What is your fashion? What’s your style? Teka may pinagkaiba ba? Kung tatanungin mo ako 10 years ago ay hindi ko alam alin man sa dalawa, basta ang alam ko ay boyish ako sa pananamit kaya napagkakamalan akong tomboy. Pero later ( mga 5 years ago) on, I realize wala naman problema kung boyish ako. Ako yun e. Pero may something na nag-udyok sa akin na just try to be creative, inventive, at mag-adapt depende sa occasion nang hindi ko kailangan ma-feel awkward. Sa book ni Nina Garcia na The Little Black Book of Style may nalinaw sa akin charr!
Book Review: The Little Black Book of Style by Nina Garcia
Noong una ay nahiwagaan lang ako sa title, although siempre gets ko na ang idea na it’s about fashion and style. I just give it a try ang book na ito na imprint ng HarperCollins Publishers kasi free naman (iniwan na ng dating may-ari sa amin). I think it’s a good thing na binasa ko ito kasi hindi lang ito nagbibigay ng fashion and style tips. It also explains
- The difference between wearing branded outfit versus wearing your confidence.
- Flaunting your unique style versus following fashion trend.
- The power of accessories
- The power of mixing and matching outfit.
- Woman empowerment
- Knowing and being true to yourself
The extra good sides:
- I like the size na maisilid kahit sa sling bag at basahin kung saan-saan. Eh ‘di ba I like reading small books sa viaje, sa pila, at sa traffic.
- Appealing ang illustration ni Ruben Toledo
- Naglagay din motivational quotes si Nina
- Kahit siguro intimidating in person si Nina Garcia, mainam na yung mga wordings n’ya na crunchy even for non-fashionable readers. Tipong hindi mo na kailangan magbuklat ng dictionary
- Easy to learn yung tips and in-depth explanations. Tipong kung deadma ka sa fashion at style noon, maeengganyo ka na pag nabasa mo ito.
The not so good sides:
Isa lang ang ‘di ko trip masyado rito at puwedeng hindi naman talaga bad side. Aaminin ko nakatatamad din basahin yung “what to watch and what to watch for” part. Siguro oo ang cool ng mga samples n’ya na mga film characters/ actresses. Pero paano kung iilan lang talaga ang mga kilala mo sa mga ganoon at personally ‘di mo rin bet ang fashion statements nila? I-effort mo pa ba na i-check ang Pulp Fiction (Uma Thurman (eh mas bet ko s’ya sa Kill Bill), Breakfast at Tiffany’s (Audrey Hepburn)at iba pang old films. Basta ako nagagandahan ako kay Elizabeth Taylor at sabi ng Nanay ko kamukha s’ya ni Amalia Fuentes. Hehehe.
I check yung issue na binabasa ko na na-publish noong 2010, pero baka ganito pa rin ang reaction ko kahit nabasa ko ito noon. I agree na naniniwala ako na pang-costume party na lang yung sunod na sunod sa ganoong fashion na ibinase sa mga film characters. Siguro dito na lalabas yung generation gap, what more kung mabasa ito ng mas bata sa akin. On the other hand gustong-gusto ko ang Style and Music part n’ya. Karamihan sa bey kong fashionable personalities ay mula sa music industry.
Lessons from this Fashion, Style Book
Your confidence, your style – your fashion statement. Malapit ko na matapos itong book ni Nina Garcia (Marie Claire magazine Fashion Director and a judge in Project Runaway), pero so far I like the ideas na narito na in a way may kinalaman sa personality development. Ipinagdiinan n’ya na sa pananamit ng tao makikita kung paano n’ya ini-express at dinadala ang kanyang kumpiyansa. Kung komportable ka sa suot mo mula panty/ brief hangang blouse/ polo hanggang blazer hanggang accessories lalabas ang kakaiba mong aura.
If you what’s fit for you, you save money. Sa totoo lang, asiwa ako magpapasok sa mga fashion boutiques dahil napapaso ako sa mga mahal na price tags. At may mga paagkakataon na inisip ko na since hindi ako ma-branded o mabili sa mga ganyan ay hindi na ako fashionable. Surprisingly sa The Little Black Book of Style ay kung ilang ulit na- emphasize na hindi palaging presyo at brand at lalo na kung ano ang uso ang sukatan sa ganyan. Kung bibili ka man ng mahal, yun ay dahil swak sa iyo at good investment.
Every time I see a woman with the “it bag” du jour I do not envy her; I pity her, the poor thing. She just dropped ten grand to look like a wannabe…
Why someone would want to carry around a bag that advertises “Fashion Victim.”
-Nina Garcia
Ilan sa mga nakuha ko mula sa author para maging makatipid at makasulit sa gastos ay…
- Alamin mo yun size mo talaga, yung talagang totoo lang at hindi ipinagpilitan pagkasyahin.
- Bilhin lang ang damit na maganda at bagay sa iyo.
Your closet should be full of only pieces that look good on you and make you feel good about yourself.
-Nina Garcia
Get inspirations, but find your own style. Kung may isa akong pinaka-take home lesson sa book ito ay importansya na malaman mo kung ano ba talaga ang style mo. Puwede ka maghanap ng inspirasyon na maibabagay at maidagdag sa istilo mo. Ang mahalaga ay maipakita mo kung sino ka at ano ang gusto mo ma-achieve.
Ayon pa kay Garcia, kadalasan kung sino pa ang mga babaeng kulang sa anda ay iyon pa ang mga nakakaintindi kung ano ba ang “style.” Sa akin kuro tama ito lalo na kung tama ang mindset at paiiralin ang pagiging malikhain. May iba rin kasing Pinoy at Pinay na nakadepende sa kung ano ang imported, bago, at may tatakbuhin kahit hindi naman bagay.
Naalala ko tuloy yung success story at creativity ng RagtoRiches, Inc. ng renowned fashion designer na si Rajo Laurel at kung bakit kahili-halina magpupunta sa Arts and Crafts Fair sa Alabama Street.
Rate: a Book to keep!