I didn’t create a movie review about X Men Apocalypse, but I like this Bryan Singer’s film. Na- meet naman ang expectations ko and it wowed me especially in Quick Silver’s part. Feeling ko they really want to strengthen Pietro Maximoff’s persona to match The Flash. Anyway, it’s cool that there’s such thing as Marvel Cinematic Universe, special effects, and Marvel’s awesome non-fiction and fiction characters. Who are the most fascinating… for Hoshi?
Stan Lee – Naging fan ako ni J.K. Rowling because of Harry Potter at interesante sa akin si George R.R. Martin ng Game of Thrones . Ito ay dahil sa lawak ng imagination nila na kaya nilang dalhin tayo sa malawak at makulay na mundo kahit kathang isip lang. Pero bakit nga ba kung kailan ko lang napagtanto ang kagaya nila Stan Lee na s’yang dahilan ba’t may mga sikat na Marvel characters? Hindi lamang s’ya nakakatuwa dahil sa kanyang prolific and creative mind, kundi sa kanyang inspiring story. Alam mo bang edad 39 na s’ya nang magsimulang umarangkada ang kanyang karera? Ayon pa sa Business Insider, sinumulan n’ya ang Marvel Universe sa story n’ya about Fantastic 4. Kasama kaya doon ang pag –promote kay Human Torch bilang si Captain America at pag-switch ni DareDevil bilang Batman? Charrot lang!
Robert Downey Jr. – nung first time kong nakita si RDJ [yes dito sa Iron Man], sabi ko “tanda naman na nito para mag-superhero.” Sana’y kasi ako bata, macho at bata-bata. Bago ang Iron Man film series ay gusto ko ang Spiderman trilogy ni Tobey Maguire. Wala rin akong ibang alam na American comic characters [di pa nga ako aware sa DC at Marvel comics e], maliban kina Peter Parker, Batman, Superman, Wonder Woman, The Flash, Elektra, DareDevil, at X Men. Iyon pala may Iron Man pa at tingin ko malaking bagay sa tagumpay nito ay pagganap ni RDJ. I wonder kung paano mapapalitan sa isipan ng tao kung sakaling palitan na s’ya ng iba. Brace ourselves 51-years old na s’ya.
Iron Man – Malaki ang pagtingin natin kay Iron Man dahil kay RDJ at kung paano s’ya bigyan ng weigh sa Marvel Cinematic Universe. Pero kung susumahin masasabing isa s’ya sa fragile character. ‘Wag sana silang magpang-abot ni Magneto hehehe. Maikukumpara ko s’ya kay Batman na walang super strength and power pero nabibiyaan na yaman, talino, at nag-isip ng kakaiba para sa lipunan. Iyon ang isa sa relatable kay Toni Stark pero ang pinaka-gusto kong part ng kanyang character ay ang pagiging relatable o totoong tao n’yang kumilos at mag-isip. I think siya ang champion ng mga geek na walang salamin, artists na mabangong tingnan, at mayayabang pero obvious na may ipagmamalaki. Hindi ko alam kung kaya kong harapin ang isang Toni Stark sa real world, pero sa film okay s’ya sa akin. Makikita mo ang ups and downs ng kanyang buhay/ success kasi sa maangas n’yang personalidad. Hihihi!
Quick Silver – Gaya ni Iron Man, hindi ko rin kilala si Quick Silver bago ang X Men Days of Future Past [Peter Evans] at Avengers: Age of Ultron [played by Aaron-Taylor Johnson]. Nagustuhan ko yong effects, patawa, at mga tienes sa version ng X Men. Iyon ang awesome siguro dun yung package ng Quick Silver ni Evan Peters. Okay din naman ang version ni Aaron at may puso.
X-Men – Bukod sa anime, ang X Men TV series ang alam kong kinalakhan kong TV cartoons. Siguro iyong ipinapalabas dito sa Pinas ay limited at medyo hindi ko na nasubaybayan kaya kilala ko lang ay sina Mystique, Magneto, Jubilee, Beast, Cyclops, Ice Man, Rogue, Wolverine, Storm, Gambit, Jean Gray, at Professor X. Hindi ko na maalala ang tungkol kina Quick Silver, Scarlet Witch, Pyro, Psyche, Angel, Apocalypse, Mr. Sinister, at Emma Frost. Wala akong masasabi na kakaiba, kundi gusto ko lang talaga ng magic at super power na panoorin. Pinakagusto ko sa X Men characters ay sina Storm [ elemental at can fly] at Jubilee. Pero between Japanese anime and American cartoons, mas maka-anime ako.
Spider-Man – Siya ang pinakagusto kong Marvel characters pero dahil hirap akong paghiwalayin ang character sa gumaganap [remember mas bet ko ang package ni Tobey Maguire] kaya napa-switch ako kay Iron Man sa “pinakagusto” category. Minsan kasi nasa timpla ng writer at director kung paano nila palalabasin yung image ng comic character sa movie. Guapo si Andrew Garfield [The Amazing Spider-Man at okay ako sa tandem nila Emma Stone [Gwen Stacy] pero may something sa pagkakalahad. Oh baka ayoko lang masyadong seryoso. Eh bat nagustuhan ko ang Dark Knight Trilogy ni Christopher Nolan at Christian Bale?
Elektra– isa sa favorite kong female action film ang Elektra ni Jennifer Garner [2005] kahit ano pang sabihin na critical and box office failure. I guess yung stand-alone film ay may element lang na hindi appealing like yung pagsama ng mag-ama sa story. However, Jennifer was awesome there particularly in action scenes at okay din naman iyong mga kalaban n’ya, and moral story. Parehong magaling si Garner sa film na ito at sa pagganap niya sa DareDevil [2004]. Ang maganda rin kasi kay Elektra ay ang bida-kontrabida n’yang origin, relationship n’ya sa super bulag na si Matt Murdock, at pagbangon n’ya sa kamatayan.