Kilitiin ang imahinasyon sa Hintayan ng Langit


Kapag binabanggit ang Purgatoryo, ang nai-imagine ko ay “lugar ng mga nakalutang na kaluluwa.” Hindi ko naisip na ang Hintayan ng Langit ay isa ring estado ng pagbubulay-bulay para  sumalangit.  Ganito ang dating kasi ng trailer ng latest movie ni Direk Dan Villegas na sinulat ni Juan Miguel Severo at top billed by Eddie Garcia at Gina Pareno. Iba nga pala ang kakayahan ng movie. Kaya nitong kumiliti ng imahinasyon at magdala ng mensahe na hindi sumasagi sa isipan sa ordinaryong araw. Napanood  sa mga sinehan, nationwide,  ang pelikulang ito November 2018.

Ang mga dumadayalog sa Hintayan ng Langit?

Pinalaki akong makapanood ng kahit anong pelikula na hanggang Paraluman level. Dahil d’yan ay nakailang beses na akong nakapanood ng Eddie Garcia films. Para sa akin, siya ang kauna-unahang aktor na puwedeng bida, kontrabida, at kahit pa bida-kontrabida  Napaka-effective at versatile niya na kahit mapa-comedy, action, at drama ay kaya niyang gampanan.  Tatlo  sa paborito kong pelikula niya ay Public Enemy No. 2: Maraming Number Two, Tinimbang Ka Ngunit kulang, at Hindi Ka Na Sisikatan Ng Araw: Kapag Puno Na Ang Salop (Part III). Itong huli ay film series na kung s’ya si Judge Valderama pasakit sa role ni Da King Fernando Poe, Jr.

Hindi na kagulat-gulat kung marami siyang acting awards. Dito nga Hintayan ay nakakuha na siya agad ng Best Actor trophy sa 2018 QCinema International Film Festival, kung saan una itong ipinilabas. Ibig sabihin natatangi rin ang kanyang pagganap bilang si Manolo. Si Manolo na bagong salta sa purgatoryo at makikipagpalitan ng kuwarto sa ex-girlfriend n’yang si Lisang.

Para sa akin kung ano ang role na in-assign sa iyo, drama, comedy, o bakla ay gawin mong believable.”

Ang saad ni Tito Eddie sa panayam ko tungkol sa kanyang versatility.

Kay Ms. Gina Pareño, ang natatandaan ko  ay ang kanyang komedyang makulit at pasaway. Gayon din sa kanyang dramang kukurot sa iyong puso. Tipong ikaka-guilty mo kapag hindi mo  maunawaan ang hinaing ng kanyang character.  Sa lahat ng TV series o movies n’ya ay tumatak sa akin ay ang Magic Temple. Bukod sa mga bida at istorya, ay isa talaga s’ya sa dahilan kung bakit naging  favorite childhood movie ko iyon.

Base sa Trailer ng Hintayan ng Langit, matutunghayan ang istilo n’ya  upang maramdaman ng manonood ang pagkatao ni Lisang.  Si Lisang na matagal na sa purgatoryo at nangungulit sa mga naroon bago s’ya ipatawag para sumalangit.

Depende kasi sa role mo, kung ang role mo  ay totomboy-tomboy ka ay gagawin mong ganoon.   Saka importante ay malinis mong magawa at… magustuhan ng mga tao.

Ang sabi ni Tita Gina, kung paano n’ya iarte ang mga papel na ginagampanan n’ya.

Patalastas

…Gagawin mong maganda ’yong [karakter], kaya masarap gawin.

Ang may direksyon sa Hintayan ng Langit

Kung titingan si Direk Dan Villegas sa personal ( mediacon) ay mukha siyang bata pero batikan dahil sa malawak n’yang experience.  Pero bata pala talaga s’ya at nakaka-11 movies pa lamang bilang film director. Sa 11 na iyon ang napanood  ko ay English Only Please at Walang Forever.   Kung pagbabasehan ang mga ito, kasama na ang iba pa nilang movie at TV Projects ni Direk Antoinette Jadaone. Malapit sila sa paggawa  ng pelikulang hinalaw sa mga totoong tao at araw-araw na pangyayari.  Dagdag pa rito,  madalas ay may hatak sa takilya at ang mga bida ay batang handang umarte.  Patunay na nga rito ang best acting trophies nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales.

