Last kong nadaluhan na seminar ay ang VApreneur Workshop nina Professionalvas Academy founder Rochefel “Roche” Rivera, Maria Cristina “Mas” Pre, Mychele Chrystienne Tan Remonte, Bernice Biong, at Sherlane Fortunado. I’m sincerely happy para sa group na ito dahil sa success ng kanilang first road tour project. Pero bukod sa chill experience, ito pa ang 7 benefits in attending workshops or seminars.
- Learn in-depth or fundamentals of something about your interest/passion. Broad ang linyang freelancing kung tutuusin at marami kang mae-encounter na terms (like telecommuting jobs) na posibleng ‘di nabanggit sa school. Marami ngang point (mga 89.9) sa job hunting modes ko ang nakabasa ako ng ads about virtual assistant (VA). Akala ko wala, pero meron na pala akong experience dito at iniba lang ang designation sa akin nina Ser and Mem. So yung aim ko na malaman ang tungkol pa sa VA ay nai-deliver (express and comprehensive) sa akin sa workshop. Ito ay dahil sa experienced, skilled, at approachable ang mga speakers/ organizers. Tipong ate teacher na iga-guide ka para maging skillfully VApreneur ka with a heart.
- Hugot inspiration to uplift my freelancing and entrepreneurial spirit. Kung social life lang naman ay madali maghanap noon, lalo na kung marami kang friends. Subalit, kapag sa seminar ako nagpupunta ay ibang klaseng socialization ang experience. Kasi in ordinary days either nag-iisa or hindi ko naman kapwa freelancer ang nakakasalamuha ko. So I have this “invisible shield” na panangga o pangontra sa negatives vibes at critical minds. Pero the last time I check, tao rin ako na marupok, nanghihina at nasasaktan (echos!). Kailangan ko rin mag-recharge at may paghugutan ng energy. Nakukuha ko iyon sa mga ganitong events lalo iyong mga participants ay new people sa akin at kapareho ko ng trip/ passion.
- Essential tips you can only get from face-to-face/ human interaction. May lessons na parang hirap mag-sink in kasi nabasa or tsika lang sa iyo online. Pero may simpleng tips na may impact kasi sinabi sincerely sa iyo ng kilala o nakausap mo. Ganito rin ang na-feel ko sa VApreneur Workshop kung saan naka-chitchat ko sina Manay Jovy, Madame Sherlane, at Ka-tsikang Nice at nakilala kong si Mommy Financial Analyst Jen. Mainam din iyong intimate and very Filipino approach yung sa venue (Bluefin Grill, Metrowalk). Talagang nabuo ng mga Pinoy para sa malasakit nila sa kapwa nila Pinoy.
- Rediscovering myself. Isang activity sa workshop ay goal-setting. Napa-share ako (sulsol na rin ng seatmates ko hohoho) para magtsika ng ilusyon este ambisyon ko sa buhay. Nagkataon kasi na nakalista na yung short term, medium term, at long term goals ko dahil ganun tema sa planner (Everything is Possible) ko. Pero hindi lang naman tumayo ako para mag-share. Tinitingnan ko rin kung paano ko i-present ang sarili ko sa madlang people, at ano ang impact sa akin ng pagsasapubliko ng mga lihim ko. Of course, isang benefit nun ay ma-
promoteintroduce ko aking sarili at Hoshilandia. Pero kahit may nginig ay may kakaibang euphoria din habang nagbabasa kasi nga may ibang goal na oo nga pala na-achieve mo na, may gusto pa pala akong makuha, at nasa harap ko yung mga taong maaaring nakaka-relate sa akin o ako sa kanila.
- Know businesses and innovative ideas out there – Attending seminars is not only good for networking with your prospect clients and fellow participants, for me it’s also an opportunity to know businesses. Ewan lagi akong naka-look out sa alternative and innovative ideas tapos affordable. Kilala ko na ang When in Manila (Hello Blogapalooza!) at Payoneer pero sa VApreneur ko nalaman ang about sa Awe-mazing Photography and Happy Organics. Based on the enlightening presentation of Payoneer PH country manager Miguel Warren, for me their platform is a must-try. May experience na ako dun sa leading competitor nila at talagang malaki nga ang cut at hassle yung verification process. So I will try Payoneer sa mga kabuhayan programs ko sa buhay. 😉
- Realize what you need to learn and skills to improve. Alam kong may kailangan pa akong matutuhan, pero need ko rin i-improve kung ano man skills mayroon na ko. Totoo rin kasi na kung balewala sa mga clients ang age or itsu mo, magkakatalo talaga sa skills. Kailangan ma-prove mo that you’re the best among the rest, so keep it up 😛 Siempre kasama na rin ang pagpapabuti ng good working attitude and mindset, sabi nga ni Coach Roche Rivera.
- Be grateful sa iyong blessings, and be positive in your potential. Being there sa VApreneur Road Tour Project ay isang bagay na gusto ko ng ipagpasalamat. Hindi lahat ay nabibiyaan na makapag-seminar or workshop sa career/ passion mo sa buhay. Ang education ay isang priceless at life-changing investment for me. Thank you Sherlane and Nice for inviting us ( Jovy). Bonus pa yung nakatanggap ako ng certificate (naka-2 ako hehehe) at giveaways like sa Happy Organics, which I commend for cool packaging and offering organic beauty products. Sakto to kasi ayon sa nasulat ko sa short term goal ay ka-career-rin ko raw ang pagpapa- beauty na. Parang pagbi-VA at entrepreneur dapat kina-career para maging organically happy and pretty home-based/ freelance income earner ka. Bongga!
Salamat sa lahat ng mga sponsors para sa event na ito kasama na VanSol Travel and Tours.