Ang mag-resign sa trabaho ay ‘di biro. Para sa marami, it takes weeks, months or even years para maglakas-loob na umalis. Isa sa concern dito ay kung wala pang lilipatang bagong trabaho.
Having experienced this scenario more than twice, I’d like to share my thoughts and tips with you.

1. Okay mag-resign ng walang bagong trabaho kung may pang-gastos ka ng 6+ months
Puwedeng mag-resign any time. Pero pwedeng ibig sabihin n’yan ay mawawalan ka ng steady income. Kung ganun, maaaring wala kang pantustos sa iyong pangangailangan. Kasama na rito ang pambili ng pagkain at pambayad ng utility bills.
Ideally, magandang may 3 to 12 months’ worth of emergency fund ka lalo na kung ikaw ay breadwinner. Ang pondo na yan ay financial cushion habang naghahanap ka ng bagong trabaho.
Bakit kailangan 3+ months?

Sinasabing it takes to 3-6 months to find a new job, ngayon, ayon sa Flexjobs. Minsan ay umaabot pa ng taon. Of course, pwedeng mas mapaaga sa 3-6 months. May iba-iba rin talagang factor kung bakit tumatagal ang process bago ma-hire.
Mula sa last day ko sa past job, ang pinakamabilis na nakahanap ako ng bagong work ay 3 weeks. Ang maganda naman kasi that day ay ang nagpa-exam at nag-interview sa akin agad ay ang supervisor/ manager ko agad. Kung baga nag-assist lang ang HR.
Pero ang usual duration ng hiring process ay 1 week to 1 month, kasama ang exam at interview. May companies na may one month or ilang round ng interview bago mag-decide. May ganito na akong experiences. Pero out of 4, isang beses lang ako natuloy o tumuloy sa ganung katagal na process. Di kasi ako kampante sa line na “we will call you after one week.” For me, 50-50 ang chance dun. Kung wala pa akong current job ay lalong mahirap umasa.
Iyong pinaka-tedious na one-month-old application ko ay may 4 rounds of interview
- Email interview
- Exam + video recording interview
- Interview with HR officer
- Panel interview with the team leads
- Interview with the vice president
2. Madali mag-resign kung may side hustle—business or freelance gig
After ng last day sa old work, pwedeng two weeks pa lang ay bored or feeling down ka na. Iyan ay lalo na kung workaholic o sanay ka na palaging may ginagawa.
May kapatid ako na nilalagnat at nagkakasakit ‘pag matagal na walang trabaho.
Kaya bukod sa source of income, maganda ang may side hustle para abala ka. Ideal yung magagawa mo na isabay between ng mga interviews or exam.

3. Okay mag-quit sa work kung masipag at madiskarte ka sa job hunting
Hindi malabo na ma-frustrate, bumaba ang kumpyansa, mangamba o malungkot ka ‘pag walang trabaho. Ang dali ring magreklam lalo kung puro job rejection ang natatanggap. Pero, practically, ang resulta nyan ay lalong magalit o malungkot.
Ang corny pero pananalig sa Kanya, sa aking kakayahan, at aking potensyal ako kumakapit. Sinamahan ko ng pag-iwas sa pagiging emosyonal at paghahanap ng mainam na taktika. Anong mga taktika ang magandang gawin sa job hunting?
Dito ang aking ilang basic suggestions

4. Okay mag-resign agad ‘pag health mo na ang usapan
Isa sa aral noong pandemic crisis ay ang ipaalala na mas mahalaga ang kalusugan o buhay sa ano mang assets. That time, basta mabuhay at ma-survive mo ang hirap ay successful ka na. Kasi nga ang buhay ay buhay.
Kapag nagkasakit at mamatay, balewala naman ang titulo, estado, at kahit pera. Kahit pa nga ang mayayaman ay walang nagagawa kung madapuan na sila ng malalang sakit.
Nakakilala ako ng taong clinically depressed dahil sa sobrang stress sa work. Mayroon din akong mga officemates before na kung ano-anong sakit na ang nararamdaman. Marami roon ay directly and indirectly connected sa stress.
Ayon sa nabasa ko sa The Mountain is You by Brianna Weist. Kung hindi natin napapansin, ang katawan na natin ang nagsasabi ng something is wrong. Yung kinikimkim na galit at pressure ay nagpo-form na pananakit ng isa o ilang bahagi ng katawan. Ako pag stress nanakit tyan ko o bahing ng bahing.

5. Mag-resign ka na kung itinuturing kang rotten tomato sa trabaho
In case you don’t know, may mga terms na gaya ng quiet quitting, job hugging, at quiet firing o silent sacking.
Pinatutungkulan ng quiet quitting ang mga empleyadong nag-i-stay sa company for the sake na may trabaho. Pero in terms of work performance and team collaboration, ‘di na kainaman ang kanilang ginagawa.
Sa job hugging, nanatili sa company ang empleyado dahil sa takot. Puwedeng dahil sa takot na walang lilipatang trabaho o di maganda ang ekonomiya.
Ang quiet firing o silent sacking ay dahan-dahang paraan ng company para mag-resign sa work ang empleyado. Puwedeng sa pamamagitan ng cold treatment o iniitsapuwera sa team. May iba naman pini-pressure o pinapapadama na walang saysay ang empleyado.
Job hugging is normal at halos katumbas ng quiet quitting. Maaaring may strong reason bakit naging quiet quitter ang isang empleyado. Pero ang isyu sa quiet quitter ay kung sya ang sakit ng ulo sa team. May mga klase pa naman ng work na group effort para magawa’t matapos.
Kung ganun na ang quiet quitter at job hugger, rotten tomato na nga sila sa company. At gaya ng sirang kamatis sa isang lalagyan, nahahawa nyang mabulok ang iba pang okay pang kamatis doon. No one likes a rotten tomato colleague kahit ano pa ang reason nya ba’t sya ganyan.
Pero hindi lang ito tungkol sa team, ang kanegahan sa pagiging rotten tomato will also affect the person itself— emotionally and mentally.
Kung sigurado ka naman na kina-quiet firing ka na, I think mas mainam pa rin mag-resign ka na. Oo hindi madaling makahanap ng bagong trabaho. Pero mas mahirap yung araw-araw nauupos ang kompiyansa mo sa sarili at kawalan ng pagpapahalaga. Mas matagal at mahirap maghilom yun.
Saka actually dati mas madali akong nakakahanap ng better na trabaho kung nagresign muna ako. Trip din ng mga companies yung anytime ay available ka mag-start. And mainam din na may pahinga o nakapag-unwind ka bago ka sumabak ulit sa trabaho. New job means new training and challenges. Ang ideal na fresh at positive vibe mo, hindi yung desperate o beast mode ka.
Final thought:
Syempre mainam at praktikal pa rin na bago mag-resign ay may malilipatan ng bagong kompanya. Pero dahil nga hindi madaling makahanap agad ng trabaho, dapat may mga taktika kang gagawin. Iyan ay bago mag-resign at habang naghahanap ng bagong trabaho.