We all want to be beautiful and wealthy. If you have these traits good for you, but are your sure, ang mga ito lang kailangan mo sa buhay? Think again, maaaring mawala ang mga ito sa isang iglap kung hindi ka healthy. In fact, kung mayroon kang hindi dapat pabayaan na investment, yun ay ang iyong health and wellness. Kapag mayroon ka nito then you’ll be prettier and wealthier.
Blogapalooza: Don’t Wait, Do It Now
Minsan nakuwento ng Nanay ko ang amo n’ya na yumamam dahil sa kanyang kasipagan. Sabi raw nito, ngayon daw na can afford na s’yang bilhin ang mga pagkain na gusto niya ay bawal naman na sa kanya. Hindi ko alam ang puno’t dulo ba’t s’ya nagkasakit pero sayang nga naman ano?
Personally, isa rin ako sa mga tao na inaalala lalo ang health ‘pag nagkakasakit na pero this time isa na rin sa concern ko ay ang aking figure & weight (naks). Noong student pa ako hindi ko problema ang pagpayat. Kasi malakad akong bata, active sa school at kuripot ( tipid sa pagkain). Nagsimula lang ang lahat noong nag-work na ako na most of the time ay nakaupo lang. Doon ko na-feel yung mabigat at tamad na tamad na pakiramdam. Hayun kakamamaya-mamaya ko, pataba ako ng pataba every year at ang ang pinakamatabang form ko ay noong 2009. Hindi naman obese pero iyon yung tipong dyahe na makita ang pictures mo kahit ang ganda ng background. hehehe!
Choices to make you feel better
Of course, maraming options sa merkado may quick, convenient, cheap or expensive. Ito naman ang mga na-discover ko sa Blogpalooza 2013.
WheatGrass
Between coffee and tea, mas makape ako. Paano bibihira ako makainom ng masarap na tea. Kadalasan kasi lalo na sa green tea ang iniisip ko mapakla na ‘di ko ma-take. Sa WheatGrass CAN. Yes lasang tea iyon pero hindi naman mapakla then may cool effect sa loob. Nai-demo rin sa amin yung effect nito na maiwasan ang pagiging acidic ng blood o yung tinatawag nilang blood purification. Nakakatulong din ang Wheatgrass sa liver detoxification and colon cleansing. Mayroon itong Chlorophyll (naglilinis ng blood), anti-oxidants ( nakakabawas sa mabilis na pagtanda ng balat), fiber ( para di mukhang may long vacation ka sa trono), enzymes ( buddy-buddy ng liver), at alkaline.
For more details please visit www.wheatgrasscan.com.
Slenda
Familiar na ako sa product na ito dahil sa ads at model nila na si Valerie Concepcion. Pero mas nabigyan ko ito ng atensyon sa booth ng Nattural Quality Corporation. Ang suwerte ko pa dahil nanalo ako ng isang box. Ang Slenda ay Herbal Dietary Supplement na makakabawas daw ng timbang naturally. Mayroon itong resveratrol (anti-fat, anti-lipid, anti-viral, anti-bacterial and anti-cancer properties); ECCG o epigallocatechin gallate green tea extract na nagpapababa ng bad cholesterol at BMI ( Body Mass Index; Banaba o Lagerstroemia speciosa na nagpapalakas ng immune system at Turmeric o luyang dilaw nakakatulong para hindi magkaroon ng gallstone. Ang turmeric din ay anti-oxidant, liver friendly at maganda para manatiling nasa tama ang iyong timbang.
For more details and inquiries: visit www.gonatural.com.ph
NYTherasphine
Star sa booth nila ang Gyminator na ayon sa staff nila ay ilan lang ang mayroon sa ‘Pinas. Sinubukan iyon ni kasamang Axel at sabi niya okay naman ang feeling parang all in one na machine. Pero in general ang NYTherasphine ay for Pain and Fitness/ Conditioning Weight Management. Di ba may mga iniinda tayo na pinababayaan natin pero talagang nakakasira sa ating normal work flow gaya ng back pain, headache, poor sleep, frozen shoulder etc. Ang ilan sa service nila ay sports rehabilitation, Myofascial Release, chiropractic adjustment, at myotheraphy & therapeutic massage dry needling.
For more details: visit www.nytheraspine .com