Bakit mali ang pandaraya o cheating sa klase


Ang pagkokodigo, pandaraya, o cheating sa klase ay isa sa isyung nakakasalamuha sa buhay-estudyante noon pa man. Ano kaya ngayon na marami ang naka-remote learning? Hindi kaya mas madali at madalas na nakakatuksong gawin ito? Anu’t ano pa man, mahalaga na malaman ninuman na kung bakit maling-mali ang pandaraya o cheating sa pag-aaral

  • Mas madaling mahuli ang pandaraya sa klase, lalo na sa online. 

May nagkuwento sa aking grade 11 online student kamakailan na may kaklase raw s’yang iniimbestigahan dahil sa cheating. Sa type daw kasi ng LMS (learning management system) nila ay nata-track kung palipat-lipat ka ng tabs o websites at kung anong site ang binuksan, lalo kung bawal. Una nga rito ang mga social media gaya ng Facebook at Youtube. 

maiging wag mag-cheating sa klase

Tama ako sa hula sa aksyon na gagawin ng school nila, na maliban sa maipasa ng estudyante ang kanyang oral exam ay ibabagsak s’ya. Para sa akin ay maganda-gandang hakbang iyon para mapatunayan ang totoo. Saka maganda na rin para sa patas na pagpapahalaga sa mga  hindi nangongopya o nandadaya sa pagsusulit. 

May kuwentong joke ang kuya ko tungkol sa dalawang nanay. Ang sabi daw ng isa ay “gusto kong maging pilot ang anak ko.” Ang sabi naman ng isa ay “gusto ko maging lawyer ang anak ko.” Tapos, nag-appear daw ang dalawa sabay sabing “kaya galingan natin mare sa klase nila.”

Hindi ko na-appreciate yung joke. Bagkus ay nakairita ata sa umaga kong ‘yon, hahaha! Naghalo-halo na siguro na kagigising ko lang o wala sa timing o ganda ng delivery yong kuya ko kaya hindi mabenta. Ang unang pumasok sa kokote ko kasi ay hindi s’ya magandang idea at posibleng nangyayari. Higit sa lahat, form of cheating iyon na may malaki at malalim na epekto sa mga bata.

Sa totoo lang kasi ay hindi natutulungan ng magulang ang anak n’ya kung s’ya ang gumagawa mismo ng lahat ng assignment, projects, quiz, at exam. Sabihin na natin na nakakakalusot sa teacher. But would you think na kayang patunayan ng grade at medalya lang ang karunungan at galing ng bata? Para saan ba talaga ang pagsusulit, takdang aralin, at iba pang aktibidad sa klase?

Higit sa mga leksyon sa math, english, science at ano pang subjects ay ang pagpapaunlad ng kasanayan (skills) na magagamit ng estudyante habang buhay! Ang pagpasa dahil sa cheating ay para sa grades na hanggang sa isang school year lang. Pero ang masamang epekto nito ay tatanim sa kanilang isipan. 

Patalastas

Ang learning skills na magandang matutuhan ng kabataan mula sa challenges nila sa klase ay:

  • Problem-solving skills – iyong nag-iisip ng solusyon kaysa matigil sa pamomoroblema
  • Communication skills – kakayahang magpaliwanag at tumanggap ng mensahe
  • Social and emotional – halimbawa ay self-control at disiplina, respeto
  • Creative skills – iyong maging malikhain hindi lang sa sining, kundi sa paghanap ng solusyon
  • At iba pa.

Kahit ano pong industriya, trabaho man o pagnenegosyo, ay ang mga kasanayan na ito ang  kailangan. Hindi ang transcript of records, medalya at trophy. At mas masarap ipagmalaki kung naipagkaloob ang mga ito kasi magaling talaga ang bata. Hindi lang sa cognitive, kundi maging sa behavior. Off topic ito, pero pansin ko sa ibang magulang at batang nakilalang matalino ay may kagaspangan ang ugali. Hindi naman lahat siempre. Alam mo basehan talaga kung ano ang nagawa ng edukasyon pagdating ng araw, kung kailan ang estudyante ay “piloto” ng kanyang sarili buhay. 

