Movie Review: Alone/Together starring Liza Soberano, Enrique Gil


Alone/ Together film na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil ,at written and directed by Antoinette Jadaone ay first movie na pinanood ko sa theater this year. Ito rin ang unang movie ng LizQuen love team na napanood ko sa sinehan.

5 Major Arts in Alone/Together movie

Screenplay /Story ni Antoinette Jadaone – Siguro nakapanood na ako ng movie na about career o may mapaghahambingann ako nitong Alone/ Together, pero wala na ako maalala ngayon.  Nakain na ng story ng Alone/ Together nina Christine “Tin” Lazaro (Liza Soberano) at Rafael “Raf” Toledo (Enrique Gil) ang up to 500 gb moviegoer memory ko. 

Alone Together review _ movie poster photo
Alone/ Together movie poster outside cinema

While the watching the film kasi I can’t stop wondering ‘yong pressure sa UP na and Magna Cum Laude grad ka pa, then ma-shutter ang promising career mo because of ___.   I feel yung disappointment, pain, frustration, doubt, at fear ni Tin kasi mahusay iyong character building. Same din sa genuine love ni Raf na hindi ko masabihan na “oi move on ka na.”  Naramdaman ko kasi na sinubukan n’yang lumimot at magsimulang muli, kaso waley e. Pang “emergency” level ang kanyang atake sa love e.

Gustong-gusto ko rin yong dialogues na  pang IMDB at Goodreads quotes dahil meaty at hindi pilit na isiniksik.   Hindi ko matandaan exactly yung mga linya pero trip ko iyong …

  • sinabi ni Tin sa umpisa pa lang sa National Museum tungkol sa history.  Parang ang dating ay oi mahiya ka kapag kinakaligtaan mo ang iyong past. Yun ang kaya ang foundation kung sino ka.
  • Sinabi ng professor ( played by Nonie Buencamino) ni  Tin na ang hindi porket hindi mo naabot ang pangarap mo ay failure ka na.
  • Yung sinabi ni Raf kay Tin sa damuhan sa New York na. Iyong magse-settle ka na lang ba sa kung ano yung bunga ng maling desisyon mo. Eh lalo na’t 27 years old lang si Tin, kaya malayo pa ang kanyang mararating o mababago sa buhay n’ya.
  • Yung sinabi rin ni Raf dun (same na damuhan) na “used to” at gusto. Na oo nga naman, wala si Tin sa damuhang spot na iyon kung talagang okay s’ya sa ibang lugar/ sitwasyon na dapat  naroon siya ng mga sandaling iyon.
Poster ng Alone Together movie ng LizQuen by Hitokirihoshi

Sa mga sundot na kwento, gusto ko rin yung painter-turned car dealer- turned painter ulit. Nakaka-inspire kasi iba ang usapang pera at passion sa career. Pero overall smooth yung presentation na dadalhin ka sa kaloob-looban ng pagkatao at koneksyon nina Tin at Raf.

Siempre ang pinakamahalaga sa lahat ay iyong mga mensahe na gusto na iparating sa akin ng movie. Yung somehow magagamit ko rin mismo sa buhay ko bilang konting counterpart ni Liza Tin Lazaro in real life.

Feel the artistic vibe/ dramatic ambiance – I don’t know kung anong eksaktong term pero mula sa pimple ni Tin o make up, pag-iisaw nila kina Mang Larry, wardrobe, cinematography, music, set design, at location ay ang lakas maka-art.  Napuntahan ko pa pati ang major locations nila gaya ng

Patalastas

University of the Philippines campus

Emergency Room ng Veterans Medical Memorial Hospital

VMMC Hospital by Hitokirihoshi
ito yung harap ng ER

National Art Gallery/National Museum

…Except yung museum at damuhan sa ibang bansa na pinag-shooting-an nila.  New York, Cubao pa lang naabot ko e.

New York street cubao by hitokrihoshi
ito pa lang naabot ko sa New York/ Instagram/ Hitokirihoshi

Kaya parang naibalik tuloy sa akin yung feel ng bawat lugar na iyon.  Syemay may crush pa naman ako doctor sa ER ng VMMC hehehe. Pero siempre panalo sa lahat iyong Spolarium ni Juan Luna.

spoliarium ni Juan Luna sa National Museum by Hitokirihoshi
Spoliarium ni Juan Luna sa National Museum

Musical score/ OST – Bago mag-start yung screening ay napaisip ako, matatandaan ko ba yung mga songs  at paglapat ng musical score?  Baka kasi ma -take over yung iilan na lang sa 500GB moviegoer memory ko ng acting, story, at cinematography.  Pero ‘Day at Dong, parang natandaan ko lahat kasi halos alam ko nang Puto Seiko naman kasi, eh  mga kanta ng Rivermaya at Eraserheads ang naririnig ko. Ang ganda ng pasok pati ng  Awit ng Kabataan at 214 na ni-revive ni JM De Guzman, tapos favorite ni direk este ni Tin at Raf ang Spolarium ng Eraserheads.

Superb Direction – Okay convince na ako na iba nga si Antonette Jadaone bilang writer-director. (May movie ba siya na s’ya lang ang nag-direk pero iba ang sumulat totally?) na-guide niya yung mga actor para ma-interpret nang  maayo yung sinulat n’ya. Mukhang nasiguro nya rin na tutugma yung mga elemento  gusto n’yang maitampok. Kasi gaya nga ng nabanggit ko sa visual at audio ng Alone/ Together na kahit hindi ka into visual art o museum ay parang mabi-brainwash kang, tangi gusto mo rin.

Saka ang buong detalye sa …

sundan ang Part  II ng review ng

Alone Together movie ng LizQuen



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.