Naging aktibo ako noon sa pagtulong sa Fan Page, hindi lamang para sa kandidato sa pagkagawad na aking sinusuportahan kundi para makapagbigay impormasyon na rin tungkol sa ano ba ang talaga ang dapat ang mayroon sa isang Barangay at mga namumuno rito. Bakit dapat maging matalino rin ang mga mamamayan o botante sa Barangay Election?
Barangay -unit ng pamahalaan
Sa aking pagkakatanda sa mga naaral ko sa Sibika at Araling Panlipunan, simula pa noon ay Barangay na talaga ang uri ng pamahalaan sa Pilipinas. Nabanggit lamang ang pueblo (City), gobernador heneral, at Hari noong nagsidatingan na ang mga Kastila. Sa ngayon, pansin na pansin ang barangay kapag kailangan mo ng barangay certificate, business permit, problema sa pabahay at oo, ‘pag may mala-Face to Face na eksena sa buhay. Gaya rin ng national government, nabibigyan ng pondo ang mga opisyal ng Barangay sa pangunguna ng Kapitan. Kung naaayos ang semento o aspalto sa daan n’yo, kung may street lights, kumukuha ng basura, may peace and order, at may mga proyekto naipapatupad -puwede nang masabing smooth ang pamamahala sa inyong barangay at may kinalalagyan ang pondong nakukuha ng inyong barangay.
Limitation and Protection
Sa ngayon ay nagsimula na ang gun ban at pagbabawal ng campaign activity sa mga major road gaya ng EDSA at Commonwealth Ave. Ang alak; pangangampanya; at pamimigay ng pagkain, pera at iba pa ay dapat ‘di maganap sa October 27, isang araw bago ang Barangay Election. Siyempre nand’yan na ‘yong common na pagbabawal sa vote buying, flying voters, at proxy voters. Pero ito pa ang dagdag na bawal sa buong tanan ng halalang pambarangay.
- kahit ang kamag-anak, tauhan at representate ng isang pulitiko ay dapat din na hindi namumudmod ng pera, donasyon o anuman.
- ang biglaang pagpapagawa ng ganito at ganyanng imprastraktura o pasilidad bago ang eleksyon.
- personal na pagkuha o pagtatalaga sa isang pulis
- pagtatayo ng tindahan at paghingi ng boto 30-meter radius mula sa polling botohan.
- pagbuo ng pondo para sa pangangampanya gamit ang sugal, bingo, sabong, beauty contests at iba pang klase ng entertainment o sugal.
Kung ang bawal ang sinusunod ng pulitiko sa inyong lugar, alam na! It’s either ignorante sila sa batas ( na dapat hindi) o epal lang talaga. – source: Comelec.gov.ph
How to choose the right Captain and Kagawad (Councilor)
Una ng nakakaligtaan ng mga botante kahit na sa national election ay ang magiging responsibilidad ng isang kandidato sa kanyang tinatakbong posisyon. Kaya siguro may nahahalal na wala naman alam sa batas at puro papogi lang ang inaatupag ay dahil hindi rin alam ng iba kung para sa ano at san ba ang kanilang kandidato. Siyempre bukod sa pagiging leader sa peace and order, waste management, at pagkakaroon ng barangay assembly every week. Ilan sa mga nabasa kong dapat ginagawa ng isang Kapitan ay:
- boboto lamang s’ya sa anumang dapat pagbotohan ( assembly/session) kapag tabla ang score.
- may “say” din s’ya dapat sa pollution control at issue sa environment.
- Punong pakilamero sa takbo ng Sangguniang Kabataan (SK)
- dapat mayroon s’yang palarong pambarangay taun-taon sa pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd).
- Maaari lamang s’yang magdala ng baril sa loob ng kanyang teritoryo at depende pa ito sa regulasyon na kanyang dapat sundin.
ang mga Kagawad o Sanguniang Barangay ay
- Magpasa ng rekomendasyon at resolusyon na makakatulong sa pag-unlad ng barangay.
- Pangalagaan ang mga pasilidad sa loob ng barangay gaya ng multi-purpose hall, covered court at iba pa.
- Tumulong na magkaroon at bumuo ng programa na para mapaganda o mapaunlad ang kabuhayan at pamumuhay ng mga mamayan.
- Hindi sila makakatanggap dapat ng dagdag sahod sa loob ng kanilang termino. Pag naboto sila ulit doon, puwede na.
Samantala dapat hindi baba sa Php1000 ang sweldo ng isang kapitan at P600 naman ang isang kagawad.
source: http://www.dilg.gov.ph/PDF_File/resources/DILG-Resources-201162-99c00c33f8.pdf
Muntik na akong mag skip read kasi mat temang pulitika ha ha. Anyway nice information you share here… parang di ko nakikita yung mga tama sa mga tumatakbo dito samin ha ha ha
napakasimpleng batas nyan pero hirap na hirap tayong sundin yan. look at the bright side na lang, may dagdag kita ang mga botante ngayon. 😀
Iyon nga eh mabuto kung magpapaka-wise din ang iba.
tanggap lang ng pera dahil grasya yan na tinatapon lang ng ibang pulitiko pero sana maging mautak sila sa loob ng presinto.
bat ako walang natatangap? hehehe