Sa nakaraang post nabanggit ko ang money-saving trick ng pagre-recycle, ngayon naman ay tipid tips sa pamamagitan ng repair at wise-buying decisions. Teka alam mo bang maging frugalista?
Ayon sa Investopedia, ang “Frugalista” ay mga nilalang na fashionable pero magaling sa budget at pagtitipid.
“Frugalistas stay fashionable by shopping through alternative outlets, such as online auctions, secondhand stores and classified ads. They also reduce the amount of money spent in other areas of their lives…” tsika ng Investopedia
Narito naman ang mga simpleng tipid tips pa para sa mga students o may students out there:
1. Choose branded high quality (novelty) Shoes – dati ang hilig ko bumili ng branded at makapal na sapatos, tapos pipilitin kong mapatagal iyon ng buong year. Pero nung dumaosdos ako sa Morayta Overpass ay nagising ako sa katotohanan. Wala sa brand iyan, kundi nasa quality, design, at pag-iingat. Nevertheless, que branded o hindi, ay sinusubukan ko magpa-repair bago ako bumili ng bago. Kung pagdidikit lang ay kaya na ng all purpose contact cement o superglue. Ngayon, mahilig naman ako sa doll shoes, mura na ay madali pang labhan at tahiin o idikit kapag nasira. Iyong mga old leather shoes ko pang-business or formal functions na lang.
2. Battery and straps for Relo – funny pero nung nagwo-work na ako nung napagkamalan akong estudyante dahil sa binibili kong relo – halagang P200 bawat isa. In fairness din sa mga relong iyon, marami ang nakakapansin. By the way, ang isa pang na-realize ko Morayta momentum ko , ay if not branded magyu-unique or novelty design ako. It works for me kasi feeling ko ay mas madaling makita yung style, statement at personality ko. Aangat ka rin kasi wala kang katulad. Naalala ko dati when I used to buy branded, nakikita ko ang dami kong kapareho ng suot. Sa relo, may mga watches ako na 5-10 years na kasi palit-palit lang ng battery at straps. Kasama na roon ay yung Php 200 ko nabili at 1500 ko nabili.
3. Choose a neutral color school bag – Sa ngayon sinsusumpa ko na ang pagbili ng leather bags na nagbabakbak kapag nagtatagal o nababasa. Preferred ko na iyong yung makapal na tela o nylon. Mas madaling tahiin pero siempre iba na yung nabutasan o nilaslasan kasi tatagpian na iyon. Okay lang naman basta artistic.
I think the best color for school bags ay yung safe or neutral colors like black and white. Ang alternative ko sa mga ‘yan ay brown and silver/ gray. Bakit neutral? Para kahit ano isuot mo pasok sa banga. Sige nga ‘di ba bagay ang neon green sa black or white? Saka mas freedom yung paglalagay ng kolorete sa ganung kulay at mangingibabaw pa nga.
4. Pasok-uwi- Palit pambahay agad. Noong una hindi ko rin pinapakinggan Nanay ko rito, pero nakuha ko rin ang point. Kahit ngayon sa mga panlakad ko nagtatagal kasi hinuhubad ko agad o di ko pinambabahay. May ugali rin kasi ang ilan na pinanggagala at pinambabahay pa yung uniform, lalo na ang ang pang P.E. Una kapag namantsahan ay mas kuskusan yun. Ang resulta ay mas agad na ninipis at maghihimulmol. Bukod pa sa madaling mangupas. Isa pa’y mga katawang hindi lang pawisin, kundi acidic din. Kapag ang damit puno ng pawis ay pipilitin ni Mother Dear at Manang Labandera na tanggilin pagka-oily nito at pagdikit ng dumi ( a.k.a. libag). Wala pa d’yan kung may body odor ( natuluan ng yucky body fluids).
5. Iba na magaling manahi o mag-repair. Hindi ako magaling pero mabuti na lang nabibiyaan ako ng mga kaibigan na magaling sa mg bagay na iyan lalo nung kailangan na kailangan ko sila. Hehehe. Pero maigi kung ikaw talaga ay mahusay na mag-repair at mag-alaga ng iyong gamit. Marunong naman ako ng basic lalo na sa pagdidikit at pagdadala ng perdible. 😛