May nagtanong kung ano ang pelikula na nagpaiyak sa akin. Ang huling naalala ko ay Korean films na Don’t Tell Me Papa at Wonderful Radio. I just realize na teka yung mga scenes ata na nagpahagulgol sa akin ay may kinalaman sa mag-ama. Naisip ko lang ay baka may iba pa akong hugot kaya ganoon? At oo nga pala kung tama rin ako ay ni minsan ay hindi ko nakabati sa sarili kong ‘Tay o Daddy ng Happy Father’s Day.
Note; Father’s day ko nasulat ito pero na-publish ko sa araw ng Death Anniversary n’ya.
Ano ang pakiramdam ng walang ama?
Ang post na ito ay hindi para magpaiyak o magdrama. I just want to point out yung realities ng kung walang ama o kinalakhang ama, at slight ng mawalan ng ama. Baka ma-appreciate mo ang tatay mo o kaya kung ikaw ang tatay ay baka mahimasmasan ka. Anyway…
Napakaunti ng reference ko sa pagkukumpara ng may ama sa wala. Eight years old ako ng namatay ang Daddy ko at siguro bago pa ako mag- 4 or 5 years old ay hindi ko na s’ya halos nakakasama. Naghiwalay na sila ng Nanay ko bago pa ako tumuntong ng Grade 1. Noong bata ako, alam ko lang na oo wala na Daddy ko. Pero iba rin pala ang alam sa nauunawaan na. Yung impact noon psychologically or emotionall siguro na-experience ko nung high school na ako.
It feels like there’s a big hole in your support system. I am blessed naman na may palaban akong nanay at strong-willed na mga kapatid, at nakakasamang kaibigan. Pero may mga “what ifs “pa rin, gaya na baka mas matagtag ako, mas secured ako sa sarili, at mas madali ko ma-handle yung guys o love, o baka hindi ako masyado indecisive.
Sa akin hindi madali magsabi ng feelings dahil parang naging automatic sa akin na hanggang kaya ay kimkimin ko muna ang problema. Kailangan ko rin protektahan ang sarili physically, emotionally, and mentally. Kapag single mom at breadwinner ang winner mo, parang kawawa naman kung dadagdag ka pa sa problema n’ya.
So ako ‘pag lumapit na ako kay Nanay, tipong ‘di ko na talaga kaya. Hindi ko na ikinuwento sa kanya yung may kaklase akong ayaw lang sa akin ay gusto ng makipagsampalan, mga kaibigan na pinagtulung-tulungan akong i-bully, minura ako ng teacher ko, nabastos ako, at yung maraming beses na gusto ko na mag-give up. Kung siguro alam ko na may masasandalan s’yang asawa at ako na ama, baka hindi ko naranasan ang mga naranasan ako. Baka…
Parang may na-miss kang genuine care and sweetness from a man who naturally loves you . Pinagmamasdan ko minsan ‘yong mga kuya ko sa mga anak nila. ‘Pag nagiging tatay pala ang isang lalaki ay parang wapakel s’ya sa isyu ng “machismo.” ‘Pag anak mo ang pinag-uusapan ay hindi kuwestyon kung papaliguan, aayusan, bibihisan, papakain, patutulugin, ipaglalaba, reregaluhan, gagastusan, at bubuhayin mo.
Alam mo Girl ‘yang mga bagay na iyan ay hindi mo mararanasan sa lalaking hindi nagmamahal sa iyo nang tunay. At Ineng at Utoy ang mga ‘yan ay natural lamang sa mga amang nagmamahal. ‘Pag sa mga kuya ko kasi ang feeling ay pakakainin at patutulugin ka kasi nakakaistorbo ka na, ahahaha. Sa konting experience ko kasama ang Daddy ko, kapag naabutan n’ya akong natutulog sa sofa, nararamdaman ko na lang ay binubuhat n’ya ako para magkakatabi kami nina Nanay.
