Paano Mag-Apply ng Police Clearance sa City Hall?   updated!


Requirement ang police clearance para sa visa application o job employment? May dalawang pre-application processs para mag-apply nito. Ang isa ay walk-in at isa ay online appoinment bago ka pumunta ng City Hall. Ang post na ito ay mas walk-in application ng police clearance, laloa na kung taga-Quezon City o Metro Manila ka ( in case iba process sa provinces).

Paalala bago magpunta sa city hall for your police clearance

Nung mag-research ako tungkol sa requirements para sa police clearance, isa sa una kong nakita ay baranggay clearance raw. Hindi ko alam kung sa city hall lang iyon required o matagal na masyado iyong post. Pero I am particular sa date. Well, HINDI ako hiningan, at least sa city hall ng Quezon City. 

Mabuti na lang hindi ako kumuha kasi masasayang, ‘di lamang pera, kundi yung oras. Nagmamadali pa naman ako. 

Ang requirements na hiningi sa akin ay photocopy ng mga valid government IDs. Siguro, for safety, dalhin mo na rin ang original copy in case hanapin. Typically 2 ang hinihingi (sa halos lahat ng transactions sa government and finanicial institutions). At kadalasan ito ay

  • SSS /GSIS/ UMID ID
  • Passport
  • Philhealth
  • Pag-Ibig 
  • BIR ID
  • Postal ID

May nga na-search ako na magpapasa rin daw ng Birth Certificate. Tingin ko need lang yun kung wala ka pang government IDs 

By the way, para sa mga newbie employee or first time na kukuha ng Police Clearance (even NBI clearance) ay libre. Ito ay base na rin sa ata ng RA11261 – First Time Job Seekers Act

Kaya apply na, charr!

Patalastas

Para sa iba na hindi newbie at pang-work, ang kabuuang bayad ay Php 300. 

Steps sa kung paano mag-apply ng police clearance

Ang totoo, hindi ka na mahihirapan sa mga steps, kasi may mga signage naman sa loob kung saan ka pupunta. Pero para may idea ka, heto ay ang 6 hakbang na maaari mong mapagdaanan:

Step 1. Pumirma ng form at i-attach  (a.k.a. i-stapler) ang photocopy ng IDs. Ipapasa ito sa officer na titingnan kung okay ba ang pinaggagawa sinulat mo. 

Step 2 and 3: Itse-tsek kung magkano ang babayaran at payment. Hindi ko ma-define ano talaga ang pagkakahiwalay sa dalawang steps na ito (kakatsika ng nasa booth at nakisama naman ako). Pero kung base sa lahat ng experience ko, especially sa Mayor’s Permit, ang step 2 ay for city treasury which is Php 100.

Ang step 3 ay payment for the clearance na lumalabas na Php 200. 

Mas mura ang NBI clearance na Php 130 sa online application. Pero I decide na na mag-police clearance dahil mas madaling makuha. Kung ipupursige ko ang NBI ay maghihintay pa ako ng one week para pa lang sa appointment. Not sure pa kung makukuha ko iyon agad dahil marami akong kapangalan. Samantala, it takes me 30 minutes or less only para sa police clearance at walk-in application pa yun.

Step 4. Pagkuha ng photo at pirma

Dito may nakikita akong letter sa bawat booth. I assume na base ito sa first letter ng last name. Pero puwede rin na nagkaroon ng maraming booth kasi ito ang may pinakamatagal na process. Bukod sa kukunan ng picture at pirma, dito rin sinisiguro na tama ang mga spelling at detalye.  Kasama na rito ang purpose, 

  • Pang-visa application
  • Pang-ayuda
  • Pang-abroad or local employment
  • Etc.

Sabi nga ng nasa counter, kapag may mali sa bahaging yun ay nagbabayad ulit (kasi uulit). 

Ipasa sa counter ang form na iyong pinirmahan. Tingnan kung nasagutan lahat at tama. 

Samantala, depende rin ang halaga kung para saan ang police clearance na kukunin. Halimbawa, iba ang rate sa local and abroad employment.

Step 5 ipapasa ang form sa counter 

Step 6 claimed ang police clearance card and printed certificate.

Validity ng police clearance

Kumpara sa NBI clearance na may isang taon ang validty, sa police clearance naman ay may anim o 6 months lamang. 

Alin ang mas maraming gamit? I think pareho lamang, depende na lang din kung ano ang ni-require sa iyo. Sa experience ko sa work at travel (including immigration) NBI talaga. Mas localized siguro kasi ang cover ng police clearance I guess, at nationwide na nga ang NBI. 

So, there you go. I hope nasagot ng post na ito ang tanong na paano ba mag-apply ng police clearance.  



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.