heavy rain is pouring tapos olats walang ilaw in short brownout. All you can do ay magsindi ng candle and watch the gamu-gamo flying around. Sa mga punto nga naman na ganito ang buhay, you’ll be aware of the basic things -kung paano ka mag-consume ng electricity and makita ang bagay na dati dehins mo pansin like paper games.
Before PSP (yehey mayroon na ako PSP Slim), PC Games, Play Station and even Brick Game, nauso na rin ang paglalaro gamit ang mga papel. Madalas pampalipas oras ito ng mga estudyante ( kasi sila may paper and pen?!) at in general may mga mapagkatuwaan lang. Na-miss ko rin ito kahit papaano, kasi biruin mo kayo-kayo lang ang nagpapapelan, toink!
Hangman
Actually sa PC ko na napagtanto na Hangman ang pinakasikat na tawag sa guessing game na ito. Wala naman kasi kaming dino-drawaing na kahit ano, kapag may maling tanong o tama. hehehe! Pero malamang pag sa akin patiwakal na si Hangman damay pa si Hangaroo.
Ginagawa ito ng higit sa dalawang manlalaro na kung saan maghuhulaan ng word na kanilang naisip. paisa-isang tanong ng letra hanggang sa mahulaan na ng kalaban ang word na pinapahula ng kalaban.
SOS
Ito pag hindi mo pa nalaro malamang ayaw mo sa scratch paper. hehehe! Pabirito naming gawin ito dati lalo na sa mga math notebook kasi may graph na. Pero mayroon naman, wow graphic artist, effort na mahahanap ng makulay na pen at ruler para gumawa ng sariling graph.
para lang itong shorter and basic version ng Bingo, Candy Crush, Bejeweled Blitz, XOX at POP (wala maiba lang ng letter hehehe).
Domineering
Minsan ko lang nalaro ito pero masaya naman ata. Ewan olats lang din ako sa pag-connect ng mga dots. hehehe! Magagalit sa akin nyan si Manong Steve Jobs. Pero in away madali rin ang domineering que laruin o gawin sa papel. basta tuldok lang nang tuldok tas connect-connect.
ito ang games ko, what’s yours?
Pag brownout? Natutulog na lang ako, o magpapahangin sa labas hehehe
ah yan ang isa numeroing option pag hindi mainit sa loob ng bahay at gabing-gabi na. hehehe