Qualities ng mga taong madalas ay unsuccessful sa pagnenegosyo

Ugali ng mga successful na negosyante

Sa mga magulang, kapamilya, at kaibigan na gumagabay nang tama sa kanilang estudyante sa abot ng kanilang makakaya, saludo po ako inyo! Sa totoo lang po ang hirap ng remote schooling- modular or pag-o-online class man. 

  • Ang pandaraya nagiging bad habit o bisyong nagiging bahagi ng pagkatao na mahirap nang mabago… Worst-case, ikinakasira rin ng buhay.

Tingin mo ang mga batikang manloloko o cheater sa iba’t ibang aspeto buhay ay laging dahil sa tawag lang ng sitwasyon o pangangailangan? Nope!

Sa report na Beat the Cheat, inilathala ng American Psychologist Association (APA), ay napag-alaman na sa isang pagsasalik ng Josephson Institute of Ethics, ang mga mandaraya sa klase sa high school ay mas malaki ang tsansa (3x) na manloko sa loan claim at customers.  Sa nasabi ring artikulo ay binanggit ang isa pang survey na isinagawa sa University of Illinois Sa 154 college students ng pag-aaral ay lumabas mangopya o plagiarists ng report ay kinakikitaan sarili na…

  • mangangaliwa sa asawa 
  • papatol sa maanomalyang transaksyon
  • magiging pasaway sa trabaho
may cheater kaya sa Night Market na ‘to? char!!
  • Ang pag-iwas sa pandaraya sa pag-aaral ay susi sa maasaya at masaganang buhay

Isa sa mahalagang pagnilayan sa pagiging mabuting estudyante ay nagiging pundasyon ito ng pagtaas ng kumpiyansa (confidence) at lakas ng loob (self esteem)

Sa Montessori style of teaching ay kahit ang mga preschool students ay itinuturing na may kakayahan na turuan ang kanilang mga sarili. May kaugnayan din ito sa pagiging independent learners. Isa sa kilalang activity/ laruan nila ay yung pink tower na may educational blocks na may hugis at pattern para makagawa ng tore. Hahayaan ang mga bata na gawin at alamin kung paano mabubuo ang tore na ‘di babagsak. Karaniwan sa kanila ang ‘di titigil hangang sa mabuo ang tore. Kung kailangan nila ng tulong ay gagabayan sila ng teacher. Subalit, gabay lamang hanggang sa sila mismo ang matutong bumuo. Bukod sa  sumasaya ang bata kapag nagtagumpay sila sa ganitong aktibidad ay tumataas din ang kanilang confidence at self -esteem sa iba pang bagay. Para bang, mas gaganahan silang harapin yung ibang pang challenges. Malayong-malayo kung nag-cheat sila, di nila matutuhan ang ideya ng self-made esteem.

Sa malawak na usapin, ang confidence at self esteem ay susi sa mahahalagang bagay sa buhay. Sa mga bata, ang mga ito ang magmo-motivate sa kanilang harapin ang anumang hamon at magiging matatag. Katunayan, maraming pag-aaral din na ang nag-uugnay sa mataas na self-esteem sa pagiging masaya, maliban sa pagiging matagumpay. Ang mga confidence and self-esteem din kasi ay sangkap para maging agile, flexible and resilient. Let me elaborate…

Itong pandemic crisis ay hindi lamang kompanya ang nasgsara, pinilay nito ang ang iba’t ibang industriya gaya ng tourism, entertainment, and maging food industry. Ang ilang lamang resulta nito ay kahit na ang mga matatagal kompanya ay nagsara. May mga prestohisyosong uri ng trabaho rin ang naapektuhan. Kasama na rito ang mga piloto, flight attendant, chef, restaurant managers, artista, etc.

Kung tutuusin ang hirap siguro kung yong work mo ang nagtatakda ng kung sino ka at kung magkano ang iyong kinikita. Kaya nga i don’t agree sa weak argument na mag-aral kang mabuti para magkaroon ng magandang trabaho. Kapag may krisis, kabilang na ang global financial crisis walang makapagsasabi kung ano ang secured na trabaho. Subalit, para doon sa mga matataas ang self esteem at may learning skills na binanggit ko sa taas ay maaaring resilient and flexible to find other ways to survive, and then thrive. Ayon nga sa mga nasagap ko sa mga entereps, iyong mga handa sa upskilling at reskilling ang nagiging matatag.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.