What to do with your unang suweldo?


May napanood akong bidang girl na nagse-sentimental sa unang suweldo n’ya. Naalala ko tuloy noong una akong sumahod. Ngayon na marami na akong experiences, mayroon akong suggestions for fresh grads on what to do with their unang sahod/ salary/ hard-earned money.

Konting drama muna: Hinalughug ko yung lumang diary ko. Gusto kong sariwain yung feeling at ano yung mga plinano kong gawin noong wala pa iyong unang sahod ko at nung nakuha ko na. Naalala ko tuloy yung disappoitment ko sa first job ko.

Tinanggap ko yung work na ‘yon for the sake na may trabaho lang. Malayo iyon sa gusto kong gawin at sa sahod na pinapangarap ko. Secretly, nahihiya ako sa parent ko dahil ang mahal ng tuition fee ko noong college, then iyon lang. Pero hindi naman dahil sa mababang sweldo lang ako nag-resign dun, kundi yung nagkakasakit na ako. Alam ko talaga na hindi iyon dahil mahina ang katawan ko, kundi dahil sa mental stress at ayaw talaga ng puso ko. Ayon two weeks lang ako dun.  

Base na rin sa mga experiences, iyong halaga ng unang sahod mo ay sentimental pero practically ‘wag masyadong dibdibin. Mababa o mataas, importante iyong experience at skills na makukuha mo, gayon din iyong ‘di ka naman dehado sa sobrang baba. Tandaan mo, kayang-kaya mong mag-step up, makahanap at makipag-negotiate para kumita ng mataas na sahod. Iyan ay lalong-lalo na kung skilled ka na.

Dagdag pang tsika tungkol sa unang suweldo: Ayon sa nabasa ko noon ang first salary ni Martin Nievera ay pina-frame n’ya iyong tseke o pera. Ang sabi naman ng ate ko student pa lang s’ya ay plinano n’ya na ang unang sweldo niya ay ipangdi-dinner n’ya sa gusto n’yang restaurant. Nasaksikan ko rin ‘yong mga estudyante meals niya kaya alam ko kung bakit ganun. 

Pay and advice slip

Sa akin naman, ang naalala ko ay ‘di ko ginastos yung first salary ko. Pinagsama ko iyon sa next sahod na ang ilang percentage ay inintrega ko sa Nanay ko. Mula noon nag-iintrega na ako na hindi pala ginagawa ng iba kong kapatid. hahaha, kung alam ko lang, charr!

Tips kung saan puwedeng dalhin ang iyong unang suweldo:

Buy the food that you crave –  Alam ko, this is impractical pero hindi. It’s a personal celebration of your achievement. Of course ‘wag naman piyesta at magarbo na wala ka ng tinira. Basta simple dinner lang or lunchtime with your special people. It will remind you that your hard work can produce winning moments in other areas of your life. Ako, kalahating gallon ng ice cream nilantakan ko mag-isa ahehehee.

Patalastas

Toppings for Crepe
Toppings for Crepe

Keep a portion of your sahod to your savings account or emergency fund – Gusto kong sabihin na mag-invest ka agad para kasama mong naggo-grow yung pera mo. But most likely kasi yung mga first sahod ay hindi kalakihan at pangbayad utang. Kung ganun better, as first step, matutuhan mo muna ang pagbabangko. Sa last check ko, may mga yuppies talaga na walang personal savings bank account at walang balak.

I don’t want to go in details pero sa economy and personal finance may good effects ang banking. Save muna then create emergency fund and try investing… sa dulo wealth creation na. Pero kung carry na ng sahod, I recommend na ilan dun ay pang-insurance, pang-invest sa stock market and mutual fund. Kung anong kaya mong ‘di galawin ng ilang buwan o taon.

alkansya

Treat your parents/ guardian – Puwedeng kagaya sa akin na intregang pera ang ibinigay, pero okay din na isama mo na sila sa item no. 1. Simple token of appreciation sa magulang ay malaking bagay na. Ito yung pagkakataon na masasabi mo na “ikaw naman” at kapag nagbigay ka sa taong mahal mo, parang level up sa accomplishment or achievement. Iba talaga ang feeling!

Give something sa church/ charitable institution  Not only when you get your first salary, but even sa first day mo sa work dapat nagdadasal ka. If you’re always praying about your job ay nako-kondisyon ka na maging grateful and positive sa buhay. Aside sa pagpi-pray at pagbisita, okay na okay din ang pagbibigay ng donasyon sa simbahan. In fact, matagal na yung pagpa-practice ng “ika-pu” or tithing. Hindi mo man magawa monthly, magawa mo man lang sa unang beses na sumahod ka. Puwede rin na tumulong ka sa isang non-profit organizations. Yung isang pinsan ko sa mga unang buwan n’ya sa work ay namimigay ng bible.

bell tower  ng Bantayan Church, Ilocos
Visita Iglesia (Spiritual)

Attend a worthy event/ seminar– Feed your mind or invest in yourself kaagad. Maaaring may matagal ka ng book na gustong bilhin o klase ng seminar na gusto mong masubukan. Puwedeng ito ay tungkol sa communication  skills, personality development, business or other career enhancement seminars. Sa unang sahod mo, baka puwede mo na agad i-avail!

Panel discussion on Freelancing in The Philippines
Panel discussion on Freelancing in The Philippines



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.