Jericho Rosales is undeniably one of the finest local Filipino actors. His stardom is defined by his effective acting portrayals and notable meaty projects such as Pangako Sa Iyo, Santa Santita, Baler, Alagwa, and Walang Forever. The latter flick gave him another best actor trophy (in the Metro Manila Film Festival 2015) for playing Ethan Isaac and stunning on screen job with Jennyln Mercado.
On knowing Jericho Rosales sa small and big screen
I admit matagal ko ng gustong ma-meet in person si Echo dahil kahit papano ay nasundan ko ang journey ng career n’ya. Prior to his remarkable Pangako Sa Iyo and love team days with Kristine Hermosa, napanood ko na s’ya Palibahasa Lalake, Munting Paraiso, Esperanza, Okatokat, at Magandang Hating Gabi. In case, you don’t know at kung tama rin ako, ang una ni’yang perennial love team ay si Angelika dela Cruz.
Dahil wala pa akong pambili ng movie ticket nun at yes bata pa… hindi ako nakapanood ng mga movies n’ya with Kristine Hermosa gaya ng Forevermore, Noon at Ngayon, at Ngayon Nandito Ka. So apart sa Walang Hating Gabi (1998), nag-start na ako sa Santa-Santita ( the launching movie of starring Angelica Panganiban) na kung saan ako talagang napahanga ni Echo at ang huli nga ay sa ABNKKBSNPLAko? The Movie. Inaantay ko pa ang pagpapalabas sa Greenhills Promenade Cinema ng Alagwa (in case you don’t know may time na nagpaplabas ng mga independent films doon). Anyway napanood ko na rin sya (thank you cable) Bagong Buwan, Tanging Yaman, at Nasaan Ka Man. Itong huli, where he was part of love triangle with Claudine Barretto and Diether Ocampo, ay awesome na movie. Grabe ang ganda ng twist!
Personally nagustuhan ko si Echo bilang artista, hindi bilang celebrity. Like yung first paragraph ko para sa akin kaya siya sikat at may staying power kasi magaling siyang artsita. In fact, aware ako sa music and theater projects n’ya. Sayang nga lang hindi ko na natutukan ang iba pa nyang TV Shows gaya ng Panday, Bituing Walang Ningning, The Legal Wife at Bridges of Love pero through reading write-ups and comments online alam ko na top rated ang mga iyon at nagpakinang pa sa galing n’ya bilang artista.
On finally meeting Jericho Rosales in Person
Kalmado naman ako dun sa intimate interview session with bloggers at 8 Cuts Resto in UP Town Center (Quezon City). Pero deep inside, sobrang awe-inspiring yung moment kasi nga dati pinapanood ko lang sya at natupad na yung wish ko na sana ma-meet ko naman siya in person. Tapos yung pagkakataon nanaman na ma-meet ko s’ya, di lang simpleng autograph signing and photo op with fans, makakausap at matatanong ko pa siya. Kaya hello, goh!
Marami akong nakuhang videos sa interview, so more or less hayaan ko na lang kayo manood ng mga iyon… sa ibaba↓ … (isa-isahin ko ang upload so keep coming back here for more updates) para malaman yung mga sagot sa mga itinanong sa kanya. But pipili ako ng interesanteng angle to feature sa next post. In the meantime, gusto kong i-share kung kumusta si Jericho Rosales sa personal.
Sagot: Kung ano ang napapanood n’yo sa TV na klase niya ng pagsagot niya sa mga interview ganun din siya. Pero I see and feel yung comfort, warmth, sincerity, and confidence niya with us. At masasabi ko na yung feel ay kumakausap kami ng isang personalidad na mahal ang kanyang sining, may malalim na pang-unawa at respeto sa Philippine Showbiz Industry, at alam n’ya ang sarili niya. Iba rin kasi yung proud ka sa mga nagawa mong proyekto na humubog sa iyong pagkatao at bilang artista. Gayon din yung, alam mong eksakto kung ano pa ang gusto mong gawin at matutuhan.
Pero seryoso man yung mga sagot n’ya, malakas maka-barkada yung tone n’ya at panaka-naka ay humihirit din naman. By the way, ise-celebrate na ni Echo ang kanyang 20th anniversary sa showbiz so watch out for his up coming projects 😉
Sa aking youtube channel ay ibinahagi ko ang interview (may exclusive part) na may kinalaman din si:
- Kristine Hermosa
- favorite projects films,
- at gustong makatrabahong leading ladies actress.
Yes exciting, trivia ito ♥
Jericho sa Walang Forever
Jericho Rosales’ favorite love teams
Jericho Rosales nag-audition sa Heneral Luna?
Pingback: Disadvantages of Love teams sa Pinoy Showbiz