Enhanced community quarantine ay gaya ng Retirement?


Dahil sa enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19 ay na-realize ko na para pala tayong nasa nakaka-experience ng ating retirement. Kasi nga tigil trabaho at limitado ang kilos natin sa halos lahat ng aspeto. Nakaambang pa ang panganib na magkasakit na parang gaya ng ating mga senior citizens. Pero anu-ano nga ba mayroon sa enhanced community quarantine na swak sa concerned ng mga retirees? At ano ang kahalagahan ng paghahanda para sa iyong retirement?

Loob muna ng bahay sa panahon ng enhanced community quarantine
Loob muna ng bahay sa panahon ng enhanced community quarantine

 Ano ang meaning ng enhanced community quarantine at pinagkaiba nito sa lock down?

Similarities between Enhanced Community Quarantine and Retirement

Ayon sa Cambridge dictionary, ang retirement ay ang tuluyang pagtigil sa pagtatrabaho na madalas ay dahil sa katandaan. So, sinabi lang na “madalas na rason,” hindi mismo dahil sa pagtanda. May chances na magre-retire sa ibang rason. At patotohanan ko ito (malamang din ng mga repa nating tambay hahaha) dahil may mga nag-e-early retirement sa trabaho na ang layo pa sa 60 years old. Puwedeng dahil kaya nila financially o kailangan dahil sa concern sa karera (halimbawa siguro ay natanggalan ng professional license).

Retirement is not about age. Kadalasan nga ‘pag sinabing retirement ay automatic iisipin natin ay ito iyong mga nasa 60s. Sa bagay sa aspeto ng employment ang mga nagre-retire ay nasa pagitan ng 55-65. Nasa 60 to 65 years old naman ang nakakatanggap ng pension at discounts para sa mga senior citizen. 

Physiologically, psychologically, and culturally ay automatic din ang iniisip natin sa pagtanda ay dapat halos wala ka na ginagawa. Pero iyan nga ba ang realidad na nangyayari?     

Aral mula sa mga senior citizen?

Ang retirement ay may kinalaman sa kalusugan. Para sa akin ang common reason sa retirement ay dahil sa lagay ng pangangatawan at hindi edad lang. Titigil lang sila at kahit ang mas bata-bata pa sa pagwo-work kung may malubhang sakit o kapansanan na gaya ng naparalisa. Kaya gaya ng mga prone na magkaroon ng COVID-19 ay kung hindi rin alaga ang iyong health mas prone ka sa pagre-retire (temporary o permanent).

Patalastas

Pinta sa Nemiranda Art Gallery

By the way, ang mga delikadong magkaroon ng COVID-19 ay mga sumusunod ayon sa CDC:

  • Iyong may malalang sakit sa baga gaya ng may hika ( medyo o malala)
  • May malalang sakit o kondisyon sa puso 
  • Mga taong immunocompromised o mahina ang resistensya gaya ng 
    • mga dumaan cancer patients na dumadaan sa gamutan 
    • naninigarilyo
    • bone marrow or organ transplantation, 
    • may kakulangan sa resistensya sa immune system 
    • Mahinang kontrol sa HIV or AIDS
    • at iyong napatagal na sa paggamit ng corticosteroids at iba pang humina ang immune dahil sa iba’t ibang medical treatment 
  • Mga taong obese o sobrang taba (body mass index [BMI] >40) kahit ano pa mang edad
  • O iyong may medical condition gaya ng sakit sa atay, diabetes, at renal failure  
  • kailangan din bantayang maigi ang mga buntis dahil sila umano ang mas delikado na mahawa ng mga grabeng viral illness 
  • Mga senior citizen na nasa eda 65 pataas
  • At iyong mga naninirahan sa nursing home or long-term care facility

Enhanced Community Quarantine at retirement shows our mindset about working. Naiintindihan ko kung bakit may mga manggagawang Pinoy na gusto pa ring pumasok sa trabaho kahit may enhanced community quarantine at panganib ng COVID-19. Kapag sinabi kasing “no work, no pay” ay ibig sabihin na noon ay walang makakain ang pamilya. Siempre, wala pa rito ang regular na babayarin gaya ng renta sa bahay/puwesto at utilities. Kung baga, nakadepende sa makukuhang sahod ang pamumuhay. At apektado rito maging ang mga self-employed individuals (solopreneur o freelancers) at small scale entrepreneurs. 

Ang tinaguriang Anak Pawis ( “Pagbanta ng Panahon” painting sa Nat’l Art Gallery)

Kaya maganda ring analisahin sa panahon na ito kung hanggang saan ang ideya ng “no work.” Kasi kahit sino ay definitely magre-retire at magre-retire que mabigat o hindi ang pagtatrabaho. At hindi rin naman garantiya na kumikita tayo, ito ay palagi o malaki. Sana nga ay umabot tayong mga Pinoy sa punto na kapag may krisis o epidemic ay kakayanin nating unahin, nang walang pag-aalinlangan, ang pinakaimportante kaysa trabaho o pera–ang ating buhay.   

