Kinakausap mo rin ba ang iyong sarili o self-talk? Iyong minsan pa nga ay nare-realize mo o napapansin ng iba na nagsasalita ka na mag-isa? Kung aminado ka sa self-talk, napatanong ka na rin ba kung normal ba ang pagkausap sa sarili?
Is self-talk normal?
Base sa mga nabasa kong mga articles ay normal ang self-talk (tinatawag din itong internal dialogue and interpersonal communication) sa kahit sino. Marami lang ang naka-subvocalization (o silent speech) kaysa nagsasalita talaga.
Ako, nagsasalita ako minsan at wala akong problemang marinig ‘yon nga iba. Iyan ay lalo na kung ini-encourage ko ang aking sarili na kayanin yung isang mahirap o bagong gagawin. Example: “Kaya mo ‘yan, Hoshi!
Pero kakaiba ba kung nagsasalita ka mag-isa?
Normal ba ang pagkausap sa sarili sa mga bata at adult
Ang naalala kong first ever self-talk experience ko ay nung naglalaro tayong mag-isa. Noong bata ako (mga eded 3 hanggang 8), wala akong halos kalaro sa bahay. Ako na kasi ‘yong bunso sa magkakapatid at magpipinsan na may apat pataas ang tanda sa akin. Pero parang hindi ko iyon ininda.
Nakakapaglaro pa rin akong mag-isa at mayroon akong imaginary friends na kinakausap palagi. Hindi sila multo at hindi ko sila nakikita, pero na-i-imagine ko na nand’yan sila. Kung baga, kahit bata ay aware ako na nagmi-make believe ako na may kalaro ako. Kakaiba ba ako o mga bata gaya ko na may imaginary friends? Puwedeng oo, pwedeng hindi.
Ayon sa Healthline, normal at healthy ang self-talk sa bata at usually nababawasan ito sa mga edad na aktibo na sa school at pakikipaglaro sa iba. Generally, ang self talk ay normal na ginagawa din ng karamihan ng adult (about 96%). Subalit maaaring sign din daw ng ilang mental illness kung malala. Base sa artikulo ng VeryWell Health, ang self talk ay pwedeng sintomas ng isang mental health disorder gaya ng:
- anxiety disorder
- depression,
- Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD)
- obsessive-compulsive disorder.
- schizophrenia
- psychosis
Different types and examples and types of self-talk
May iba-iba pa lang types of self-talk at hindi lang positive and negative. Katunayan ang pagkausap sa sarili ay maaaring tawagin ding inner dialogue or interpersonal communication. Dahil iba-iba ang lumalabas na uri at halimbawa, gawin nating 3 major types ang sumusunod na self-talk (sinundan ko ang idea ng book author at coach na si Jonathan Manske). Sa bawat isang item ay maglalagay pa ako ng impormasyon mula sa ibang research at sources.
- Ang positive self-talk
Generally, ito ay pagkausap sa sarili para magkaroon ng positibong kaisipan at pakiramdam. Ilan sa nakita kong halimbawa na may koneksyon dito ay ang inner dialogue for
- Self-motivation – halimbawa: “Mahirap, pero kaya ko ito! Go-go-go!”
- Self-reinforcement (acknowledgment of achieving a positive result) – halimbawa: “Tama ako, congratulations self!”
- Self-instruction o self-management – halimbawa: “Ito gagawin ko mamaya” O “ Hoshi, dapat sikapin mong tapusin ito nang mas maaga para bongga!”
Ayon sa Brinthaupt et al., 2009, ang self-reinforcement at self-management ay dalawa sa broad type ng Self-Talk Scale (STS).
- Ang negative self-talk
Ito yung pagkausap sa sarili dahil sa maling nagawa, napapansing pangit na katangian at katayuan, o pag-alala sa ‘di magagandang karanasan. Kasama sa uri na ito ang self-criticism. PERO, ang pagkritiko sa sarili ay maaari ding may benefit kung makakatulong sa pagtukoy at maging conscious sa isang problema.
Sadly, prone daw ang ating isipan na mag-isip ng negatibo. Base sa Mayo Clinic, negative self-talk comes in different forms: filtering, personalizing, catastrophizing, blaming (others), sabihing “dapat” ganito ginawa, magnifying, perfectionism, at polarizing. Sa mga ito ang madalas kung napapansin sa iba at kahit sa akin ay
- personalizing – ‘yong self-talk na lahat na lang may kinalaman sa sarili. Ex. “Inaano n’ya ako kasi ganito lang ako.”
- catastrophizing – ‘yong mag-isip ng pinakamalalang puwedeng mangyari. Takutin ba ang sarili, ganern!
- magnifying – ‘yong maliit at simpleng bagay ginagawang malaki o kumplikadong isyu.
- filtering – ‘yong mas nagpo-focus sa negative side kaysa sa positive o pangkalahatan na aspeto.
- polarizing – ‘yong extreme bad or good trait lang ang nakikita. Ex. “Ang pangit naman nito?” ‘Di ba puwedeng di ka lang napansin o napagbigyan?
Ang sobrang negative self-talk (o rumination) ay nagreresulta ng anxiety at depression. Ito rin ay nagpapababa ng kumpiyansa at pumipigil para makamit iyong potensyal o pangarap.
- Ang possibility self-talk
Dito papasok (ayon na rin kay Manske) ang sariling mga pagtatanong, paglalakbay-diwa, imahinasyon, o pag-aanalisa ( or self-assessment, which also a broad type of STS.)
Are there benefits to talking to yourself?
Looking back at my childhood☝️, I believe my imaginary friends and make-believe self-talk significantly benefited my academic and professional life. From elementary school through college, I was actively involved in acting, oration, and monologue competitions. I also wrote scripts and directed plays and media productions. These experiences demanded vivid imagination, allowing me to craft scenarios, dialogues, and potential outcomes. Interestingly, I found that self-talk helped me brainstorm ideas even before collaborating with teammates.
In my professional life, self-talk and imagination continue to be invaluable tools. They help me approach challenges optimistically, think creatively, and maintain a positive outlook. I can envision potential outcomes in meetings, calls, or interviews, allowing me to prepare accordingly. Positive self-talk has also played a role in achieving my personal and professional goals, including my travels to South Korea and Japan and career advancements.
Base naman sa Health Direct Australia, ang mga benefit ng positive self-talk ay…
- Pag-manage ng stress at well-being
- Malayo sa sintomas ng anxiety at depression
- Mabawasan ang kapasidad na saktan ang sarili o magpatiwakal
- Mabawasan ang nararamdamang sakit (pain)
- Pagpapaunlad ng self-esteem
- Nakakatulong para makamit ang mga pangarap at layunin
- Nakakatulong para i-manage ang iyong sariling buhay
Pangwakas at rekomendasyon
Sa pangkalahatan, normal ang kausapin ang sarili at marami itong madudulot na maganda kung ito ay tipong positibo at posibilidad. Ang isang tip para daw maging epektibo ang self-talk ay sa third person o sa pangalan mo mismo kausapin ang iyong sarili kaysa “ko” o “ako.”
Kung aanalisahin din, napakahalaga kung aware ka kung paano mo kausapin ang iyong sarili. KASI kung anong internal dialogue mo ay maaaring makakabuti o makakasama rin sa iyo.