Incidentally, My last day sa new Job ko in Makati ay sa exact date ng death anniversary ni Daddy and my Ate Vic’s Birthday… special din ano? I have reasons kung bakit na eventually ay ire-reveal ko rin sa mga susunod na araw or unti-unti dito. For now let me tell you about my emo-type senti-senti trip in Makati na na-realize ko for months.
ATMs Everywhere
Na-experience mo na ba na paglabas na paglabas mo ng pinto ng office n’yo may 3 Automated Teller Machines na bubungad sa iyo? Ganyan sa Makati parang hindi matatapos ang isang block na walang ATM lalo na ng BDO at BPI. Dito ko na rin nasubukan ang mag-deposit sa BPI Deposit machine. Well, puwedeng sabihin na nakakagastos ang mga ‘yan pero sa kagaya ko na thrifty it helps. how?
Hindi ako nagwi-withdraw ng perang hindi ko need parang kino-kondisyon ko ang utak ko kung ano yung nasa wallet ko yun lang ang pera ko. Ngayon mas nagiging at ease ako na hindi naman ako mahihirapan just in case na mag-short ang aking allowance ‘pag may ATM na sa tabi-tabi. Safe din na wala kang cash na dala ‘di ba?
Tissue and Hand Sanitizers
I don’t know sa ibang gusali pero sa Enterprise Building, mayroong available na tissue at hand sanitizer sa bawat cubicle/ comfort room. Laki rin ang natipid ko sa tissue na usually part ng aking weekly budget. Parang yung isang pack ng coreless tissue ko na worth Php 48 for 10 days ay naging lagpas isang buwan, depende sa tawag ng kalikasan sa labas ng building. hehehe! Gusto ko rin purihin na laging naglilinis ang kanilang mga staff. Good job!
Daming gwapong nakasalamin!!!
Hindi ako iyong matili o fan ng fairy tales na may ideal guy na ala Prince Charming pero ewan ko sa pagka-boyish ko weakness ko ang lalaking nakasalamin. Hindi naman yung mga makasalamin lang at lahat ng nakasalamin pasok. Basta, may tamang look na maputi, nakasalamin, maayos ang hair, parang funny, malinis at medyo rocker. Parang ganun ang trip ko na lagi akong nakakakita ng sample sa Makati with or without kurbata ha. kileeeg
One Bus <Long> Ride
Typically it takes 2-3 hours ang viaje ko everyday going to Makati at pauwi sa Quezon City. Nung magpalipat ako ng 7am to 4pm mas masarap kasi kaya na ng lagpas 1 hour. Para sa iba siguro sasabihan ako na mag-MRT na lang kasi mas mabilis ang viaje at sayang ang oras. Pero ganito kasi yan:
- Pagsakay ko ng bus sa QC baba lang ako at tatawid sa underpass sa Paseo de Rox then The Enterprise Building na. Kahit umambon, kahit magtalukbong lang ako- hindi ako gaanong mababasa
- Dahil madalas puyat at pagod. Nakakapag-power nap ako sa bus. Ingat-ingat lang sa mga mandurugas.
- tayo-tayo at siksik lang ang stress
- may panood pa ng movie, tv show at kabuskada hehehe
- Ilang blog post ang naisulat at e-books ang nabasa ko sa bus.
Walkway
Napaka-convenient ng pagkakagawa nito na kahit wala kang payong ay hindi ka mamomoroblema. In fact dahil hindi ka akyat-manoog hindi mo napapansin na malayo pala talaga ang Glorieta sa Paseo. Then kunting tumbling at kembot lang nasa Landmark, SM Makati, at Greenbelt ka na.
Convenient Stores and Fast Food
Ito na ang nakakataba at nakakagastos na part pero aminin, malaking relief sa stress at nagugutom na tummy. Dito ako nag-gain ng weight kahit hirap akong kumain because of my braces. In fact, isang escalator lang may food court na or konting lakad pa mayroon pa ulit sa Landmark. Gusto ko pati ang WiFi connection ng iba sa kanila. ‘Di ko pa nata-try ang mag-jolly jeep. Bukod sa walang kasama ay takot ako kasing madalin g madale ang tyan ko na may kakaibang sistema.
New Friends/ Office-mates
Walang saysay ang lugar kong walang magandang experience at makakadikit na tao dun ‘di ba? Kahit ilang months lang kami naging lunch mates or magkatsikahan I miss my office-mates (Bill,Ochelle, Cristal, Macci, Anna,Ms. Vetch, Dyosa, Sir Jerms, Bob & Rubi, Shelly, Madam Mich, ate Tess, 2 Kuya sa lobby,Nanay Ba, Ms. Sheryl, Dianne, Weng, Ma’am Ghie at saka paalam na rin sa iilang boys though minsan ko lang nakakausap – and Boss <hohoho! ). and of course special mention si Madam –the lehitimong tege Meketi na si Claudia- My sister, adviser and blessing sa MD.
Parang ang layo ng QC sa Makati, ano at parang makakaalis ako nang …agad-agad. Pero better na i-express ang appreciation ‘di ba? Saka feeling ko rin magpapabalik-balik ako sa Meketi. Hello dapat lang ang business woman dapat nasa business district parati charr
MABUHAY!