Saka iyong kahit masakit na siguro yung braso niya, ipapaunan niya pa rin sa akin hanggang sa makatulog na ako.
Ang “paki” ng pakilamerong ama?
I think iba rin ang disiplina, diskarte at tapang na matutuhan mo sa isang ama. Siempre kaya mo naman matutuhan ang mga ito sa ibang tao. Subalit madalas ang hirap kapag may big and crucial na pagdedesiyunan. Iyong sana may mahihingan ka ng payo kahit magamit mo man o hindi, basta may nakikinig lang. Tipo bang kahit half-hearted ka pa sa desisyon dahil sa fear basta may basbas ni Tatay ay go-go-go sago ka.
Iba rin siguro kung kumpleto magulang kasi ang dating ay yung line of defense mo ay kasing tatag ng Great Wall of China. Tapos yung leader mo ay pinapadali, pinapagaan, at pinapatibay ka sa laban.
May isa akong friend na kahit anong strong ng personality o may pagka-wild ay tiklop kapag tatay n’ya na ang nagsalita. Wala akong masyadong ganoon sa buhay ko maliban kay Nanay.
Yung disiplina ko nanggagaling sa “mahirap kasi kami, marami kami, at kung ‘di ko gagawin ito ay sino (Yes parang welga lang ni Sister Stella L).
Madali ba ‘pag walang pakilamerong ama? Mahirap din siguro dahil yung isa na napakahirap i-self-study ay self-discipline o self-control. Matutuhan mo iyon lalo sa iyong magulang e. Sila ang maglalagay ng pundasyon ng moral stand/ discipline mo unang-una. Kailangan ang moral stand na yan sa crucial stage mo que ng kabataan mo o ngayon nakikipagbakbakan ka na sa buhay.
Ang isang disiplina ni Daddy na natatandaan ko pa ay ang hindi pagsasayang ng pagkain. Ayaw n’yang may natitira sa pinggan at kung may matitira ay gusto n’ya maayos na pinasama-sama ang mga mumo. Iyan ay kahit ang kinakain lang namin ay kanin na may soy sauce lang.
Mumo – tira-tirang pagkain o food crumbs
Ang tough love ng mga Daddy. Ang sabi ng mga kapatid ko ay napaka-strict ni Daddy, at oo namamalo s’ya. Pero kahit ilang palo na inabot ng mga kapatid ko ay mahal na mahal nila si Daddy.
Hindi ko na naabutan ‘yon at never n’ya ata akong napalo. Ang naalala ko sa kanya ay palagi niya akong binibilhan ng brownies, binigyan ng isang pack ng rag dolls, at tini-treat na manood ng sine ( siguro kaya kahit kuripot ako ay moviegoer ako).
How to appreciate/understand your father (when he’s someone you don’t like)
May mga tao sa buhay natin na aalis, nandyan lang, mawawala, o sasamahan ka. Pwedeng yung katabi mo ngayon ay hindi na maya-maya lang. Ganoon din sina lolo, lola, utol, bff, nanay at tatay dahil kanya-kanya tayo ng time frame at lifespan. At kung mawawala man sila ay bahagi pa rin sila ng pagkatao mo dahil na-touch na nila ang buhay mo.
Tandaan din ang reality ng cliche na “pagbalik-baliktarin mo man ang mundo ( kung kaya mo?!) ay tatay/ Father/ Erpat, Daddy, o Papa mopa rin s’ya.
Minsan naapektuhan ako (gaya sa mga movie) sa mga anak na walang paki at respeto sa tatay lalo na kung ang bait-bait naman. Iyong mga anak na ikinakahiya kasi mahirap lang, hindi guapo, o hindi fashionable. Tapos may inuuto pa para mabigyan lang ng perang pinaghirapan nito para lang sa mga walang kwentang bagay. Nakakainis kasi sa totoo lang napaka-rare na ng responsableng ama/ lalaki.
Ito yung part ng sa wonderful radio na nagpaiyak sa akin.. wala english sub