Breakthrough ang first album ni Julie Anne San Jose under her new recording outfit, Universal Records. Read between the lines, napaisip ako parang may something sa music project na ito ng Asia’s Pop Sweetheart. Ano kaya?
Julie Anne San Jose’s Breakthrough with Universal Records
Bago pa man ilunsad ang kanyang Breakthrough album ay nauna nang napapakinggan sa ere ang singles dito na Tayong Dalawa, Nothing Left, at Your Song ( My One and Only). Ang huli ay orihinal ng Parokya ni Edgar, habang naunang dalawa ay orihinal ni Julie Anne na kapwa nag- top 1 sa All-Genre Chart sa iTunes. Sa pag-release ng buong album, mapapakinggan na rin ang iba pa niyang singles –ang Ways, Love The Way You Love, Down For Me, at Recall.
Sa media conference para sa Breakthrough, sinabi ni Julie Anne na matutunghayan ng fans and listeners ang evolution ng kanyang musika sa kanyang album. Dito ay hindi lang ballad umano, kundi sumubok s’ya ng ibang genre.
Pero bakit nga Breakthrough?
Funny pero basta naisip at nagandahan lang raw sila sa word na breakthrough. Naisip nga ata n’ya ito sa habang naiipit sa traffic. Pero base na rin sa ilang statement ng Sunday Pinasaya mainstay ay posible rin naman na may kinalaman ito sa pag breakthrough sa dating nakasanayan n’ya. Ang nais din niya ay masubukan ang mga bagong bagay para mag-grow . Isa na nga rito ang pagsali niya sa bago niyang record label at paggawa ng bagong awitin sa kanyang tagapakinig. Sa Love the Way You love ay nakatrabaho niya ang award-winning music producer Marcus Davis.
Kaya bang mag-breakthrough ng Asia’s Pop Sweetheart?
Bukod sa pagiging multi-awarded singer, Julie Anne San Jose divulges that she can actually play different musical instruments. Kung tama ang alaala ko ay nasa pito ang nabanggit niya. From that moment ay napagtanto ko na kaya pala natawag din s’yang multi-hyphenate artist. Ang dami pala talaga niyang kayang gawin sa aspeto pa lang ng kanyang music career. What more that she’s also a certified songwriter.
Sa kanyang record album, siya pala ang songwriter ng Tayong Dalawa at tungkol ito sa long distance relationship. Anya sinulat n’ya ito lagpas isang taon na ang nakalilipas at wala naman daw siyang partikular na inspirasyon. Para sa gaya ko na hanga sa mga singer-songwriter at iba pang versatile artists, wow factor ‘yon. Ibig sabihin, she goes beyond the basic dahil kailangan palaging may personal na hugot. Dahil din doon ay may tendency talaga s’yang maging prolific songwriter. By the way, ang songwriting process daw niya ay tapusin ang kanta sa isang upuan.
The Next Big things kay Julie Anne San Jose?
- Eager s’yang maka-collaborate ang rapper na si Shanti Dope
- Fresh from her My Guitar Princess, naghihinayang din s’ya sa mga kanta. So baka puwede at gusto n’yang gumawa ng album na ang songs ay mula rito.
- Gusto n’ya rin makarating ng Japan with her family
- Posible at okay na makatrabaho si Donny Pangilinan na isa ring Universal Records artist
- Bahagi siya ng main cast ng first Filipino Anime ang Barangay 143
- Bubuhayin n’ya ang kanyang Youtube channel at hopeful s’ya na makapag-upload ng original songs
- Gusto n’ya rin na masubukan na mag-musical , iyan lalo na’t idol n’ya si Lea Salonga