Makati is the first place in Manila that I’ve ever visited. More than a decade ago, I worked in Ayala Center Cebu as a regional marketing assistant, and we went to Manila for a sales blitz. With all those tall buildings, shopping malls, etc., I was truly mesmerized at the ultramodern Makati. Although it is now “overtaken” by new business parks, it is still a great place for urban adventures.
Mabuhay thank you for your visit here in hoshilandia!
You are correct, we have BGC, eastwood city, ortigas, and UP Ayala. But for me in terms of offices, business, and commercial establishments; makati is still the leading one. Yun lang it takes heavy traffic to travel here. dun na ako sumuko. 😉
Pingback: on Freelancing, Homebased Business and Digital Marketing | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: Aromatic and Pleasing Coffee Madness | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Where to avail convenience nowadays? | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Where to avail convenience these days? | aspectos de hitokiriHOSHI
Maraming tenk you sa iyo …. naluma mo ang message in a bottle teh!
npakagaling mong magpahatid ng mensahe…nagtagumpay kang ipahatid sa
akin ang mensahe na di mo nasulat dahil puno na ang iyong sinulatang papel. Nilagay mo lahat sa isang medicine box!Isa ka ding magaling na researcher…. imagine nalaman mo na guard ang tipo ko! lol! ikaw na! Sana darating pa ang araw na makita kita sa kalye ng makati at mabati ulit ng….MJ MABUHAY!
hahaha wow si Nanay Ba nasa Hoshilandia! M-A-B-U-H-A-Y!
welcome and thanks at nagustuhan mo ang simple kong gift.
makikita mo pa ako sa Makati, imbatahan kita sa ribbon cutting sa unit ko naks. (hahaha)
Mamimiss ko ang posing natin kahit walang camera…. PERO ETO PA! at HINDI LANG YUN moments……
and sympre I’ll miss you…….wag kakalimutan ang nagiisang DYOSA….
Oo naman di maaari na makalimutan yan. wag na lang ako mag-voucher hehehe
Mabuhay!
I’ll miss you too!
so san ka na pupunta ngaun?
miss ko na din ang makati lalo na yung mahaba-habang lakaran…
ako ay isa ng palaboy sa lansangan at umaasang magkakamal ng salapi mula sa sipag at tyaga – sa nilaga at tapsilog, sa kape at noodles, sa umaga haggang tanghali, sa pick up at delivery. hehehe
yun na.
ahaha, nice post – like! aliw yong kakaraming atm, true. problema na lang kung may iwi- withdraw parati, hahaha. pero, lam mo, maski nga di ka magwi-withdraw o walang mawi-withdraw (haha) parang reassuring ang maraming atm sa paligid. natuwa ako ro’n sa maraming wapo (at may specs pang nakasalamin, hihi). ah, parang marami talagang good-looking guys na neat pa, haha, sa makati and ortigas than sa ibang lugar. maganda ang tanawin, hehe, i.e., good looking people and dressed up ang nasasalubong, ahaha. parang napipilitan ding magbihis at makibagay, hano? 🙂
good luck sa iyong next venture, hoshi girl. yes, likely, madadalas ka pa rin sa Makati. saka, maganda ang Enterprise bldg, sa recall ko – glossy, senga ? ahaha… waving. 🙂
salamat ate!
yes true sila na business district sila pag ikaw ang client labo na hindi ka madale sa marketing strategy nila.
hahaha may guwapo naman kahit saan, madalas lang ako makakita ng kahinaan ko sa Makati wahaha. Oo gusto ko yung neat lang ha, ayoko ng over sa pagka-vain sarap sikmuraan. siguro sawa lang ako sa tanawin sa tindahan namin – lasenggero, smoker, mukhang maghapon-magdamag di naligo… hahaha pero alam naman nila kaya binebentahan ko pa ng sabon, shampoo at toothpaste. (kita pa rin)
salamat ate, next phase naman na ako. Mabuhay!
Your dreams have wings, and your pen is mighty. I already miss you so much. Danken all week this week! And come back to Makati often. Let’s walk and talk pa rin.
Title; Thank you very much instead of Good Bye
Highlights:
we’re like fpj and agimat -iyo ang makati , akin ang kyusi
we’re like bags – different size and style but absolutely chic and functional
we’re like a fusion buffet (nuff said)
we’re like vilma & nora – iconic
we’re like wifi – connected kahit walang cable
we’re like coffee – aromatic! hahaha
Fine Print:
validity: just valid
talk and walk as often as we want
inclusive of kitkat, dark chocolate, donuts, coffee, and sunday market
friendship is non-refundable, no cancellation, and non-transferable
we’re open for discount cards or any running promotions including donations
hehehe mabuhay Madam, I’ll miss you – the best partner and senior copywriter ever!
saan ka na po lilipat miss hoshi?
Sa puso mo este.
Buhay Negosyante na ang next phase ng buhay ko. I-a-actualize ko na ang mga hopes, dreams, goals and plans ko.
Pray for me Apollo.
mabuhay!
huhuhuhuhu mamimiss kita forever~! dalaw dalaw din sa selda namin pag may time ka ah! T_T
Ako din ikaw lang kilala kong Cristala! Di si Judy Ann MAbuhay! I’ll miss your voice!