When you grow old, you will realize that true blessings are intangible things such as Love, Peace, Good Health and Humanity. You can’t be who yo are without the “wind beneath your wings” or even you have a lot money you can’t buy satisfaction and security. So for my birthday month, it is my wish that we impart our goodness to Habitat for Humanity.
Your birthday gift is our share to build Habitat =Hope
Hindi lingid sa kaalaman natin na noong last quarter ng 2013 ay sunod-sunod ang trahedyang naganap sa Pilipinas partikular na sa Visayas at Mindanao. Isa po sa matinding sinalanta ng Super typhoon Yolanda ( Haiyan) ay ang mga kababayan namin sa Guian Eastern Samar.
Dahil kilalang palaban naman ang mga Waray, ang inaalala ko noon ay ang mga kamag-anak namin na may edad na. Ang mabuting balita sa ganang amin ay lahat naman ay naka-survive
Pero hindi naman kumo’t naalpasan mo ang isang unos ay ganun-ganon na lamang. Hindi mo maipapaliwanag ang estado ng iyong Buhay kung namatayan ka, kumakalam ang sikmura, nawalan ng hanap-buhay at nawasak ang iyong tirahan. Para bang gumuho na rin ang iyong Pangarap (dreams) at Pag-asa (Hope).
Kung babalikan ko ang mga sinabi ng mga panelista sa media/blog conference ng NCCA at UNESCO
Why Filipinos Need to Rebuild Visayas Cultural Heritage?
Ilan sa epekto ng mga trahedya ay pagbaba ng moral ng ating mga Kababayan. Sukat na kwestyunin nila ang kanilang paniniwala sa May-kapal ( may kinalaman sa pagguho ng mga simbahan), kawalan ng sigla sa sining at kultura (hindi lang sila malungkot–nagluluksa) at pagpatol sa mga ideyang gaya na baka lumubog ang buong Bohol.
Sa bahagi naman ng aming mga kamag-anak, may isa na-“washout” ang kaniyang 7-year old restaurant ipundar sa kanyang pag-a-abroad ng ilang taon at mayroon din na nagsabi na kung hindi dahil sa “wonder batya” ay baka wala na s’yang mga anak.
Kaya naman kahit di ko alam kung kakayanin ko, sumalo ako sa online crowdfunding campaign ng Habitat for Humanity o yung tinatawag nilang Give2Habitat.
Why we should support Habitat for Humanity?
Bilang hardworking Pino yuppy ( claim ko na), hindi madali ang basta magbigay. Hindi dahil sa maramot ka lamang, kundi gusto mo makaabot ang iyong tulong sa “totoong” taong nangangailangan. Respetadong organisasyon sa buong mundo, ang Habitat for Humanity ay tumutulong para magtayo ng “desenteng” tahanan, malusog na komunidad, livelihood programs at iba pang-matagalang (long-term) tulong.
Isa pa, maganda rin ang ideya na ginagawa nilang ka-partner ang gagawan ng bahay. Sa ganung paraan napapataas din nila ang moral ng taong kanilang sinusuportahan– na siya ay kasama rin sa proyekto at hindi lang siya basta tumanggap.
Kaya kumakatok ako sa iyong puso at nawa’y napukaw ko ang iyong kaisipan – sana pagbigyan mo aking birthday wish –
please donate sa aking Online campaign to race 200K for Habitat for Humanity, visit my support page.