Retirement lifestyle is the sum of our (good or bad) big decisions. Gaya ng sa COVID-19 case, may mga isyu na binabalewala natin kasi sa ibang lugar naman laganap o kasi mukhang hindi malala. Hindi papansinin kahit pandemic na talaga hanggang sa mismong sarili o pamilya maramdaman ang epektong matindi. Ganito rin ang paraan ng pagdedesisyon ng nakakarami sa mga sakit, emergency, o retirement. Kapag nagdesisyon tayo ay ‘pag pang ala-panic mode na. Itong COVID-19, ay isang halimbawa lamang ng mga bagay na hindi maiiwasang mangyari sa kahit kanino–dahil isa itong medical emergency. Ang rare ng taong walang anumang type of medical emergency. Kaya po mahalaga na pinaghahandaan ang mga ganitong bagay gaya ng pagkakaroon ng emergency fund.

Ganoon rin sa retirement na hindi bagong ideya. Lahat tayo ay darating sa punto na kailangang tumigil sa pagtatrabaho. Kaya paghandaan mo man iyong retirement o hindi, kakayanin mo o hindi ay nasa iyo. Kung 20 years ago ay isa kang 15 years old na hikaos sa buhay dahil mahirap ang iyong magulang at ganun ka pa rin hanggang ngayon ay nasa desisyon mo yan. Maliban na lang siguro kung may physiology at psychologically concern ka. Kung 20-30 from now ay magre-retire ka ng walang naiipon, na-invest, o naihanda na pang pension ay desisyon mo ‘yan. Don’t blame your parents, your government o your society. 

Differences of Community Quarantine experience and Retirement Life?

Ang community quarantine ay ang sitwasyon na kailangan harapin natin ngayon. Good thing, aayuda ang gobyerno para kahit papaano maibsan ang ating mga pangangailangan. Sana nga talaga ay matapos na ang problema natin sa COVID-19 agad. Ang retirement naman ay bagay na malayo pa kaya puwede pa nating pagplanuhan, paghandaan at gawan ng mas mainam na aksyon. Pero ang ating retirement ay nakasalalay sa ating desisyon. And I think, ang pinakamainam na hakbang sa paghahanda sa retirement ay ikondisyon ang sarili na… 

Old school Rubbing Alcohol (Aguinaldo Shrine, Kawit Cavite)
  • We don’t live, just to die. Nabuhay tayo para mabuhay hanggang sa ating retirement. Happy ako na makita ang mga senior citizen na nanood ng sine ng libre, nagta-travel kung saan-sana, naghaha-hardin, nagkakawang-gawa at gumagawa ng bagay na masaya at makahulugan. Dagdag na rin dito ang ideya na totoo naman kapag nag-retire ka hindi naman paghahanda sa kamatayan kundi i-enjoy ang buhay na freedom ka na sa pagtatrabaho. Ito naman ang phase na i-pursue ang passion or interest mo.
  • When we retire… life goes on. Hanggang kaya ng katawan ang ating mga kababayan ay magtatrabaho iyan lalo na kung wala naman sa upper class. Hello, iIang beses na ba ako nakakausap ng senior citizen na mekaniko, driver, tindero at iba?  At kahit mag-retire ka na medyo okay financially ay may gagawin ka pa rin ( at may babayaran ka pa rin). May nag-email sa akin na visitor sa hoshilandia na retired teacher na nagtayo ng business, may na-meet din akong retired principal na binilhan ko ng bag sa Baguio, at engineer na tuloy sa pagtatrabaho independently kahit nasa retiring age na.
  • We can do more, if we’re aware and do something. Naalala ko na nag-usap kami ng isang amo ko tungkol sa pag-i-invest. Hindi sa business, kundi sa mga bagay na may kinalaman sa kamatayan gaya ng insurance, memorial plan, lote sa sementeryo, at apartment sa columbarium. Suko na nga lang ako sa thought na cremate o agnas, hehehe. 
The Lost Cemetery of Negativism

Game ako sa ganitong usapan dahil sa life lesson ko sa medical emergency ng nanay ko at sa lolo ko. Hindi po ako agent (o baka patulan ko na soon) pero isa ako sa magre-recommend sa iyo na mainam ang magka-insurance at memorial plan. Yes, old age and death are gloomy or horrific topics to talk about. But still life is not– we live… and we die. Ang daming phases at chapters sa buhay. At kung ano ang naimpok mong pera ( gaya ng retirement fund o pension) ay iyon lang din ang halos ang pagkakasyahin mo sa entire quarantine period. So hopefully, kung dumating na ang ating retirement ay ‘di tayo “no work, no pay” o feeling naka-quarantine. But instead ay maging masaya itong mga taon sa ating buhay. 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Enhanced community quarantine ay gaya ng Retirement?