Dahil dito ay nakakaatat makita ang film direction job ni Direk Dan para sa  Hintayan ng Langit.  Kung sa cinematography (forte ni Direk) at production design ay makikita na ang drama at  kanyang tatak.

Iyong purgatoryo ay hindi nakakatakot na kawalan, kundi isang lugar o estado na parang  pinagdadaanan din natin sa realidad. Ang blocking at timing o paraan pagbato ng dialogues ay kaaliw at kapani-paniwala. Bagay na madadama mo na relatable ang mga character – iyong baka ganoon din yung usapan ng mga nadedong tao.  Sa QCinema, ang Hintayan ang nakabingwit ng Audience Choice Award.

Kung ang pelikula mo ay for wider release, siyempre yes [may pressure]. Kaya ka nga nag-release [ ng pelikula] para makita ng mga tao. Pero more than sa box office ay sana magustuhan ng mga tao ang ginawa mo. Paano mo malalaman iyon, ‘di ba  sa gross receipts… Kapag wide release, ayon iba talaga ang pressure.

Ang sagot ni Direk Dan sa tanong ko kung takot o  may intensyon  sila sa paggawa ng box office hit films.

Kasi you have producers, sana makabawi sila para makapag-produce pa ulit sila ng movies at mabuhay ang industriya natin. Ecosystem kasi iyan eh.

Ang Hintayan ng Langit ay co-produce ng Globe Studios at Project 8 corner San Joaquin Projects.  Ang huli ay ang production company mismo nina Direk Dan at Antoinette Jadaone.  Samantala, ang Globe Studios naman ay isa bagong film outfit ngayon na tumataya para gumawa ng naiibang pelikula.  May nagawa na silang proyekto kasama sina Erik Matti (On The Job Series) , Paul Soriano, Sigrid Bernardo, Joyce Bernal, at Lav Diaz.   Co-producer din sila ng Goyo: Ang Batang Heneral starring Paulo Avelino.

Ang may likha ng Hintayan ng Langit

Gaya ng aking nabanggit  may mga bagay na hindi maglalaro sa isipan mo basta. Bukod siguro sa Bible, huli ko pa atang naisip ang  langit at purgatoryo nang mabasa ko ang Divine Comedy series: Inferno ni Dante Alighieri at college pa ako noonSiyempre iba-iba rin ang mabi-visualize mo  depende sa medium at pahiwatig ng may-akda.

Dito sa Hintayan,  kakatwang malaman na ang  lumikha ay si Juan Miguel Severo. Ang taong muling nagpasikat ng spoken poetry. Napanood ko na s’ya sa TV (On the Wings of Love) at personal sa mediacon ng  2018 Buwan ng Wika. Kaya wala akong agam-agam na kaya niyang magpadama ng damdamin sa senaryong kanyang naiisip. Nga pala, ang istorya ng Hintayan ay una n’yang inilabas  sa The Virgin Lab  Fest bilang isang one-act play piece.

Hintayan ng Langit PR photo: Si Severo ay pinagigitnaan nina Tito Eddie at Tita Gina

Kaya ang nakaka-excite  malaman sa pelikula ay paano si Juan Miguel bilang scriptwriter. Paano naisalin na pampelikula ang kanyang katha?   Sa trailer ay hindi naman makakata ang mga dialogues, kundi simple pero may katok.  Interesante rin  na mapanood kung ano  kabuuang interpretasyon niya sa purgatoryo at anong mensahe ang gusto n’yang makuha ng tao mula rito.

When I first read the Hintayan Ng Langit script for QCinema, I couldn’t put it down, and when I finished it, I couldn’t hold back my tears.”

Ani  Globe Studios Head Quark Henares tungkol sa kwento ng Hintayan.

“When I handed it to our producers, they felt the same way. This is a film Globe Studios HAD to do, and I’m so proud and happy we’re giving everyone a chance to see it nationwide. It’s different. It’s touching. It stays with you. Hope you can all catch it in theaters!”

Kilitiin ang imahinasyon, mapapanood na ang Hintayan ng Langit bukas sa mga sinehan sa buong bansa.

Related materials


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.