Once a upon time, I visioned that I’m going to be a children’s books author like J.K Rowling and Beatrix Potter. I thought it’s easy but I’m really wrong. In fact, I can say it’s easy to write a poem or novel than writing a 10-page story for Kids. I may dismiss ( for now) the idea but I still like reading children’s books especially those published by our local companies. Why?
Close To Your Heart
Unless you were born in Atlanta, Auckland or Athens, maa-appreciate mo ang malapit na istorya ng children’s books na gawang Pinoy. Maalala mo rito ‘yong kakulitin mo nung bata, mga paulit-ulit mong tanong sa mga matatanda, inggit sa iyong kalaro, maling akala sa bagay-bagay at kung anu-ano pa.
Isa pa mali ang thought na puro alamat at all about moral values ang mga Children’s books. Marami na ngayong libro na nagpapahayag kung paano tatanggapin ng mga bata ang mahihirap na sitwasyon gaya ng paghihiwalay ng mga magulang at pagmamaltratro.
Bilingual: Learn Tagalog and English at the same time
Sa totoo lang ang laking tulong na madali mong nakikita ang translation ng English or Tagalog version ng story sa isang spread ng book. Hindi s’ya nakakaumay gaya sa diksyunaryo at smooth pa rin ang pagsunod mo sa istorya.
The Best nga itong pantulong sa pag-aaral ng language or communication skills ng mga bata o kahit pa ng matatanda.
Creative Writing and Enticing Drawings
Kung iisipin maraming magagaling na manunulat na creative at prolific. Pero hindi lahat kayang sakyan ang paraan ng pananalita ng mga bata. Dito ako sumuko dahil madalas mas matatanda ang kausap ko at iyon nga sagana ako sa jargon ng aking mundo ngayon. Kaya naman para maipasok mo ang maganda mong ideya sa paraan na makakapukaw sa mga bata at mabuting-mabuti sa kanila ay tunay ngang kahanga-hanga.
Saka as a reader, sarap magbasa na smooth lang ‘yong pag-intindi sa malamang istorya. walang ligoy, puno ng damdamin at may magandang visual.
Awakening & Inspiring
Honestly bilang mga adult mas easy sa atin ang i-solve ang problema sa pagra-rant or pagganti ng mali sa mali. PERO iba ang tinuturo natin sa mga bata. Halimbawa, nabubuwiset tayo pag wala tayong pera at di natin alam kung saan napupunta ang ating kita. Kung tutuusin baka simple lang ang problema, sadyang hindi lang tayo marunong magtipid o magtabi ng pera.
Ibang-iba ito sa mga tinuturo natin sa mga bata gaya ng tunay an katatagan, katapatan (honesty), kabutihan (kindness) at katarungan ( justice).
Minsan naiingit tayo sa mga bata kasi ang simple ng buhay nila. Pero hindi kaya dahil complicated ang ating buhay ay dahil talaga namang kino-complicate natin ang buhay?
Pingback: Favorite Childhood book: 17 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE – kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: Inviting Arts & Crafts and Book Sale | aspectos de hitokiriHOSHI